Chapter 12: Avocado Thing

89 2 0
                                    

Pumunta si Ram sa Boston para sa isang business trip 3 to 5 days daw siya doon at pangatlong araw pa lang na wala siya ngayon.

Iniwan din niya yung partial payment na 25,000 ayaw ko sana tanggapin kasi wala pa naman kaming ginagawa to win his fiancee back pero he insisted kaya tinanggap ko.

Pumunta ako sa supermarket at bumili ng mga gagamitin ko sa baking.

Hmm.. maraming mangga ngayon ah!

Bumili ako ng 10 kilos ng hinog mangga at syempre ng stocks ko sa condo. Napansin ko kasing halos puro pagkain sa fast food or restaurant yung dala ni Ram pag pupunta sa unit ko. Matatagalan kasi si nanay sa probinsya dahil may sakit yung asawa niya kaya walang magluluto para kay Ram. Kung ako lang kasi kuntento na ako sa delata or instant noodles pag gabi.

Marunong kang magluto Ela wag tamad.

Bumili na din ako ng karne, hotdog, itlog at ham para at least may maluluto ako sa alanganing oras. Bumili na din ako ng bigas.

Pagkatapos ay dumiretso uwi na ako sa condo. Habang inaayos ko yung pinamili ko ay tumawag si AC nagkamustahan lang kami at konting kwentuhan sabi din niya na baka next week nandito na siya pag wala ng ibang request sa kanya.

Tanghali na pala. Nagluto lang ako ng hotdog at nagsaing ng kaunti bilang lunch. Nagdesisyon akong pumunta sa Cups & Cakes para sa ilang gamit na kakailanganin ko pa. Hihiramin ko muna tutal may mga sobra pa namang gamit doon at para kamustahin na din ang lagay ng shop.

Buti na lang naabutan ko pang bukas yung shop. Sobrang traffic kasi.

"Maaaaaaammmmmm" tili ng iba naming staff pagpasok ko sa room na tinatawag naming tambayan area. Doon kasi nakalagay yung mga gamit ng staff at may mga table at upuan din dun pahingahan.

"Kamusta guys?" Bati ko sa kanila. Mukha silang pagod na pagod.

"Ma'am buti dumating po kayo may mga client po na gusto makipagmeeting sa inyo para daw po sa food tasting. Balak po ata kunin itong shop na supplier ng desserts nila." Sabi ni Mary na parang pagod na pagod.

"Pwede naman pag dumating na si AC sabi niya baka next week dumating na siya." Sagot ko sa kanya. Kumuha din ako sa Nova na kinakain ng isa naming staff. PG lang haha! Bakit ba! Peyborit ko yun eh.

"Yun na nga ma'am eh. Halos araw-araw sila umoorder ng iba't ibang cakes and cupcakes dito. Tapos po dumoble yung dami ng tao ma'am." Ginawang pamaypay ni Mary yung kamay niya na akala mo kinakapos ng hangin.  Kumuha ulit ako ng  Nova.

Mataas ang sales! Edi maganda malaki magiging bonus nila sa katapusan. Every month kasi may bonus silang natatanggap para sales for the month.

Hindi ko napansin na nakakunot na pala yung noo ko kay Mary. Sabi kasi ni AC wag daw akong magkukunot ng noo kasi mukha daw akong galit kahit hindi naman. Kumukunot kasi yung noo ko pag nag-iisip ng malalim tapos nakatulala pa ako.

"M-ma'am wag po kayo m-magalit. H-hindi naman po kami nagrereklamo sa mga --" sabi ng isa sa mga senior staff na pinutol ko din.

"I'm not mad guys. May iniisip lang ako." Baling ko sa staff na nagsalita. Narinig ko naman silang huminga ng malalim. Mga baliw! Haha

Narinig ko pang may bumulong ng Akala ko bubulyawan tayo ni ma'am eh. Natawa na lang ako at hindi ko nalang sila pinapansin.

Hinawakan ko yung noo ko at hinimas yung sa pagitan ng noo ko para mawala yung pagkakunot sabay sabi ng..

Rent to OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon