ELA'S POV
Maaga ako nagising para magprepare ng gagawin kong cupcakes. Nakakapagtaka na nasa kwarto na ako nakahiga pero ang huling naalala ko andito si Ram at nanunuod kami ng movie bago ako makatulog. Emeged! Binuhat ka nga girl! Tili ng sarili ko.
Kinalimutan ko na lang ang nangyari at hinanda ko na lang yung mga gagamitin ko sa paggawa ng cupcakes.
Nagtext si Ram at sabi niya sabay sabay daw sila magbreakfast at gumala daw sila ngayon sabi ko sa kanya na dumiretso pasok na lang kasi may ginagawa ako pero halos dalawang oras na wala pa ring Ram na dumadating.
Maya maya pa ay narinig ko yung pagbukas at pagsara ng pinto na nasundan ng yabag hanggang sa lumitaw si Ram sa harap ng kitchen.
"Agang simangot Ram ah" sabi ko sa kanya. Nakasimangot kasi siya ang aga aga.
"Tumawag kasi si mom pero wala naman yun. Ano yang ginagawa mo?"
"Maswerte ka nga tinatawagan ka ng mommy mo samantalang yung iba ni kamusta wala." Sagot ko sa kanya saka kinuha yung niluto kong fried rice, hotdog at ham at nilagay sa mesa. "Cupcakes yun. Triny ko lang yung naisip kong flavor." Humarap ako sa kanya at ngumiti. "..hindi pala ako makakasama sayo ngayon Ram okay lang ba? May pupuntahan kasi ako eh." Pagpapatuloy ko saka siya niyaya sa mesa para kumain.
Umupo na din siya sa upuan na katapat ko. Inabutan ko siya ng plato, kutsara at tinidor. Bahala na siya kung ano iinumin niya.
"Pwede bang sumama na lang sayo? Hanggang Sunday kasi pahinga ko." Kumuha siya ng kanin at hotdog. "..nagluto ka pa talaga." Sabi pa niya at nag umpisa na siyang kumain.
"Mahal kasi pag palaging pagkain sa labas. Hmm.. magpahinga ka na lang baka kasi mapagod ka."
"Ayaw mo lang yata eh. May date ka no?"
"Sira! Nirentahan mo ako for a month diba pero sige sumama ka na lang."
"Ewan. San ba punta?
"Basta. Pero favor Ram"
"Anything."
"Okay lang ba kung dalhin mo yung sasakyan mo? Kahit ibawas mo na lang yung gas. Araay na naman!" Pinitik na naman niya yung ilong ko.
"Silly. Kahit di mo sabihin dadalhin ko." Tumayo siya para pumunta sa kitchen at pagbalik niya may dala na siyang kape at cupcake. Ininom niya yung kalahati ng kape saka inabot sakin. Nakatanga lang ako sa kanya.
"Too much caffeine is dangerous to your health. Masyadong matapang yung kape mo kaya hati na lang tayo." Sabi niya sabay kagat sa cupcake. "...masarap to ah" dagdag pa niya.
"Masarap talaga Ram?" As in? Masarap nga?
Tumango siya habang iniisang kagat yung natitirang cupcake. Bukod sa naubos namin yung fried rice, limang jumbo hotdog at limang ham na niluto ko ay nakaubos pa si Ram ng anim na cupcakes.
Bumalik siya sa unit niya para mag-ayos at ganun din ako. Hinanda ko na din yung mga cupcakes na dadalhin namin. 200 pcs lahat ng nagawa ko.
Nagsuot lang ako ng faded jeans at yung tshirt na may design na superman na binili sakin ni Ram noong una kaming nagkita sa mall at sneakers. Pumasok si Ram na naka jeans din at white tshirt na may nakalagay na BOSTON sa gitna.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Awkward! Inabot niya sakin yung hawak niya, tshirt din na kapareho ng sakanya, chocolates at keychain. Sakto lang yung tshirt. Hindi maluwanh hindi din masikip. Nagpasalamat ako sa kanya at niyaya na siyang umalis.