Chapter 20: I am nothing compared to you

95 1 1
                                    

ELA'S POV

Pabalik na kami sa grupo kasama yung isang staff na lalaki sa kitchen para tumulong sa pagbubuhat. Nag iwan na din ako ng banana cake na ginawa ko talaga para sa kanila para sa pag-allow nila samin gumamit ng kitchen.

Palabiro si Paul at napakasaya kasama. Siguro ito yung nagustuhan ni Carla sa kanya. Si Ram kasi tahimik at madalas seryoso. Ultimo mga banat ko na noong unang panahon pa  gumagana pa sa kanya. Ang pinagkaiba lang ni Ram kay Paul ay stick to one si Ram. Napansin ko kasi si Paul kanina na kapag may makakasalubong kami na nakabikini madalas siyang napapatingin. Playboy!

Lumapit samin si Carla at bigla kumapit sa braso ni Paul dahilan para mawalan ako ng balanse. Paano ba naman tulala ako kakaisip tapos bigla siyang susulpot. Natapon yung dalawang cupcake na ginawa ko at natabig ko din yung staff na tumulong samin. Natapon yung dalawang baso ng banana shake na ginawa ni Paul at nabasag ang mga ito sa may paanan namin ng staff.

"Babe are you okay?"
"Ela are you okay?"

Sabay na tanong ni Ram at Paul.

"Oo" yan na lang yung sinagot ko sa tanong nilang dalawa.

Kinuha ni Ram yung tray na dala ko at inabot kay Matt. Kinuha naman ni Pete yung sa staff.

"Ako na po maglilinis ma'am" sabi ng staff kay Mitch na mag uumpisa na magwalis.

"No.. dumudugo yung paa niyo pareho ni Ela gamutin niyo muna yan." Sagot naman ni Mitch. Humahangos na dumating si Anna at Monique at pinaupo kami sa upuan ng staff. Mabuti na lang at hindi naman malala yung sugat namin. Parang natusok lang kaya kayang kaya. Umalis na din yung staff at humingi muna ako ng paumanhin pati si Paul.

Kumain kami ng dinner na parang walang nangyari. Never kong narinig na humingi ng sorry si Carla. Siguro pati siya nasaktan din.

"Oh my gee! This is good Ela" sabi ni Monique na ang tinutukoy ay yung cupcake na gawa ko.

"Oo nga. Masarap to Ela" segunda naman ni Shane

"Are you a chef or baker? This is good" dagdag pa ni Matt.

"Marunong lang ako mag-bake but I'm not a chef or proffesional baker." Sagot ko kay Matt.

At kung anu-ano pang papuri ang narinig ko sa kanila except kay Carla. Matapos kaming kumain at magligpit ay naghiwalay muna ang boys at girls. Mag-iinuman daw kasi sila. Si Dom naman ay naglatag ng mga kahoy para sa bonfire. Kaming girls naman ay pumasok sa living room para manuod ng horror movie. Kumuha din ng tanduay ice si Mitch para mas masaya daw. Sabi nila umiinom naman daw sila pero ayaw ng mga boyfriend nila na malasing sila kaya light drinks ang binili. Edi sana gatas na lang! Hahaha

Kinuha muna ni Anna yung flash drive niya kung saan naka-save yung movie sakto namang papasok si Carla. Halos 15 minutes bago dumating si Anna na malungkot ang mukha.

"Bakit Anna?" Tanong ni Mitch.

"Naiwan ko yung flash drive sa bahay Mitch." Malungkot na sagot ni Anna

"Ba yaaan! Excited pa naman ako!" Maktol naman ni Mitch. Si Monique at Shane naman parang nabunutan ng tinik.

"Kwentuhan na lang tayo Mitch" pag-iiba ni Shane

"Ano pa nga ba" sagot ni Mitch kay Shane "..okay na yun Anna pabor kila Monique at Shane yun haha" baling naman niya kay Anna.

Inurong namin yung tatlong couch malapit sa table saka umupo. Nilagay na ni Mitch yung sampung tanduay ice na iba iba ang kulay. Pork bbq at dalawang malaking tilapia na inihaw ng mga lalaki kanina,  at chichiria. Magsasalita na sana si Mitch pero nauna si Carla.

"What do you own Ela? Where are you from?" Diretsang tanong ni Carla sakin. Bigla akong kinabahan dahil alam ko ang tinutukoy niya at wala akonh magandang maisasagot sa kanya. Halata naman sa kanila na lahat sila ay galing sa mayamang pamilya. Sabi nga nila born with a golden spoon.

"What do you mean Carla?" Parang mataray na sagot ni Mitch sa tanong ni Carla sakin. Tahimik lang nakatingin samin ang iba namin kasama.

"I mean, Matt Froilan owns a restaurant and a bar. He is also a chef. His family is the owner of Froilan Furnitures and Equipment." Tinuro ni Carla si Anna bago nagpatuloy "..Anna Buenavista, anak ng may-ari ng pagawaan ng pinakamahal at pinakamasarap na alak sa buong Asia. Yung twins, Dominic and Monique Hansport, sila ang may-ari ng Hansport bags at pinakamalaking pagawaan ng tela sa buong bansa. Si ---"

"Stop that nonsense Carla hindi ---" sabat ni Mitch pero agad din pinutol ni Carla.

"Let me finish first Mitchelle." Taas kilay na sabi ni Carla. Pinigilan na lang ni Anna si Mitch kaya tumahimik na lang din siya.

"Si Shane naman ay anak ng may ari ng sikat na fashion magazine. Shane also owns a flower shop at anak naman ng pagawaan ng yate si Pete. He owns the Peter Piper floating restau here and abroad. I think nasa 10 na yung floating restaurant niya sa abroad. Tama ba Shane?" Sabay tingin niya kay Shane pero hindi man lang sumagot o nagsalita si Shane.

"Anyway.." pagpapatuloy ni Carla. "Si Mike naman ang nag iisang tagapagmana ng isa sa mga telco sa US at soon ay makakarating na dito sa bansa natin. Si Mitch naman ay isa ding chef. Owner ng Mitchelin cafe at anak ng may pinakamalaking mango farm na nagsusupply din sa ibang bansa. Kasosyo sila ng pamilya ni Paul sa pagmamay-ari ng PM Supermalls dito sa bansa. Pag-aari din nila Paul ang Ocean Sardines. At si Ram, your boyfriend. Anak siya ng may-ari ng 5 star hotels here and abroad at mga beach resorts. May sarili din siyang kumpanya at resort dahil sa pagsisikap niya. So ikaw what do you own?" Tanong sakin ni Carla pagkatapos niyang ipakilala kung gaano kayaman si Ram at ang buong barkada nito.

"...and oopps! By the way ako naman ay top model ng isang magazine. Nagmamay-ari kami ng BPO company with 6 branches. So what do you own Ela?" Pagmamayabang pa ni Carla. Halos lahat sila nakatingin sakin at ako? honestly naaamaze ako sa yaman nila pero hindi ako gagawa ng kwento para lang mapagtakpan ko kung ano talaga ang estado ko o ng pamilya ko sa buhay. Umayos ako ng upo at humarap kay Carla.

"I am nothing compared to you or to everyone in this room. I do not own anything too. I --" naputol ang sinasabi ko ng magsalita ulit si Carla.

"So you are just a commoner. How come ---"

"But I captured Ram's heart. I don't care if he owns everything in this world for as long as we love each other, it's enough." Ako naman ang pumutol sa sasabihin niya. Nasasaktan at nanliliit ako para sa sarili ko pero hinding hindi ako maiinggit sa kanya o sa kanila.

Humarap ako sa kanila saka nagpatuloy.

"...I am a pre-school teacher, orphan at the age of --" halos pumiyok kong sabi dahil sa pagpipigil ng luha.

"Enough! That's enough Carla!" Halos pasigaw na sabi ni Monique. "..since when did you learn that a person's status in life is more important than love?" Dugtong pa ni Monique at masamang nakatingin kay Carla.

Imbes na sumagot si Carla ay tumayo ito at lumabas ng villa. Lumapit sakin si Shane at Anna para yumakap. Si Mitch naman umupo sa harap ko at tumitig sakin.

"Don't mind that b*tch Ela. She's crazy" sabi ni Mitch habang titig na titig pa din sakin. Tumango na lang ako sa kanya.

"Tara uminom na lang tayo" nakangiti ng sabi ni Monique.

"Thank you" sabi ko sa kanila. Nagpapasalamat talaga ako dahil hindi sila judgemental. Hindi nila ako sinagot pero isa-isa na lang pinisil yung pisngi ko at sabay sabay na tumawa.

Mali ka yata ng napasukan ngayon Ela ha. Naargabyado ka ng ibang tao. Tsk..tsk.. Siya ba? Siya ba yung gustong bawiin ni Ram? Sa magandang panlabas na anyo niya nagtatago yung nabubulok niyang pagkatao. Halata din sa kanya na nagseselos sakin. Siguro mahal pa niya si Ram. Kaya dapat tapusin ko na tong trabaho ko para makabalik na ko sa normal kong buhay.

Rent to OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon