Chapter 10: She's finally here

77 1 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw. Dumaan ang Lunes, Martes, at ngayon Miyerkules pero hindi pa din dumadating ang fiancee ni Ram.

Naging sobrang close kami ni Ram sa mga lumipas na araw dahil na din siguro sa common interest namin.

Sumasaglit din ako sa Cups & Cakes para icheck sila pero so far okay naman.

Nagtext si Ram na magdinner daw kami sa labas. Wala daw kasi si nanay, yung kasama ni Ram sa bahay para magluto. Sinabi ko na wag na niya ako sunduin kasi baka matraffic siya.

Dumiretso ako sa restaurant na pinagdalhan niya sakin. Pareho pa din ng dati plain and boring. Pumasok ako sa loob pero walang Ram akong nadatnan.

Umikot pa ako sa loob pero wala pa talaga siya kaya dumiretso muna ako sa CR. Naabutan ko doon ang isang diwata ng kagandahan.. Hindi ko napigilan ang pagkukumpara ng sarili namin.

Halos magkasingtangkad lang kami kung hindi siya nakaheels. Kulay brown at mahaba ang buhok na kulot sa may bandang baba, naka white dress at napakapino kumilos. Samantalang ako naka sneakers, faded ripped jeans at black t-shirt na may batman design sa gitna. Naka messy bun at walang make up. Lumabas siya ng CR ng may nagtext sa kanya.

Ngayon lang ako nainsecure sa kapwa ko babae. Marunong ako mag-ayos kasi naging trabaho ko ang magpanggap na sosyal dati at magpanggap na date ng mayayaman.

Nakatitig lang ako sa sarili ko sa salamin. Maganda din naman ako. Ako nga ang muse samin nung college eh, naging Ms. University pa nga ako eh pero maganda talaga siya. Napakaganda.

Lumabas na ako sa CR para tingnan kung nandiyan na si Ram pero wala pa talaga siya.

Hindi ko din alam kung nagtext siya o tumawag kasi dead bat na yung phone ko.

Umikot ulit ako sa restaurant baka kasi pinagtitripan ako ni Ram pero wala talaga. Hanggang sa napansin ko yung sasakyan niya sa parking. Parang may tao sa loob.

Lumabas ako sa restaurant at dumiretso sa sasakyan niya. Tama nga ako nasa loob si Ram na mukhang malalim yung iniisip.

Sinubukas kong buksan yung pinto sa may front seat at nagtagumpay naman ako. Sumakay ako sa loob pero parang hindi pa din niya ako napapansin.

Sinundan ko ng tingin yung tinitingnan niya at nakita ko ang couple na masayang nag-uusap sa loob ng restaurant. Siya yung babaeng maganda sa CR.

Nagulat ako ng biglang nagsalita si Ram.

"Siya. Siya si Carla Montealba ang babaeng sinasabi ko sayo." Nagcrack na yung boses niya.

"...at yung kasama niya si Erik ang bestfriend ko." Pagpapatuloy niya. I feel the pain in his eyes pero anong magagawa ko? Wala akong laban sa babaeng sinasabi niya.

Hinayaan ko muna si Ram habang pinagmamasdan niya yung best friend niya at yung taong mahal niya. Maya maya ay pinaandar na niya yung sasakyan hanggang sa makarating kami sa isang bar.

Mabuti na lang kumain ako kanina kaya hindi ako gaanong gutom. Tsk.tsk!.

Umorder si Ram ng beer at niyaya niya ako uminom. Tumanggi ako kaya siya na lang uminom mag-isa. Mahirap pag nalasing kami pareho baka hindi kami makauwi ng buhay.

Simula ng tinuro at pinakilala niya yung wife to be sana niya at yung bestfriend hindi na siya ulit nagsalita. Nandito lang ako sa tabi niya wala ding imik.

Palihim ko ding tinatapat yung kamay ko malapit sa bibig ko tapos hihinga baka kasi napanisan na ako ng laway. Thank God fresh breathe pa din!  Effective ang toothpaste ko! ^_^

Mukha na din akong tanga dito na nangingiti mag-isa dahil sa mga ginagawa ko para lang maaliw yung sarili ko. Si Ram naman tuloy sa pag-inom. Minsan naririnig ko siya na nagmumura at nakikita kong humihigpit din yung hawak niya sa bote.

Naaawa ako kay Ram pero alam kong hindi naman awa ang kailangan niya.

Sa loob ng ilang araw naming pagsasama hindi maitatanggi na hindi siya mahirap mahalin.

Haay Ram kung natuturuan lang ang puso.

Halos tatlong oras din kami dito sa bar at nakadukdok na sa mesa si Ram tanda na lasing na siya. Nakatulog na ata ang gwapo este kwago!

Sinubukan ko siyang gisingin pero tanging ungol na lang sinasagot niya sakin.

Binayaran ko na yung bill namin at nagpatulong sa isang waiter para alalayan ako kay Ram papunta sa sasakyan niya.

Haay Ram halos 30 bottles ng beer ang naubos mo! Beast sa alak! Lasenggero! Bolero! Babaero! Oh diba magkakarhyme? Haha Pero syempre joke lang yung bolero at babaero. ^_~

Pinasok na namin sa front seat si Ram. Nagpasalamat ako sa waiter bago ako pumunta sa driver's seat. Walang tip, wala na kong pera eh. Bawi na lang ako next time. ^_^V

Well kung itatanong niyo kung marunong akong magdrive... the answer is.... YES! Kung konektado ba ito sa pagiging 'for rent' ko..... YES ulit! Somehow thankful ako sa pagiging 'for rent' ko because I learned a lot at nagagamit ko yung mga iyon sa mga ganitong panahon.

Natuto akong mag-bake at magluto dahil gumawa ako dati ng project ng ilang tamad na mga estudyante. Mag-ayos ng sarili dahil sa pagsama sa mga party at pagpanggap na isang sosyal na girlfriend. May alam din ako sa architecture at engineering dahil sa paggawa ng assignments and projects ng mga schoolmate ko noong college. Gumawa din ako ng lesson plans and visual aids ng ilang Education students at doon din nagstart yung interest ko sa pagtuturo kaya pagkatapos kong mag-aral ng BSID (Bachelor of Science in Interior Design) at maging Licensed Interior Designer ay kumuha ako ng teaching units para makapagturo sa school.

Natuto ako magmaneho dahil sa kailangan kong magpretend na astig na girlfriend dati pero ang nagturo na talaga sakin ng lahat about driving ay yung ex boyfriend ko. Pinasok ko din ang pagmomodelo dahil naman sa bestfriend ko at marami pang iba.

Simple lang naman kung bakit ko ginawa ang lahat ng iyon... ang makatapos ng pag-aaral.

Ano ba yan napakwento na naman ako!

So going back..  nagmaneho na ako pauwi sa tinutuluyang condo namin ni Ram. Nagpatulong ulit ako sa mga staff para iakyat si Ram at nagpasalamat pagkatapos. Mabuti na lang at pareho kami ng passcode kaya hindi na ako nahirapang mag-isip.

Pahirapan ko siyang nadala sa kwarto niya at binalibag sa kama. Joke! Hiniga sa kama. Wala si nanay ngayon kaya ako na muna ang nag asikaso kay Ram.

Hinubad ko yung long sleeves na suot niya at pinunasan ng basang towel yung katawan niya para mapreskuhan siya.

Arrg! Yummy! Sigaw ng malandi kong utak.

Abs. Parang yung maliliit na monay sa bakery yung animan. Dagdag pa malandi talaga.

Ano kayang pakiramdam ang mahalikan sa labi si Ram? Hirit naman ng puso ko.

Arrgg!! Tama na ang lalandi niyo na.

Hinilot ko yung sentido ko para pakalmahin yung naglalanding isip at puso ko.

Tiningnan ko ang payapang mukha ni Ram at ngumiti. Hindi bale matitikman mo din ang labi niya! Hihi

Aish!! Sinabi ng tumigil na eh!

Mabilis kong pinunasan sa katawan si Ram at sinuotan siya ng sando. Yung pambaba niya? Hmm.. well tiningnan ko muna kung may suot siyang boxer shorts dun sa may lining ng mga pambaba niya at wagi! Meron! Kaya hinubad ko na din yung pantalon niya ng hindi tumitingin sa parteng iyon at ingat ingat para hindi sumama yung boxer niya or brief niya. Kyaah!! Tagumpay ulit!

Pinunasan ko na din yung binti niya at paa pagkatanggal ko ng sapatos at medyas niya. Baho nga eh kaya nagtakip ako ng ilong hahaha pero syempre JOKE lang.. ^_^V

Kinumutan ko na siya at lumabas na ako ng kwarto niya. 3AM na pala. Dumiretso na ako sa unit ko para magpahinga.

Rent to OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon