Chapter 8: Goodbye Memories

72 1 2
                                    

Dumiretso kami ni Ram sa bahay na inuupahan ko. Bawat taong madaanan namin ay nakatingin samin o sakin. Yung tsismosang buntis na nakita ko last time at lantaran akong pinagtsitsismisan ay nasa harap ng tinutuluyan ko. Kunwaring walang pakialam.

"Don't mind them" bulong sakin ni Ram.

Tumango na lang ako at ngumiti.

Sinalubong kami ni ate Linda at sinabayan kaming pumasok sa bahay.

"Ela ako na yung humihingi ng paumanhin sa ginawa ng anak ko." Tiningnan ko siya ng may pagtataka. Alam na nila?

"Nakita kasi siyang nakabulagta sa gitna ng daan kaya tiningnan namin yung CCTV at doon namin nalaman. Patawad Ela." Umiiyak na pahayad ni ate Linda. Si Ram naman tahimik lang sa tabi ko.

"Okay na po iyon ate Linda. Huwag ka ng umiyak. Aayusin ko na lang po yung gamit ko." Hinarap ko si ate Linda at niyakap siya.

"Parang anak na kita eh. Hindi ko matanggap na nagawa iyon ng anak ko. Pero kung anong nararapat sa kanya para matuto siya ay okay lang." Niyakap niya ako pabalik at mas lalong lumakas yung iyak niya.

"Tahan na po ate Linda"

"Heto kunin mo ito Ela. Makabawas man lang sa ginawa ng anak ko" inabot niya sakin yung 3,500 na binayad ko nung nakaraan.

"Wag na po ate. Ilang beses niyo na din po akong natulungan. Maraming Salamat po doon" naluluha kong sabi. Mahigit sampung taon na kaming nakatira dito sa bahay niya at kahit minsan hindi siya nagpakita ng kasamaan samin kahit matagal kami bago makabayad ng upa.

Tumango siya at niyakap ulit ako.

"Pag natapos na kayo sasamahan ko na kayo sa pulis para maisuplong ang anak ko. Nandiyan lang ako sa labas." Ngumiti siya at akmang lalabas.

Masama yung nangyari sakin pero never pumasok sa isip ko na idemanda yung anak niya.

"Ate Linda hindi naman po ako magdedemanda. Umuwi na po kayo. Baka kasi hindi ako makaalis kapag nandiyan po kayo sa labas."

Kahit naman ganoon ang nangyari. Nahihirapan pa din akong iwan ang lugar na ito.

"Salamat anak! Mag-iingat ka ha! Nandito lang palagi ang bahay ko para sa iyo!" At niyakap niya akong muli.

Ilang minuto ng nakakaalis si ate Linda pero tahimik pa din si Ram. Iniikot yung tingin sa tinutuluyan ko na parang may hinahanap.

Tumutulo na din yung pawis niya sa noo na ikinangiti ko. Hindi sanay sa masikip at mainit na lugar.

"Bakit hindi mo siya dinemanda Ela? Attempted rape yun" tanong niya sakin.

"Para saan pa Ram? Hayaan na lang natin."

Ayoko na din pahabain yung usapan namin kaya sana matigil na siya sa pagtatanong. Mukhang sumang ayon naman sakin ang pagkakataon.

Napansin kong parang may hinahanap talaga si Ram pero isinawalang bahala ko na lang.

Pagkatapos naming magligpit ng gamit ko ay lumabas na kami. Nasa may pintuan na ako ng lumingon ako sa loob ng bahay.

Tatlo kaming pumasok dito ngayon mag-isa na lang akong lalabas.

Goodbye nanay! Goodbye bunso!

Pinunasan ko agad ang namumuong luha sa mata ko bago ko isinara ang pinto.

Rent to OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon