"Pang lima, ililimit natin ang upuan para sa mga nagpapareserve. Lalagyan natin ng dividers para sa privacy ng iba."
"Pwede po ba yun ma'am?" Tanong ni Jane, isa sa mga staff.
"Oo pwede yun kasi ako ang boss" sagot ko habang tinitingnan sila isa-isa.
"Sabagay ma'am kawawa naman kasi yung nasa labas minsan mainit, mausok o kaya malakas yung hangin" hirit ni Tony, isa sa mga staff na nagseserve ng pagkain.
"Tama. Ginawa itong Cups & Cakes para sa mga customer na gusto ng dessert after nilang kumain. Sila ang priority natin pero syempre importante pa din ang mga nagpareserve kaya bibigyan natin sila ng privacy pero limited lang. "
"Paanong divider? Hindi natin sila makikita kung may request sila." Sabi ni Marie sa kawalan na parang iniimagine yung divider na sinasabi ko.
"Sira! May mga divider na mababa lang!" Sagot naman ni Rica sabay hila ng buhok ni Marie.
"Araay naman Rics! Paano lalagyan ng divider? Di na tayo makakadaan!" Maktol ulit ni Marie.
Mahina lang yung pag-uusap nila pero rinig sa kinatatayuan ko. Hindi ko na lang muna pinansin pero nangingiti na ako.
"Ssshhh! Magsitigil nga kayo! Nagbubulungan kayo dinig naman namin! Si ma'am na bahala dun para saan pa at naging interior designer siya." Sabat ni Mary. Sabay tumingin sakin si Marie at Rica kaya nginitian ko na lang sila.
"At ang huli.. health is wealth.. pamilya tayo dito.. kami ni AC ang nanay, si Mary at ang senior staffs na babae ang ate ninyo, senior staffs na lalake, kuya Gary at kuya edwin ang mga kuya and the rest ay mga nakababatang kapatid.. gusto ko maging open kayo sa nararamdaman niyo.." hindi pa ako natatapos ng parang may nag aasaran. Hmm may mga love team ah.
Si kuya Gary, siya yung guard at si Kuya Edwin yung driver ng delivery van ng shop.
"...I mean kung ayos ba yung pakiramdam niyo or hindi..ayoko ng may papasok dito na masama ang pakiramdam.." pagpapatuloy ko.
Biglang nagtaas si Jigs ng kamay.
"Ma'am paano pag broken hearted pwede po bang umabsent?" Pagkatapos ay tumawa siya.
Sasagot na sana ako pero biglang nagsalita si Carl, isang gay at isa sa mga senior staff.
"Pwede naman Jigs basta pag umabsent din yung sahod mo dahil broken hearted din yung pera okay lang sayo."
"Joke lang kuya Carl. Hindi na mabiro"
Nagtawanan kaming lahat at si Jigs natatawa habang nagkakamot ng ulo. May kuto Jigs?! Charot! ^_^
Ito ang gusto namin ni AC sa kanila, kahit minsan hindi sila nagreklamo o nagdemand. Halata sa mukha nila ang pagod at puyat pero nakukuha pa din nilang tumawa at ngumiti.
And because of that! They deserve a treat!
Mabuti nalang dala ko yung sobra sa pinang grocery ko kanina.
Pasado 8PM na ng tinapos ko yung pag uusap namin. Hanggang 7PM lang kasi yung operating hours ng Cups & Cakes pero hindi ko nakita sa mukha nila na sabik sila umuwi.
Biglang nagtanong si Mary.
"Ma'am bakit ka nga po pala andito?"
Anak ng tokwa. Oo nga pala! Muntikan ko na makalimutan.
Lahat naman sila nakatingin sakin at nag-aantay ng sagot.
"Sangkalan lang naman ipinunta ko dito saka manghihiram ako ng gamit pang bake pero binombard niyo na ako ng mga hinaing niyo." Nakapout kong sabi habang kunwaring nakasimangot.
Tumawa na naman sila pagkatapos kong magsalita.
Dahil pagabi na at alam kong hindi pa sila nagdidinner ay niyaya ko sila sa Mang Inasal noong una parang ayaw pa ng iba kasi petsa de peligro na daw pero nung sinabi kong libre ko biglang nagyaya na sa Mang Inasal. Haha!
Hinanda lang ng mga baker yung mga hihiramin ko. Sinara yung shop at umalis na kami. Dinala din namin yung delivery service na L300 kasi medyo malayo pa dito yung kakainan namin.
Mahabang kwentuhan ang nangyari sa loob ng Mang Inasal. Kinausap ko na din si Pearl at nakumbinse ko naman siya na wag magresign. Si Jigs naman pinaabsent ko muna. Leave with pay. Binigay ko din sa kanya ng palihim yung 10,000 na sobra sa binigay ni Ram para sa nanay niya. Noong una ayaw niya kasi wala pa naman daw siyang isang taon para sa leave with pay at ayaw din niyang tanggapin yung binibigay ko. Wala din siyang nagawa nung sinabi kong ako ang boss. Pumayag na siya pero ayaw pa din niya tanggapin yung 10,000 abuso na daw siya. Nung sinabi ko na sige utang na lang, nagdadalawang isip pa siya pero kalaunan ay tinanggap niya din. Syempre sa loob loob ko bigay ko na yun sa kanya at wala akong balak maningil. Alam ko ang pakiramdam ng may sakit ang nanay at wala kang magawa dahil kapos ka sa pera. Sinabihan ko din siya na kung kailangan pa niya ay magsabi lang siya. Tumango naman siya.
Mga 9:30 na kami natapos kumain at magkwentuhan. Nagprisinta si Kuya Edwin na ihatid ako pero tumanggi ako kasi malayo pero nagpumilit sila ni Jigs kasi gabi na daw. Pumayag na din ako kasi isang kanto lang naman daw ang layo mula sa shop ng bahay ni Kuya Edwin. Sinabihan ko na din si siya na ihatid si Jigs pauwi kasi baka mahirapan makasakay.
Nang maihatid na ako sa condo ay nagpaalam na ako sa kanila at sinabing mag-iingat sila.