Chapter 17: The real job

105 1 0
                                    

ELA'S POV

Mabilis lumipas ang mga araw at nasa sasakyan kami ngayon papuntang airport. Sa isang beach resort sa Palawan gaganapin ang reunion nila Ram.

Nagsuot ako ng earphones at tumingin sa labas ng bintana habang pakanta-kanta sa isip ko. Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari at si Ram parang ayaw naman akong kausapin.

Mabuti na din yun Ela para kumalma yang pagkatao mo! Naiilang na din akong lumapit sa kanya dahil sa kakaibang nararamdaman ko. Nitong mga nakaraang araw ay puro sweetness na lang ang pinapakita niya sakin.

Nakaupo ako ngayon sa ilalim ng puno at nanunuod sa mga batang naglalaro. Nakita ko din yung bunso kong kapatid at si nanay na naglalakad palapit sakin.

"Babe. Wake up." Sabay tapik sa pisngi ko.

Panaginip! Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Ram na halos isang pulgada na lang ang layo sa mukha ko.

Nanlaki ang mata ko at napansin kong nagulat din si Ram at inilayo niya yunh mukha niya sakin. Napa face palm na lang ako.

"Sorry Ram"

"It's okay. Let's go! They're waiting for us"

Bumaba na siya ng sasakyan at pumunta sa pintuan malapit sakin at binuksan iyon. Inalalayan niya akong bumaba saka sinira yung pinto. Napansin ko din na wala na yung mga gamit namin sa sasakyan. Shocks! Ela. Tulog mantika ka talaga.

May lumapit samin at kinausap si Ram sandali. Maya maya pa ay inabot ni Ram yung susi doon sa kausap niya.

Magkahawak kami ng kamay hanggang sa marating namin yung grupo ng mga kaibigan niya saka kami sabay-sabay pumasok sa loob ng airport.

Siniko ko ng mahina si Ram kaya napatingin siya sakin. Binitawan niya yung kamay ko at inakbayan ako.

"Sorry talaga." Pabulong na sabi ko sakanya.

He pinched my nose na ikinagulat ko kaya napa-aray ako ng malakas. Napatingin naman samin ang mga kaibigan niya at napahinto sa paglalakad.

"Mamaya mo na panggigilan yang girlfriend mo Ram. Nasa airport pa lang tayo oh" nangingiting sabi ng isa niyang kaibigan na nasa unahan namin.

Nag peace sign na lang ako sa kanila at nagpatuloy na sa paglalakad. Anim kaming lahat, tatlong pares kung titingnan. Ako at si Ram, yung nagsalita kanina kasama ung girlfriend nito at yung pinaka nauuna na pares. Hindi ko din nakita yung ex fiancee ni Ram at yung best friend niya. 

Nakasakay na kami sa eroplano papuntang Palawan at napapanganga na lang ako sa mga tanawing nakikita ko. Hindi ito yung first time ko sa pagsakay ng eroplano pero lagi pa rin akong namamangha sa gandang taglay ng mga tanawin dito sa bansa.

"Babe bababa na tayo" babe? Napadilat ako ng magrehistro sa isip ko kung sino ang nagmamay ari ng boses na iyon. Nakatulog ka na naman Ela! Arggh!

Kinusot ko muna yung mata ko para mawala yung antok ko. Tumingin ako kay Ram saka ngumiti.

"Tired?" Nag aalalang tanong niya sakin.

Tired? Oh yes!  I'm tired! Dahil sa kaba. Arrgh! Hindi ako nakatulog kagabi!

"Hindi naman. Feel ko lang matulog." Pagsisinungaling ko. Tumango naman siya.

Sumakay kami ng sasakyan tapos ng bangka papunta sa isang isla. Halos tatlong oras din yung biyahe namin bago kami nakarating sa venue.

Sinalubong kami ng isa pang kaibigan ni Ram at sabay-sabay na naglakad sa tutuluyan namin.

Rent to OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon