Chapter 19: Jealous Bananas

74 1 2
                                    

"I like you more when you're blushing babe"

Tumayo si Ram at iniwan akong tulala. Tumayo na din ako at nagtungo kila Mitch. Nakasalubong ko si Dom sa may basurahan para itapon ang isang plastic na may laman na parang saging.

"Dom ano yan? Saging ba yan? Bakit mo itatapon" Tanong ko kay Dom. Akmang itatapon niya sa loob ng basurahan yung saging pero napatigil siya ng tinawag ko siya.

"Oo pinatapon na ni Carla. Masyado na kasing hinog tapos yung iba parang lamog na." Sagot ni Dom na parang nanghihinayang din itapon yung saging.

"Saan yung kitchen dito?" Sayang naman kasi talaga. Nasa tatlong kilo siguro yun.

"Doon pa sa loob ng hotel" sabay turo niya kung saan kami nanggaling kanina. May kitchen naman sa loob ng villa na tinutuluyan namin pero hindi ko alam kung may oven at saka baka may gumagamit nun para sa paghahanda ng dinner. Plano ko kasi gawing banana cake yung mga saging tutal hinog ang mga iyon.

"Okay" kinuha ko yung plastic na bitbit niya at tumakbo papunta sa hotel. "..pasabi may pinuntahan lang ako. I'll be back. Thaaanks!" Sabi ko pa ng lumingon ako kay Dom at kumaway.

Huminto na ako sa pagtakbo ng malapit na ako sa entrance ng hotel at inayos ang sarili ko. Lumapit ako sa receptionist at tinanong kung saan yung kitchen. Pagkatapos niyang ituro ay dali-dali akong pumunta sa direksyon na tinuro ng receptionist.

Sakto naman na may lumabas na isang staff ng kitchen.

"Sir.. can I use your kitchen please?" Pakiusap ko.

"Why ma'am? Is there anything you want to eat? We'll do it for you." Sabi naman niya.

"I'm a baker and I just want to use these bananas to make a cake or cupcakes. Sayang naman po kasi kung itatapon lang. Sige na po Sir Alvin" Pakiusap ko pa habang nakatingin sa name niya na nakaburda sa uniporme niya.

Saglit na nag-isip at maya-maya ay tumango.

"I'll assist you ma'am" nakangiting tugon niya. Ngumiti na din ako sa kanya.

"Call me Ela sir Alvin" nakangiti pa din ako habang papasok na kami sa kitchen.

"I'll join too" sabay kaming napalingon sa nagsalita. Tumango si sir Alvin at wala na din akong nagawa saka kami pumasok sa loob.

Pinahiram kami ng apron at hairnet nang makapasok na kami sa kitchen.

"Marunong ka pala mag-bake?" Tanong sakin ni Paul habang naghahanda kami ng mga gagamitin. Yes, si Paul ang kasama ko ngayon. Ang boyfriend ni Carla at bff ni Ram.

"Medyo lang. Ikaw? Marunong ka?" Sagot at tanong ko din sa kanya.

"No not really. More on drinks kasi ginagawa ko parang bartender ganun." Sabi niya saka ngumiti. Lumabas na naman yung mga dimples niya. Gwapo din! Sabi ng isip ko. Mas gwapo si babe Ram kontra naman ng puso ko.

Nag-umpisa na akong gumawa ng cupcakes. Sabi kasi ni Paul yun na lang daw mas madali gawin at mas madali kainin. Gumagawa naman siya ng banana smoothie. Parang ganun yung rinig ko sa kanya.



---

MITCH'S POV

Sa lahat ng ayoko ay yung maarte. Badtrip tuloy ako ngayon dahil sa pagpipigil. Haays! Nakita ko na dumating na si Dom at wala na yung plastic ng saging na hawak niya. Sayang yung mga yun dahil yung mga empleyado nitong resort ang kumuha nun para ibigay sa mga guests. Nasobrahan lang sa hinog dahil sa init at nalamog yung iba ay ipapatapon na agad.

"Dom? Nakita mo si Ela?" Napansin ko kasing wala pa si Ela. Lumapit sakin si Dom at lumingon sa paligid bago sumagot.

"Yeah. Kinuha niya yung saging at tumakbo papunta sa kitchen ng hotel. Baka maya-maya pa yun. Bakit? May nakatoka ba sa kanya? Ako na lang gagawa" sagot niya. Si Dom likas na matulungin at mabait to the point na naaabuso na siya. Mahilig din magbiro gaya ni Mon at palatawa din. Nagbago lang nung iniwan siya ng girlfriend niya. Matulungin at mabait pa din siya pero di na siya palatawa at palabiro gaya dati.

"Wala naman. Napansin ko lang na wala pa pala siya. Puntahan mo si Ram baka mag-alala yun" saka ko siya tinaboy papunta kay Ram. Nakita ko kasi na mukhang balisa si Ram eh na parang may hinahanap.

Si Ela? Well, magaan ang loob ko sa kanya at masaya ako na may girlfriend na si Ram. Mabuti na nga lang at hindi sila nagkatuluyan ni Carla. Kasi kung gaano kabuting tao ni Ram ganon naman kasama ang ugali ni Carla na ako siguro ang nakakaalam. Sana lang iba yung ugali ni Ela.

Lumapit na si Dom kay Ram at nagsalita. Siguro sinabi na niya yung pinapasabi ni Ela. Tumango naman si Ram. Lumapit din si Carla sa dalawa at tama ako inutusan na naman niya si Dom.

Pag ang mabait nagalit, malupit! Sabi ko na lang sa sarili ko.

Halos isa't kalahating oras ng matanaw namin ang pagdating ni Ela kasama si Paul at isa pang staff ng hotel. Nagtatawanan sila habang naglalakad palapit samin. Mali pala, nagsasalita si Paul at nakangiti lang si Ela.

Napakaganda talaga ni Ela. Naiinggit ako sa kanya. Kahit wala siyang make up, natural na mapula yung lips niya at pisngi niya. Ultimo pilik mata at kilay pinagpala siya. Proportion ang katawan na maputi at makinis. Para siyang nawawalang diyosa sa Mt. Olympus sa sobrang kagandahan at kasimplehan. Kaya siguro siya nagustuhan ni Ram.

Ayys! Ikaw yata ang tomboy Mitch eh! Sita ko sa sarili ko.

Nakakaappreciate ka lang naman ng ganda na lamang kesa sayo eh. Pagtatanggol naman ng isip ko.

Maganda din naman ako hahaha ako na nagbuhat ng sarili kong bangko.  Actually maganda kaming lahat pero iba ang kamandag ni Ela. Halos lahat kanina napanganga ng pumunta siya sa living room dahil sa suot niyang sleeveless na damit at maikling maong shorts. Noon unang dating kasi niya naka oversized shirt siya at jeans. Couple shirt pa sila ni Ram. Pati si Carla halos mamatay sa inggit sa katawan ni Ela. Well, maganda naman si Carla pero mas maganda pa din si Ela lalo na pag naayusan. Madalas kasi nakamake up si Carla kaya lutang ang ganda niya pero tanggalan mo ng make up yan mukhang ordinaryo lang yan. Baka siya yung nasa 4th place. Si Ela na kasi yung nasa 1st place eh siya na talaga! Ako yung 2nd placer at si Monique, Shane at Anna ang tie sa 3rd place at si Carla naman sa 4th. More make up more fun lang kasi talaga siya. Yung katawan niya? Sakto lang. Maliit yung dibdib dati medyo malaki na ngayon, maliit yung bewang at medyo malaki yung balakang. Haay nagagawa nga naman ng technology ngayon. Permanent na din yung lip color niya at eyebrows. Maganda si Carla dahil sa technology si Ela naman maganda dahil sa natural beauty.

Natigil ako sa mga pinagsasabi ko nang biglang sinalubong ni Carla si Paul at lumingkis sa braso nito dahilan para matabig niya yung dala ni Ela at nahulog ang ilan sa mga ito. Muntikan na ma out of balance si Ela mabuti na lang at katabi niya yung staff. Natapon din yung dala ng staff na nasa baso. Dalawang baso yung nahulog at nabasag sa may paanan ni Ela at nung staff. Nagulat yung iba namin kasama at napatingin sa direksyon nila. Nang makita ni Ram si Ela ay dali-dali itong tumakbo palapit sa kanila. Ganun din ang ginawa ng iba.

Nakita ko naman si Carla na masamang nakatingin kay Ela habang nakangisi.

Rent to OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon