May kausap si Ram sa phone ng makarating ako sa sasakyan niya. Nagpaalam na siya sa kausap niya saka ngumiti sakin.
"Ram kahit sa may Cups & Cakes mo na lang ako ibaba please."
"Bakit?" Tanong niya sakin habang nagmamaneho.
"May hotel kasi na malapit dun."
"No. You're coming with me." Tumingin ako sa kanya nakangiti siya.
"No Ram. Doon na lang please." Pakiusap ko
Hindi na siya sumagot kaya pinabayaan ko na lang. Mamaya ka sakin Ramses Savellano! Naku!
At tama nga ang hinala ko. Sa building nga ng condo niya kami pumunta. Nagpatulong siya na iakyat yung gamit ko.
Pinauna niya ko maglakad kaya sumunod na lang ako pero nung madaanan ko siya. Nakangisi ang walanghiya! Hindi ko na lang pinansin.
May inabot siyang papel may number na nakalagay. 7277? Baka passcode sa condo niya. Sinamaan ko na lang siya ng tingin bago nagpatuloy sa paglalakad.
Nang nasa pinto na ako inenter ko yung code at bumukas na yung pinto. Papasok na sana ako nang bigla siyang magsalita..
"Hey! Not there." Napatingin ulit ako sa kanya nakangisi pa din siya.
Gwaapoooo! Wait mali! Kwaagoo!!!
"Here" huminto siya sa unit na katapat ng unit niya.
Pinababa niya na yung gamit ko sa tumulong samin at inabutan niya ng tip.
Napahilamos na lang ako ng mukha habang nagmamartsa papunta sa kanya. At doon na siya biglang tumawa.
"You should've seen your face" at tumawa ulit siya.
Pigilan niyo ko makakapatay ako ng gwapo este ng kwago! Pigilan niyo ako!
Pinaenter niya yung code at bumukas din yung unit. Malaki yung unit at mukhang ako yata ang unang titira.
Nauna na akong maglakad sa loob. Kapareho din yung design sa unit ni Ram pero pambabae.
"Like it?" Tanong sakin ni Ram. Tumango ako ng nakangiti. In fact! Super like it!
"This will be your new home" wow! Wait! My new home? Nilingon ko siya at prente na siyang nakaupo sa sofa
"What do you mean?" I asked habang papalapit sa kanya.
"Dito ka titira... MUNA.. alam ko naman ayaw mo pero isipin mo na lang yung love story na ginawa natin." Okay. At least maliwanag na pansamantala lang ako dito. Kasi kung ibibigay niya to paghahanapin ko na siya ng pekeng girlfriend niya.
Ganito man ang trabaho ko hindi naman ako nanglalamang ng kapwa.
Love story? Natatawa pa din ako sa magiging love story namin at ngayon mukhang makatotohanan na. Sabi niya kasi nagkakilala daw kami dahil magkapitbahay daw kami at doon daw nag-umpisa ang pag-iibigan namin.
"Hey tahimik mo Ela. Hindi ka ba masaya?" Binangga niya yung balikat niya sa balikat ko. Doon ako natigil sa pag-iisip.
"Thank you Ram" mahinang sabi ko.
"Welcome"
Tumayo siya at pumunta sa pinto ng biglang tumunog yung door bell. Pagbalik niya may dala na siyang pagkain.
Kumain kami sa sala habang masayang nagkukwentuhan. Hindi na namin namalayan na gabi na pala. Nagpaalam na siya para makapagpahinga daw ako.
Paglabas niya. Inikot ko muna itong unit. May sariling bedroom with toilet. Malaking sala, malaking kitchen, isa pang CR at ang pinaka natuwa talaga ako ay ang malaking oven. Makakapag bake pa din ako!
Dumiretso na ako sa kwarto para magpahinga. Nagbasa muna ako ng katawan bago ako sumalampak sa kama.
Kinuha ko yung laptop ko dahil kay AC baka umuusok na yung ilong nun sa galit.
At tama nga ako. Habang binabasa ko yung mga messages at chat ni AC bigla siyang nagvideo call.
Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari kaya hindi ako nakakasagot sa mga email niya. Kinuwento ko mula sa avocado hanggang dito sa condo na pinahiram ni Ram.
Namumula siya sa galit dahil sa muntikan na akong mapahamak pero mabuti na lang at napakalma ko siya.
Nag-usap pa kami ng ilang minuto. Sinabi din niya na baka abutin siya ng isang buwan doon at nagtapos kami sa pangaral niya about sa "for rent" thing ko kay Ram.
Nagpaalam na kami sa isat isa. Hindi ko na din namalayan na nakatulog na pala ako.