Pumunta ako kila ate Linda, ang owner nitong bahay para magbayad ng upa. Kumatok ako sa bahay nila. Sana andito si ate. Ayoko kasi kaharap yung anak niyang lalaki parang hinuhubaran ako sa tingin.
"Oh Ela naparine ka?" Whew! Buti na lang si ate Linda.
"Ito po yung bayad sa upa ate." Sabay abot ng 3,500 sa kanya.
"Ang aga ata Ela" sabi niya sakin.
Sasagot na sana ako pero nagparinig yung isang kapitbahay namin. Halos kaedad ko lang pero may anak na karga na at buntis siya ulit ngayon.
"Baka may bagong customer" sabi ng kapitbahay ko sa mga kausap niya. Nilingon namin ni ate Linda pero deadma lang siya.
Hinarap ako ni ate Linda at ngumiti.
"Wag mo na lang pansinin." Bulong ni ate sakin.
Ngumiti at tumango na lang ako kay ate Linda at inabot na ang bayad. Nagpaalam na ako kay ate Linda ng biglang nagring yung phone ko.
"Hello Ela"
"Hi babe. Miss me?" Nilakasan ko pa yung boses ko para marinig ng mga chismosa kong kapitbahay.
"Ha? Anong sinasabi mo bruha ka"
"Bagong phone babe? How sweet of you!"
"Ah ewan! Punta ka dito sa shop tutal wala ng pasok. Bye!"
"Bye babe I love you"
Nang maibaba ko na yung phone tumingin muna ako sa kanila at ngumiti. Kung nakakamatay lang ang masamang tingin malamang pinaglalamayan na nila ako ngayon.
Hindi ko inaalis ang pang asar kong ngiti habang nakatingin sa kanila. Ang sarap nilang lapitan at sabihan ng tara libre ko kayo ng lugaw pero pasampal muna ako ng tsinelas sa mukha niyo.
Naglakad na ako papasok sa inuupahan ko. Inhale ! Exhale ! Kalma Ela..
Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay dumiretso na ako sa cake shop namin ng bestfriend ko, si Anna Celine "AC" Gutierrez. Cups & Cakes ang pangalan ng cakeshop namin.
Technically siya talaga ang may-ari kinuha niya lang ako bilang kasosyo niya kaya pumayag na din ako. Ayaw na nga niya na bayaran ko siya kasi ako naman daw nagdesign pero ininsist ko pa din at sa awa ng Diyos, natapos ko din siyang bayaran. Business is business sabi nga nila.
"Kutiiiiinngg!! Is that really you?" Sabay kurot sa pisngi ko.
"Makapishil ka naman!" Maktol ko.
"My G kuting nag-alala ko kanina akala ko kung anong maligno na sumapi sayo. May pa bye babe i love you ka pa!" Sabi niya habang ginagaya pa yung tono ko sa pagsabi ng bye babe i love you. Funny AC! Haha
Pumasok kami sa office niya. Office pala namin kasi may dalawang table doon. Hindi pa namin pinapaayos yung kabilang room kasi weekends, holidays or summer lang naman ako andito kaya non sense din.
"Wow may papizza friend?"
"Yeah. Malakas kasi sakin kuting eh"
Kuting tawag sakin ni AC kasi diba full name ko is Haelan Kate. Pinaarteng CAT lang daw yung Kate kaya ayun kuting tawag niya.
Ang daming kwento ni AC kaya tango lang ako ng tango habang kumakain kami ng pizza. Nung feeling kong wala na siyang makukwento nagsalita na ako.
"AC girl... You know... Ram... Ramses Savellano... right?"
Tumingin muna siya sakin saka tumango at sumubo ng pizza.
"What about him?"
"H-he... I... W-we hmmm" kelan pa ako naging utal? Ela umayos ka. Sita ko sa sarili ko.
"Utal utal kuting. Straight to the point." Bigla siyang umupo ng maayos binaba yung pizza at tumingin sakin ng mataman.
"Nagkita kami sa mall. Little chat. And...."
"And?"
"And he asked me a favor."
"The 'for rent' thing?"
Tumango ako.
"Damn! Ela! Ano na naman pumasok sa kokote mo?" Ela na hindi na kuting? Paktay ka diha.. highblood na naman si AC.
"Look AC gusto ko lang siya tulungan alam mo naman yun diba."
"So nakapagdecide ka na pala! Ano pang kailangan kong sabihin?"
"Hindi naman sa ganon. Undecided pa din naman ak--" di pa ako tapos ng bigla siyang magsalita ulit.
"No Ela. Nakapagdecide ka na. Nung sinabi mo na gusto mo lang tumulong that means YES!"
"AC..."
"Okay ang OA ko. Kuting naman kasi. Dahil sa ganyan napahamak ka na. Concern lang ako sayo."
"Alam ko naman yun AC but he's in pain. I saw it in his eyes. Gusto ko lang tumulong bilang kapalit"
"Lahat naman Ela ng tao may pain na nararamdaman. Ayoko lang mapahamak ka"
"I know AC and I'm very grateful because I have you as my best friend."
"You almost fell in love with him kuting.. "
"Almost. But it didn't happen diba so calm down AC. I can manage" sabay ngiti sa kanya
"Okay. As your bestfriend, andito lang ako. Sabi nga nila diba bestfriend is someone who loves you when you forget to love yourself."
"Korni AC ah. Pero thank you." Tumayo ako at hinug siya.
"Hindi ka pa nga nakakarecover dun sa monggoloid mong ex naghahanap ka na agad ng batong ipupukpok mo sa ulo mo" sabi niya habang niyayakap din ako.
"Basta kuting pag minahal mo siya.. mahal lang ha wag mahal na mahal para kapag nasaktan ka masakit lang.. hindi masakit na masakit." Dagdag pa niya then she hug me tighter.
"Copy that bessy" I won't fall for you Ram.