Nagising ako na wala ng Ram sa tabi ko at nasa gitna na ako ng kama. Mabilis akong naligo at nag-ayos. 5PM na at halos apat na oras na din akong tulog. Nagsuot ako ng sleeveless na fit sa katawan ko at maong shorts. Tumingin muna ako sa whole body mirror para macheck kung mukha bang malaswa. Hindi naman pala. Bagay nga Ela eh. Sabi ng isip ko.
Well nagsusuot naman talaga ako ng mga ganito pero sa loob lang ng bahay o kaya pag kasama ko si AC kasi mukha daw akong manang pag naka tshirt. Ayoko lang kasing napapansin ako. Medyo nabiyayaan kasi ako ng dibdib kaya sabi ni AC irampa ko daw dahil bihira na lang ang may mga tunay na medyo malaking dibdib. Teka! Di naman yung sobrang laki ha. Kamusta na kaya yung babaeng yun? Naextend yung pag-stay niya sa ibang bansa at next week sure na daw siyang makakauwi.
Lumabas ako ng kwarto at naglakad papunta sa living room. Maglalakad na sana ako ng nakarinig ako ng nagtatawanan. Boses ni Carla at ng isang lalaki ang nagsasalita.
Lalaki: Babe pwede bang Mcdo na lang itawag ko sayo?
Carla: bakit?
Lalaki: Masyado kasing obvious kapag love ko to!Hahahahahahahaha. Nangingiti na din ako habang naglalakad. Nakakatatlong hakbanh palang ako ng huminto muna ako dahil sa kaba at hiya. Narinig ko na naman sila.
Lalaki: Babe! Bagyo ka ba?
Carla: Babe naman tama na. Sakit na ng tiyan ko kakatawa.
Lalaki: Last na babe.
Carla: oh sige bakit babe?
Lalaki: Kasi the moment you left my area of responsibility, you leave my heart in the state of calamity.Ayiiiehhhhh! Yan naman ang narinig ko sa mga barkada ni Ram. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nasa dulo kasi ng hallway yung room namin ni Ram. Liliko ka pa at maglalakad ng mga 20 steps then living room na.
Ram sinasaktan mo ba sarili mo at nakuha mo pang makipagtawanan. Sabi ko sa sarili ko. Hindi ko napansin na nasa living room na din pala ako at lahat sila ay nakatingin sakin.
Natauhan na lang ako ng bigla akong tawagin ni Monique.
"Ela" tawag niya sabay kaway.
Ngumiti naman ako bilang tugon at nilibot ng tingin ang buong grupo para makita si Ram. Napansin naman ni Mitch na parang may hinahanap ako at bigla ngumuso. Sinundan ko kung saan siya nakanguso at nakita ko si Ram.
Maglalakad na sana ako palabas ng lumapit sakin yung bagong dating na lalaki. Siguro ito yung kausap/boyfriend ni Carla. Gwapo at matipuno din gaya ni Ram pero ang inilamang lang nito ay ang malalalim din na dimples. Mas gwapo pa din si Ram. Sabat ng isip ko.
Iniabot niya sakin ang kamay niya at nagpakilala.
"Hi. Ela? Tama ba? I'm Paul. Full name Paul John."
So Paul is the name. CaPaul pinagsamang CArla at PAUL. Hahaha chaka!
Ngumiti na lang ako at tinanggap ang pakikipag kamay niya. I admit that he's very handsome with those dimples.
"Yeah. Ela is my name. Nice to meet you Paul" Pa-fall! Pahabol ng isip ko pero sinarili ko na lang. Napapangiti na lang ako dahil siguro sa kabitteran ko sa CaPaul love team.
Napansin kong nakatitig sakin si Paul at bigla kumunot ang noo. Hindi pa din pala niya binibitawan ang kamay ko. Akmang bibitaw na ako pero pinigilan niya.
"You look familiar Ela. Have we met?" Kunot noong sabi niya. Nasa tabi na pala niya si Carla at doon automatic na nagbitaw yung kamay namin.
"Ela is Ram's girlfriend babe baka sa groufie namin mo siya nakita" si Carla ang sumagot. Baka nga kasi nag groufie nga pala kami kanina bago kami dumiretso sa kanya-kanyang kwarto. Hindi naman siya pamilyar sakin eh. Pagkasabi non ni Carla ay hinila na niya si Paul pabalik sa inuupuan nila.
Sumenyas ako sa kanila na pupuntahan ko lang si Ram at tumango naman sila. Naglakad ako palapit sa kanya at nakita ko na umiinom siya ng beer. Hindi ko tuloy alam kung lalapitan ko pa ba siya o pupunta na lang ako malapit sa dagat para mapag-isa siya. Sa huli pinili ko pa din lapitan siya.
Niyakap ko siya mula sa likod na halatang ikinagulat niya.
"Sometimes a hug is all you need to make you feel better Mr. Savellano" bulong ko sa kanya saka ako umupo sa tabi niya ng nakangiti.
Tumingin muna siya sakin bago uminom ng beer at pagkatapos ay tumingin ulit.
"I still don't feel better. Can you hug me again? Tighter and longer... babe?" Sabi niya sabay ngisi.
Tiningnan ko muna siya ng masama habang nakangiti bago ako tumayo at pumunta sa likod niya. Lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko kanina nung niyakap ko siya at ganun na naman ngayon. Halos lumundag palabas ng katawan ko yung puso ko ng bigla niya hilahin ng yung braso ko para sa "tighter at longer hug" na sinasabi niya. We stayed in that position for a couple of minutes.
"Mahirap talaga pag naBongbong Marcos.. beyyyyb" sabi ko sa kanya pagkatanggal ko ng pagkakayakap sa kanya. Nangalay braso ko pati likod ko. Tumayo ako sa gilid at nag crossed arms.
"Bongbong Marcos? The Politician?" Kunot noo niyang tanong saka nag-angat ng tingin sakin. Tumango at ngumiti na naman ako.
"Why? What do you mean?" Kunot noo pa din siyang nakatingin sakin. Sasagot na sana ako pero bigla ulit siya nagsalita. "...sit" sabi niya saka inurong yung upuan sa tabi niya.
"Parang aw-aw naman ako kung maka sit ka" nakapout kong reaksyon sa kanya. Kunwari nagtatampo pero kunwari lang. "..anyway.. balik tayo kay Bongbong Marcos... hmmm yung tipong natulog ka lang saglit pero paggising mo hindi na ikaw ang number 1 sa puso niya." Nakapangalumbaba kong sabi habang nakatingin sa malayo.
Tinabig niya yung kamay ko ng mahina kaya napatingin ako sa kanya. He pinched my nose hard.
"Silly" sabi niya habang nakapisil pa din sa ilong ko saka tumawa ng malakas. Nilapit niya yung mukha niya sakin at huli na ng marealize ko yung ginawa niya. He..he...he just....he just.... OMG! Nakatulala ako sa kanya habang nanlalaki yung mata ko.
"Hahaha you should've seen your face babe" sabi pa ni Ram habang tawa ng tawa. Magsasalita na sana ako ng may mauna.
"Hey! What's going on here?" Boses ni Paul kaya napalingon ako sa kanila. Nandoon na pala sila sa likod namin.
"Oh my gulay! What happen to your nose?"
"What happen to your ear?"
"What happen to you Ela?Sabay sabay na sabi nila Mitch. Yung unang reaksyon kay Monique, Next kay Anna at ang nag summarize ay si Mitch. I know pulang pula ako sa ginawang pang-aabuso ni Ram. Arrgh! First he pinched my nose then he bit my earlobe na nagpatayo sa lahat ng balahibo ko at nagpatulala sakin. Ayoko naman sabihin sa kanila na kinagat niya yung tenga ko kasi nakakahiya.
Nakatingin pa din sila sakin na tila nag-aantay ng sagot. Inakbayan ako ni Ram at siya na ang sumagot para sakin.
"I pinched her nose kaya namumula yung ilong niya at sabi ko sa kanya I love you kaya yan pulang pula na siya sa kilig" natatawang sagot ni Ram. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
Natawa naman ang tres marias na sila Monique, Anna at Mitch at nakatingin lang na parang naiinis si Carla habang nakahawak sa braso ni Paul.
Nagyaya na si Mitch na maghanda ng dinner at nag-agree naman ang lahat. Ang mga lalaki ang mag-iihaw at kami namang mga babae ang maghahanda sa mesa.
Bago ako tumayo ay bumulong muna si Ram na nagpatigil ng ikot ng mundo ko. Joke! Nagpatigil sakin sandali.
"I like you more when you're blushing babe"