Chapter 7: My Savior

84 1 2
                                    

Hinatid ako ni Ram sa tinutuluyan ko pero hanggang sa may labasan lang. Baka kasi mahirapan siyang makalabas lalo pa at malaki yung sasakyan niya maliit lang yung kalsada papasok saka baka kung ano na naman isipin ng mga tsismosa kong kapitbahay at mapatulan ko na sila.

Nakaramdam ako ng kaba nung bumaba na ako sa sasakyan ni Ram pero baka nilamig lang ako. Malakas din kasi yung ulan.

Nagpaalam na ako kay Ram at naglakad na pauwi.

Nagulat ako ng may biglang humaltak sakin sa may gilid ng nakaparadang jeep. Tinakpan niya yung bibig ko ng magtangka akong sumigaw.

Yung anak ni ate Linda! Lasing na lasing siya. Nagpumiglas ako sa paghawak niya pero malakas siya.

Halos rinig na rinig at ramdam na ramdam ko yung tibok ng puso ko.

Nagpumiglas pa ako pero naramdaman kong may tumama sa tagiliran ko na halos mawala ako sa wisyo. Sinuntok niya ako sa tiyan!

Umiiyak na ako pero wala akong magawa. Hindi din ako makasigaw ng tulong dahil tinatakpan niya yung bibig ko.

Hinahalikan niya ako sa leeg. Nanghihina na ako na natatakot.

Tumigil siya at bumulong sakin.

"Sila napagbibigyan mo ako hindi. Magkano ba Ela?"

Pagkatapos nun ay hinalikan niya ulit ako sa leeg at ang isang kamay niya ay hinawakan ang dibdib ko.

May narinig akong taong tumatakbo na papalapit sa direksyon namin.

Please somebody help me!

Yun na lang yung huling nasabi ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.



Nagising ako na mabigat ang pakiramdam. Hindi ko muna minulat yung mga mata ko dahil sa takot.

Nakarinig ako ng tunog ng pinto at may humahakbang papalapit sakin. Hindi naman ako hinawakan or anuman. Maya maya ay lumakad siya palayo at narinig ko ulit yung pagsara ng pinto. Marahil ay lumabas na siya.

Anak....? Boses ng isang may edad ng babae. Hindi ko na narinig yung sumunod niyang sinabi kasi sinara na niya yung pinto.

Hindi naman yun boses ni ate Linda. Nasaan ba talaga ako.

Dinilat ko na yung mata ko at isang magandang kwarto ang sumalubong sakin. Doon ko lang din napansin na nakahiga pala ako sa malambot na kama.

May dali-daling nagbukas ng pinto at naglakad papunta sa kama na hinihigaan ko.

Si Ram.

"Thank God nagising ka na Ela. Umiiyak ka daw sabi ni nanay! Kamusta ka?" Nag aalalang tanong ni ram.

"Medyo mabigat lang pakiramdam ko. Nasaan ako? Anong nangyari?" Sabi ko habang paupo sa kama.

Lumapit si Ram at inalalayan akong makaupo. Napansin kong oversized shirt ang suot ko at maluwang din na boxer shorts.

"Sino si nanay?" Pahabol kong tanong sa kanya.

"Muntikan ka ng mapagsamantalahan nung Friday.."

"Friday?" Putol ko.

"Oo Ela. Sunday na ngayon. So as I was saying, muntikan ng may mangyari hindi maganda sayo. Mabuti na lang hindi pa ako umaalis at nakita kong bumagsak yung payong mo sa may gilid ng jeep. Inantay kong pulutin mo pero ilang minuto na hindi ka pa din kumikilos then I saw a shadow of a guy and another person."

Tumingin siya sakin bago nagpatuloy.

"Sa pwesto ko mukhang naghahalikan yung shadows na nakikita ko but I remember na wala kang boyfriend at yung payong mo. So I went out of the car and run towards your direction. Nakita kong nakatakip yung bibig mo and damn! He was kissing your neck!"

Hindi ko na napigilang umiyak ng maalala ko yung gabing yun. Lumapit siya sakin at niyakap ako.

"I grabbed and punched him hard on his face. The next thing I knew.... you passed out"

"Is he dead?" Natatakot kong tanong sa kanya habang umiiyak.

"No. Pero enough para makatulog siya sa gitna ng kalsada. He was drunk. " then he hug me tighter.

"Kaya dinala kita dito sa condo ko. Si nanay siya yung katulong ko dito sa bahay at siya din yung nagpalit sayo. Wala akong pambabaeng damit dito kaya damit at shorts ko na lang yung pinasuot ko sayo."

Tumingin siya sakin at pinunasan yung luha ko.

"1 day kang natulog siguro dahil sa pagod. But don't worry safe ka na. Pinalabhan ko na din yung damit mo para masuot mo pag pumunta tayo ng hospital."

"Hospital?" Anong gagawin namin sa hospital?

"Para macheck baka kasi na-trauma ka sa nangyari."

"No need Ram. Okay lang ako. Gusto ko na lang umuwi."

"No. I mean sige hindi na tayo pupunta sa hospital pero hindi ka na babalik doon sa tinutuluyan mo."

"Uuwi ako Ram" kukunin ko yung mga gamit ko. Sa hotel muna ako hanggat hindi ko pa nakakausap si AC na makikituloy ako sa kanya pansamantala

"No Ela. You're no longer safe there"

"I know Ram. I just wanted to get my things." Matapos ng nangyari ayoko ng isapalaran ulit yung sarili ko. Oo bayaran ako pero hindi naman pwede na samantalahin iyon ng iba.

"Alright then. Sasamahan kita kunin yung mga gamit mo. Wag ka ng kumontra please lang. Dahil sa katigasan ng ulo mo muntik ka ng mapahamak."

Tumango na lang ako. Huwag daw kumontra eh.

"Dadalhan kita ng breakfast dito wag ka na muna tumayo" tumayo na siya at naglakad palabas.

"Ram..." mahina kong sambit pero sapat na para marinig niya.

Huminto siya sa paglalakad at lumingon sakin.

"Thank You" sabay yuko. Nahihiya ako sa kanya.

"You're always welcome Ela." Ngumiti siya at naglakad na palabas.

Thank you Ram. My Savior.

Rent to OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon