Chapter 23: Last Day

158 6 2
                                    

Hindi na ako nakabalik sa pagtulog dahil sa nakita ko. Nagpasya ako na mauuna na umuwi. Hindi na ako magpapaalam sa kanila tutal hindi na din naman kami magkikita kita.

Maingat ang bawat kilos ko para hindi magising si Ram at nagtagumpay naman ako. Papunta na ako sa hotel para magpatulong sa paghatid pero nagulat na lang ako ng may biglang nagsalita mula sa likod.

"You saw them." Si Mike ang nagsalita. Nakaupo siya sa upuan sa tapat ng villa. Nasa may madilim na parte siya kaya hindi ko siya napansin.

"H-ha?"  Ayan lang nasabi ko. Medyo seryoso din kasi siya at hindi ko pa siya nakakausap ng kami lang.

"You saw them.... kissing" ulit niya. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya pero ayoko na lang makialam.

"I'll go ahead Mike. Pasabi na lang sa kanila na may emergency. Thank you" nagpatuloy na ako sa paglalakad pagkatapos kong sabihin iyon. Pero naramdaman kong tumayo si Mike sa inuupuan niya at sumunod sakin.

"Let me help you" kinuha niya yung bag ko at sinabayan na ako papunta sa hotel. Hindi na din ako tumutol.

Tinulungan niya ako na maisakay sa bangka yung gamit ko. Akala ko aalis na siya pero sumakay na din siya.

"Ihahatid na kita" sabi ni Mike nang umandar na yung bangka.

"Baka mag-alala si Mitch" sabi ko din sa kanya.

"I texted her already and she said okay." Sagot niya sabay ngiti. Tumango na lang ako.

Ngayon ko lang din nakita ng malapitan si Mike. Gwapo siya. Maputi, medyo singkit ang mata, matangos ang ilong, manipis na labi, matangkad, malapad ang balikat at mabango din. Bagay sila ni Mitch pero opposite sila ng ugali. Serious type kasi si Mike at si Mitch naman makulit at maingay.

Pagbaba namin sa bangka ay sumakay na kami sa van na ginamit nila papunta sa resort. Siya na din ang nagdrive.

"You are not his real girlfriend" pagbasag niya sa katahimikan habang nakatingin sa daan. That's a statement. Malamang alam na niya.

"I know you Ela and I guess you don't remember me" dagdag pa niya. Sumulyap siya sakin sandali at binalik agad ang tuon niya sa daan.

Nakatingin ako sa kanya ng may pagtataka dahil hindi ko nga siya kilala o matandaan. Imposible naman na naging kliyente ko siya dati dahil kinikilala ko muna sila bago ako pumayag sa gusto nilang mangyari.

"Hey! Don't look at me like that. Staring is rude, you know." Nangingiti niyang sabi.

"Sorry Mike pero hindi kita matandaan." Hinging paumanhin ko sa kanya.

"It's okay Ela. I'm happy to see you again." Sagot naman niya.

"Just to answer you. I am his pretend girlfriend." Kung kilala niya ako edi alam niya kung anong trabaho ko dati at wala ng dahilan para itago yun sa kanya.

"I know. He hired you to be his pretend girlfriend because of Carla. Kilala ko si Ram, if he really loves you he wouldn't take his eyes off of you."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. He is right. Nakikita ko din kay Ram na hindi niya maalis ang tingin niya kay Carla sa tuwing kasama namin siya.

"Do you love him?" Tanong niya. Yes! Yan ang gusto kong isagot sa kanya pero wala naman akong karapatan eh.

"What a stupid question! Of course you love him, right? Because if you don't, maybe you are still sleeping at this time despite of what you saw earlier." Naiiling na pahayag niya. Nakatulala na lang din ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

Tama siya, aalis ako ngayon dahil kay Ram. Ayoko siya makasabay umuwi mamaya dahil sa nangyari samin at sa nakita ko. Nagagalit ako sa kanya dahil pagkatapos ng namagitan samin ay makikita ko siyang may kahalikan na iba pero naalala ko wala nga pala akong karapatan dahil kunwaring girlfriend lang ako. At ako ang nagseduce sa kanya kaya may nangyari samin. Kaya nagdecide ako na mauna ng umuwi. Poor you Ela!

"But I can see that he cares for you. Alam kong may relasyon si Ram at Carla. I don't know what happened why he ended up hiring you and why Carla is in a relationship with Paul." Dagdag pa niya.

Well, I hope that he really cares for me.

"I'm not in the position Mike to tell you what I know. I'm sorry." Kasi kahit ako hindi ko talaga alam ang dahilan. All I know is nakipagbreak si Carla kay Ram dahil kay Paul. That's it. Hindi ko na alam yung ibang details. Hindi na lang ako nagbigay ng reaksyon sa sinabi niya na si Ram cares for me.

"No worries Ela." Nakangiting sagot ni Mike "..can I borrow your phone? Tanong niya. Nagtaka man ako pero inabot ko na lang din sa kanya.

Nag-dial siya ng number at priness ang call button. Nagring yung phone na nasa bulsa niya. Kinuha niya iyon at pinindot ang end button.

"Save ko yung number mo ha. Naka-save na yung number ko sayo. Baka kasi tanungin din ni Mitch. Yun yung reply niya sakin kanina." Nakangiti pa din  si Mike na nagpadagdag sa kagwapuhan niya. Tumango na lang ako sa kanya. Bumaba na siya sa driver's seat at pumunta na sa side ko.

"Take care okay. Please let me know kung nakauwi ka ng safe sa Manila. Mag-aalala yung girls sayo" sabi ni Mike habang pinagbubuksan ako ng pinto.

"Opo sir. Thank you sa paghatid Mike" pasasalamat ko sa kanya. Hinatid niya ako sa airport.

Mayroon kinausap si Mike na taga airport para mapasakay na ako agad pabalik sa Manila. Mamayang hapon pa kasi yung schedule ng flight namin. Kilala kasi niya ang pamilya ng may-ari nitong airline kaya nagawan agad ng paraan.

Nang okay na ang lahat ay nagpaalam na ako sa kanya. Siya na daw magpapaliwanag. Binilinan niya din akong magsabi kay Ram kasi baka daw mag-alala yun.

Rent to OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon