Chapter 5: Avocado Cup Cakes

118 1 1
                                    

1 week muna ang pinalipas ko bago nagpasyang itext si Ram. Everyday din akong nandito sa Cups & Cakes kasi pumunta si AC sa New York para sa business presentation niya. Bukod kasi sa cake shop namin mayroon pa siyang boutique, ang Celine Clothing Line. Wedding gowns ang bagong designs ni AC at sa kasamaang palad ako ang model na kinuha niya. Hindi na din ako tumanggi kasi alam ko namang talo ako eh.

To: Ram

Hey! Ahmm. Yes.

Ano ka ba Ela. Anong klaseng text yan!

Nagpahabol ulit ako ng isa pang text. Baka kasi mamaya okay na pala sila.

To: Ram

Just in case kailangan mo pa. YES. :)

Nilapag ko muna yung telepono ko sa table at lumabas ng office para silipin yung kusina. Sa isang linggo kong pag-stay dito, madalas kusina tambayan ko.

Pagpasok ko sa kusina nandoon din yung manager ng shop kaya kampante kami ni AC na maayos itong business kahit wala kami. Anak din kasi ng kasama sa bahay nila AC yung manager kaya mapagkakatiwalaan talaga.

Napansin kong aligaga siya.

"Mary? Okay ka lang?" Gusto kong matawa sa itsura niya. Dapat ata sinabi ko Marie nadudumi ka ba? Charot! Haha

"Okay pa ako kahapon ma'am ngayon hindi na po" ha? Bakit kaya?

"Mareng bakit?" Mareng tawag ko sa kanya pag trip ko siya asarin. Close friend na din kasi namin siya ni AC. Kaedad lang din namin siya kaya madali naming nakapalagayan ng loob.

Sasagot na sana siya nang biglang pumasok ang isang crew na may dalang avocado. Mga avocado. Mga sampung kilong avocado.

"Ito ma'am. Okay pa ako kahapon pero haggard na ako ngayon." Naluluhang sabi ni Mary.

"Bakit naman?" Maang tanong ko.

"Naalala mo ba ma'am nung gumawa ka nung isang araw ng cup cakes na avocado flavor?"

Tumango ako. Ginawa ko yun kasi sayang yung avocado na binili pa ni AC nung nandito pa siya baka mabulok kaya ginawa kong mini cup cakes pang meryenda namin.

"Aksidente pong nailagay  ni Pearl sa estante yung cup cakes. Half day siya nun kaya di niya po alam na pang meryenda  natin yun at yung red velvet cup cakes ang dapat ilalagay doon na limited edition lang hanggang bukas. Mali po ng akala si Pearl kaya ngayon ang dami pong nag advance order ng avocado cup cake ma'am. May gusto din pong umorder ng avocado cake. At yung mga customer po kahapon na umorder nung cup cake umoorder po ulit ngayon at mas madami po sila." Nanghihinang sabi ni Mary. Si Pearl ay isa sa staff namin. Nagsalita ulit si Mary. Ay kala ko tapos na.

"Aakyatin sana kita sa office mo ma'am para sana magpatulong doon sa ginawa mong cupcakes kasi hindi pa alam nila chef yung tamang sukat ng gawa niyo." Nag-antay pa ko kung may sasabihin pa si Mary pero parang wala na kaya nagsalita na ako.

"Okay. Kumalma ka na Mary." Natatawa ako sa reaction ni Mary. Sabagay ngayon lang yata siya natoxic ng ganyan pati mga baker namin parang kinakabahan din.

Tinuro ko sa mga baker namin yung paggawa ng cupcakes. Sinabihan ko na din si Mary na icheck yung mga advance order kung ilan lahat. Nagpabili pa ulit ako ng another 10 kilos ng avocado.

Dumating si Mary at sinabi lahat ng orders. So total of 250 cupcakes at 3 cakes na 8x4. Mabuti na lang malalaki yung apat na oven na nandito at tatlo kaming gumagawa. Pinaglunch ko muna yung kalahati ng staff tutal wala naman gaanong customer pag lunch time. Nagpatuloy lang ako sa paggawa hanggang sa ready ng ilagay sa oven yung naiwang 100 cupcakes. Sinobrahan ko na din para kung sakaling may umorder at para na din sa mga staff. Gusto daw kasi nila matikman.

Matapos nilang maglunch lahat ipinatawag ko muna sila sa loob ng kusina pero doon lang kami sa may pinto.

"Guys sorry kung medyo haggard tayo ngayon dahil kay Mr. Avocado but next time careful tayo ah and listen carefully. Kung sakaling may hindi kayo naintindihan, magtanong kayo sa manager or sakin or kay ma'am AC niyo. Crystal Clear?" Nakangiti kong sabi sa kanila. Ngiti lang Ela tama yan kahit ang sakit sakit na... ang sakit sakit na ng braso ko.

"Yes ma'am" sabay sabay nilang sagot. Biglang nagtaas ng kamay si Pearl.

"Sorry ma'am hindi na po mauulit" hinging paumanhin ni Pearl saka yumuko.

"It's okay Pearl." Nakangiti kong sagot kay Pearl.

"Charge it to experience guys. And before I forgot, let's meet after shift para sa avocado treats niyo. Ciao!" Sabay kindat sa kanila.

Halos lahat sila napa yes! At Akala ko hanggang tingin at amoy na lang tayo eh!. Ngumiti na lang ako habang umiiling.

Walang may kasalanan. Mainam nga kasi nagka sales ng malaki at malaki din magiging bonus nila. Halos triple ang balik. Paano ba naman kasi presyo ng red velvet cupcake ang nailagay dun sa avocado cupcake.

Bumalik ako sa pwesto at nagsimula naman kami sa avocado cake. Natapos kami ng pasado 4PM. Pinaalis na nila ako sa kitchen kasi hindi pa daw ako naglalunch. Sila na daw maglilinis at linisin ko na lang daw yung braso ko na may harina at mukha.

Almost 5PM na din ng makaakyat ako sa office. Sumalampak agad ako sa swivel chair at nag-unat ng bongga.

Makakaidlip na ako ng biglang nagring yung phone ko.

Rent to OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon