Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi ko din nakita si Ram dito sa kwarto namin at mukhang hindi din siya natulog dito.
Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kong maligo at mag-ayos ng sarili. Naghanda na kaming mga babae ng mesa para sa almusal. Wala si Carla at si Paul. Kahit anino ni Ram hindi ko din nakita.
Habang nakaupo na kami biglang dumating si Carla at pumunta na din sa pwesto niya para kumain. Dumating din si Dom kasama si Ram at umupo siya sa tabi ko ng hindi ako iniimik. Hindi na lang din ako umimik baka kasi wala siya sa mood.
"Si Paul?" Tanong ni Mitch kay Carla.
"I don't know" sagot ni Carla.
"He's always missing. Pagdating natin dito lagi lang siyang pasulpot sulpot. Any problem?" Si Monique naman ang nagtanong.
"We're okay. He told me to trust him so that's what I'm doing now. Maybe he's up to something.. I really don't know" Sagot ni Carla sa malambing na boses. Malayong malayo kapag kaming mga babae lang ang kaharap niya.
"Nagsabi siya sakin" si Mat naman ang nagsalita. "Sorry guys but today will be our last day here. There ---" pagpapatuloy ni Mat pero pinutol din agad ni Monique.
"What?! Why?" Kunot noong tanong ni Monique.
"May bagyo Monique. Look!" Si Anna ang sumagot sabay turo niya sa labas ng bintana. "Ang lakas ng ulan. Kanina pa yang madaling-araw. Sabi din sa news either today or tomorrow yung dating ng bagyo" malungkot na pagpapatuloy ni Anna.
"It's okay hon. Mag sched na lang ulit tayo ng outing" sabi ni Mat saka niyakap si Anna. Gustong gusto kasi ni Anna na mag island hopping at jetski pero hindi na muna matutuloy ngayon dahil masama yung panahon.
"Weird! April na pero may bagyo" naiiling sa sabi ni Monique.
"Climate change. Sa May baka pwede ulit tayo mag-outing" sabi naman ni Shane na halatang malungkot din. Sana makasama ulit ako sa inyo.
Pagkatapos mag almusal ay tumambay lang kami sa sala. Nanood ng movie at kwentuhan. Picture dito picture doon sa pamumuno ni Monique. Nagpasya kami na pumunta muna sa kanya kanyang kwarto para mag-ayos ng gamit at magpahinga. Naiwan sa sala sila Mat, Pete, Mike, Dom at Ram. Magpapaiwan din sana si Monique pero hinila na siya ni Shane.
Pumasok ako sa kwarto namin para ayusin ang mga gamit ko pero sumunod pala si Ram sakin. Hindi niya pa din ako pinapansin.
"You forgot your phone yesterday. " sabi niya sabay abot sakin ng phone ko. Kinuha ko iyon at saka siya tumalikod.
"I rented you to be my pretend girlfriend, not to be someone's companion. Remember that Ela" sabi pa ni Ram. Sasagot sana ako kung ano ba problema niya pero sinara niya agad yung pinto pagkalabas niya.
Sa hindi ko malamang dahilan ay napaiyak ako. Ngayon lang naging cold si Ram sakin at nasasaktan ako. Parang gusto niya palabasin na hindi ko ginagawa yung trabaho ko. Usapan namin go with the flow. Konting sweetness sa harap ni Carla. Paano magagawa yun eh unang araw pa lang sila na magkasama.
Hindi na nga ako kailangan dito eh kasi nakukuha naman niya yung gusto niyang mangyari. Lalong lumakas yung iyak ko na hindi ko na din napigilan.
Akala mo ba Ram madali itong ginagawa ko. Nahihirapan akong magpakatotoo sa sarili ko! Sabi ko sa sarili ko.
Pagkatapos kong mag ayos ng gamit ay lumabas na ako sa kwarto at dumiretso na sa sala. Nandoon na silang lahat.
"Oh akala ko nagpapahinga ka Ela? Sabi ni Ram natutulog ka daw" sabi ni Mitch na nginitian ko lang.