Makakaidlip na ako ng biglang magring yung phone ko.
Sa sobrang antok ko sinagot ko yung tawag without looking kung sino ba tumatawag.
Inantay ko munang magsalita yung nasa kabilang linya.
"Hello Ela?" Ram? Tiningnan ko yung screen ng phone ko and voila! Si Ram nga. Nawala agad antok ko.
"Hi Ram" masayang bati ko.
"I've been texting and calling you the whole day but to no avail. What happen? Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Ram
"Sorry Ram medyo naging busy lang. Napatawag ka pala?" Sabi ko habang nakasandal sa swivel chair.
"Diba sabi mo Yes so makikipagkita sana ako sayo ngayon para mapag-usapan natin. Pwede ka?" Pwedeng pwede. Sigaw ng puso ko.
Pagod ka diba. Magpahinga ka muna. Sabat ng isip ko.
"Hello Ela? Still there?"
"Yes. Sorry. Sige pwede ako ngayon."
"Okay. Saan kita susunduin?"
"Ha? Saan na lang tayo magkikita wag mo na lang ako sunduin."
"I insist Ela."
"Okay. Alam mo yung Cups & Cakes?"
"Yeah. Sige sunduin kita dyan. Bye"
Toot*toot* may lakad Ram? Nagmamadali? Di pa nga ko sumasagot eh.
After 30 minutes ng pagtunganga sa office, nag-ayos na ko ng mga gamit ko at bumaba sa kitchen para sa avocado treats ng mga staff. Nilagay ko na sa lalagyan at pinangalanan ko para maayos. Binilinan ko na din sila na mauuna na ako.
Sa labas ko na lang aantayin si Ram tutal may mga table naman dun.
Mga 15 minutes pa lang akong nakatambay sa labas ng dumating si Ram. Black Monterosport naman ngayon yung sasakyan niya. Anak mayaman talaga.
"Sorry kung nag-antay" paumanhin niya ng makalapit sakin.
"Okay lang. Kakaupo ko pa lang din naman dito." Ngiting sabi ko sa kanya then bigla siyang nag-iwas ng tingin.
Killer smile! Nyahaha sabi kasi ni AC pag ngumingiti ako lumalabas yung dimple ko sa magkabilang pisngi. Asset ko daw yun. Haha
Pumunta na kami sa isang restaurant ng hotel para kumain.
Nilibot ko ng tingin yung restaurant at yung lobby ng hotel kita kasi dito sa loob.
Plain and boring. Sabi ko sa isip ko.
"Yung alin?" Tanong sakin ni Ram ng makaupo kami sa pandalawahang table.
"Ha?" Naaning na yata si Ram.
"You said plain and boring ang alin?" Kunot noo niyang tanong sakin.
Pigil hininga akong tumingin sakanya. Sabay ngiti. Sabay iling. Then dahan-dahan akong huminga. Ang hirap kaya magpigil ng hininga.
Nakatingin pa din siya sakin. Patay na Ela!
"Hmm.. itong suot ko plain and boring para dito sa lugar.. di mo naman sinabi sana nagdress man lang ako.." lumusot ka lumusot ka!
Mukha naman naniwala siya. Sakto din na dumating yung order namin.
Okay lang. Yan ang masasabi ko sa food nila. Hindi ganoon kasarap at hindi din naman ganoon kasama ang lasa. Desserts? Yun ang hindi masarap. Sino kaya may-ari nito? Rerefer ko sa Cups & Cakes. Hindi ata alam ang salitang sweetness. sabi ko sa isip ko. Siguro naman this time sa isip ko lang talaga.