Naalimpungatan ako ng 7AM dahil naiihi ako.
Nakakainis dapat talaga umihi na ako kanina bago matulog edi sana humihilik pa ako ngayon. Umiral na naman kasi yung katamaran ko. Sita ko sa sarili ko.
Dumiretso ako sa unit ni Ram para icheck siya pero wala na akong Ram na nadatnan sa kwarto niya.
Bumalik ako sa unit ko at di ko namalayang nakatulog pala ulit ako.
Naramdaman ko na lang na may yumugyog sakin kaya napadilat ako. Si Ram.
"Ram ano ba! Kakatulog ko lang! Wag ka makulit!" Sita ko sa kanya habang nakapikit pa.
"2PM na. Kain tayo." 2PM na? Weh?
"2PM eh kakatulog ko lang. You kidding me? Tsupi. Tsupi."
"Oo nga! 2:09 to be exact. Wake up sleepy head." Niyuyugyog na naman niya ako sa balikat.
"Kakasilip ko lang sayo kanina mga 7AM wala ka na tapos kakatulog ko lang tapos 2PM na agad? Joke ba yan Ram? Not funny!" Nakapikit kong sabi habang nakadapa. Pagoda pa ako. Parang ang sakit pa ng ulo dahil sa puyat.
"Pag hindi ka bumangon hahalikan kita" pagbabanta ni Ram.
"Go ahead" teka halik? Hahalikan ako? Iniisip ko lang yan kanina nung pinupunasan ko yung katawan niya ah. Waaaiiittt!! Di pa ko nagtotoothbrush!
Napabalikwas ako ng bangon nang magregister yung sinabi ni Ram. Pagtingin ko nagpipigil siya ng tawa. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Kain tayo sa baba pero maghilamos ka muna" sabay kindat then lumabas na siya ng kwarto ko habang naka crossed arms.
Pasaway ka talaga Ram. Arrrggh!!
Dali dali akong pumunta ng banyo para maghilamos at magtoothbrush. Pinusod ko lang din yung buhok ko ng walang suklay suklay. straight naman kasi yung buhok ko kaya keri lang.
Lumabas na ako ng kwarto at naabutan si Ram na nakaupo sa sofa. Tumingin muna siya sakin mula ulo hanggang paa pero hindi ko na lang pinansin baka nang aasar na naman.
At yun ang napansin ko sa kanya. Mahilig siya mang asar.
"Okay ka na? Tara na?" Kunot noo niyang tanong.
Tumango ako pero parang ayaw pa niyang tumayo. Nagbuntong hininga muna siya saka tumayo at naglakad papunta sa pinto.
Dumaan muna siya sa unit niya at kinuha yung jacket niya.
Kumain kami sa fast food chain na nasa baba ng condo. Halos lahat ng dumadaan sa table namin tumitingin sakin. Pasimple kong hinawakan yung mata ko kung may morning glory pa ako saka pati gilid ng labi ko kung may natuyong laway pero wala naman. Si Ram naman hindi pa ako pinapansin simula ng umalis kami sa unit niya at nakakunot lang yung noo niya habang nakatingin sa mukha ko. At ang sama ng tingin sa mga taong napapatingin sakin.
Ano bang problema sakin? Nasagot din ang tanong ko ng mapatingin ako sa suot ko. Halos mabuga ko din yung soft drink na iniinom ko.
Holy tofu! Naka sando lang ako na nude color at maong shorts! Bakit ba di ko man lang napansin agad!
Napayakap ako sa sarili ko dahil nakahapit sakin yung sandong suot ko at kita ng buo ang laki ng dibdib ko.
Nabigla ako ng biglang tumabi sakin si Ram at isinuot sakin yung jacket na dala niya. Ngayon ko lang din naisip na kaya siguro niya ako tinatanong kung okay na ba yung suot ko at parang ayaw pa niya tumayo sa sofa kanina. Kaya din siguro kumuha siya ng jacket sa unit niya.
Haays ang tanga mo Ela. Tanga tangaa! Sermon ko sa sarili ko. Hinawakan ko na din yung sentido ko dahil sa hiya sa mga tao lalo na kay Ram. Mas sumakit tuloy yung ulo ko.
Naiiyak na ko habang nakayuko at hawak yung sentido ko. Bakit kasi nakalimutan ko mukha tuloy akong pokpok. Nakakahiya para kay Ram.
"Okay ka lang Ela?" Alalang tanong ni Ram.
"Sorry Ram ah. Nakakahiya tuloy sayo kasi may kasama kang mukhang pokpok." Sabi ko sa kanya habang nakayuko. Hindi ko na din napigilang umiyak.
"Wag mo sasabihin yang salitang yan kasi matinong babae ka.... you crying?" Yumuko din siya para silipin ako.
"Ssshh tahan na." Naramdaman kong inangat niya yung ulo ko at niyakap niya ako. "Hindi malaswa yung suot mo okay. They find you sexy, beautiful and attractive that's why they can't take their eyes off of you." Pagpapatuloy niya.
Inangat niya yung zipper ng jacket na sinuot niya sakin at pinunasan yung luha ko.
"Sorry Ram. Hindi ko napansin yung suot ko. Nakakahiya talaga sayo." Hinging paumanhin ko sa kanya. Nakasuot kasi si Ram ng jeans at polo shirt samantalang ako sando at shorts. Nagsusuot naman ako ng shorts at sando pero kapag kasama ko lang si AC.
"It's okay pero next time careful ka na lalo na sa public places. Bakit ka umiyak?"
"Headache." Pagdadahilan ko. Pero masakit din talaga ulo ko dahil sa puyat siguro.
"Dapat pala hindi na kita ginising sumakit tuloy ulo mo. After natin kumain daan tayo sa drug store."
Tumango ako bilang pagsang ayon.
"How are you?" Tanong ko naman sa kanya.
"Still in pain" sabay tawa niya ng mahina.
"Sana kasi kapag mahal natin ang isang tao automatic na mamahalin din nila tayo para walang in pain diba." Tumingin ako sa kanya at natawa na lang kami pareho.
Pagkatapos namin kumain ay dumiretso kami sa drug store para bumili ng gamot. Hindi na ako gaanong tinitingnan ng mga tao o lalaki dahil sa jacket na pinasuot ni Ram. Nakaakbay din siya sakin para daw hindi sila makatingin o kahit sulyap sakin. Naks! Ganda ko! Nyahaha
Nung pumasok kami ng drug store siya naman yung tinitingan ng mga babae sa loob.
Lumapit siya sa isang pharmacist na maganda.
"Miss, for headache" ngumiti yung pharmacist at umalis para kumuha sa gamot sa sakit ng ulo. Nakaupo lang ako sa waiting area habang tinititigan yung malapad na likod ni Ram.
Dumating na yung pharmacist dala yung gamot at inabot kay Ram. Tumingin muna siya sakin ng nakakaloko bago tumingin ulit dun sa babae.
"Eh for hard headed meron kayo?" Natatawang tanong ni Ram sabay sulyap sakin. Tumingin sa gawi ko yung pharmacist at ngumiti din.
Asar! Ako na naman! Wait lang babawi ako!
Bago pa siya ay nagsalita na ako.
"Miss pain killer?" Tanong ko sa pharmacist habang papalapit sa tabi ni Ram.
"Meron po ma'am ilan po?"
Tumingin muna ako kay Ram at nag smirk bago ko binalik yung tingin sa pharmacist. Nakangiti din sakin si Ram.
"Hmm.. isa lang miss... siya lang naman kasi nasaktan sa kanilang dalawa eh" sabay turo kay Ram. Nagpipigil na ako ng tawa. Tumawa na yung pharmacist at yung iba pa niyang kasamahan pati ibang customer na nakarinig.
Pinitik ni Ram yung tungki ng ilong ko na ikinagulat ko kaya lalong tumawa yung mga tao sa loob ng drug store.
"Itong for headache na lang miss." Sabay abot ng bayad at akbay sakin.
"Silly babe ha!" Sabi niya at pitik naman sa noo ko pero mahina lang.
Teka babe? Tinawag niya akong babe?
At doon ko naramdaman ang pagbilis na tibok ng puso ko. OMG! This can't be! T_T
Nang maabot na kay Ram yung sukli at gamot naglakad na kami palabas ng drugstore habang nakaakbay pa din siya sakin. Narinig pa ko pa yung iba na nagsabi ng "ang sweet naman nila" kaya lihim akong napangiti.
Nakaakbay pa din siya hanggang sa sumakay kami ng elevator kaya hinayaan ko na lang.