Chapter 15: His Feelings

85 2 2
                                    

Ramses "Ram" Savellano
Anak ng may ari ng Savellano Enterprises, ilang hotels, resorts, restaurants sa loob at labas ng bansa.
Apo ng may-ari ng Wayland High School.
Owner ng Ram Hotel and Restaurant, Llano Restaurant at Sunset Beach Resort sa Batangas.

--- -- --- -- ---

RAM'S POV

Nakita kong nakatulog na si Ela kaya binuhat ko na siya papunta sa kwarto niya. Pagkatapos ay dumiretso na din ako sa unit ko para magpahinga.

Nasanay na talaga ako na sabay kami kumain kaya nung nasa Boston pa ako hindi ako gaanong nakakain. Bukod sa busy ay wala din akong kasabay.

Si Ela. Larawan ng kasimplehan. Maganda.. mali.. Napakaganda kahit walang make up lalo na pag tumatawa siya lumalabas yung malalalim na dimples niya at ang mga mapuputi at pantay na ngipin niya. Maputi at makinis na balat. Maamong mukha na may mapupulang labi at pisngi na mas lalong namumula pag nagbablush siya. Mahabang pilik mata at maliit na matangos niyang ilong na gustung gusto kong pitikin.

Mabuting kalooban na kahit napagsamantalahan na siya ng lalaking halos mapatay ko na ay pinatawad pa din niya.

Lalo din siyang naging attractive at sexy ng nagmature siya.

Nagulat ako ng nabangga ko siya sa mall at the same time natuwa. Wala naman talaga akong balak na gawin siyang pretend girlfriend but I took the opportunity and I don't know why. Isa lang ang naisip ko nun. I want to see her often.

Noong una ko siyang ginising at niyaya kumain, alam kong wala pa siya sa wisyo niya kaya hindi na niya napansin yung suot niya. Naiinis ako nun. Gustong gusto ko siyang sitahin sa suot niya pero nanahimik na lang ako kaya kinuha ko na lang yung jacket ko sa unit ko baka kasi magamit.

At hindi nga ako nagkamali. Halos lahat ng lalaking dumadaan sa amin ay tinitingnan siya na mas lalong kinainis ko. Inabot ko na din yung jacket ko sa kanya ng mapagtanto na niya kung bakit siya tinitingnan. Pumunta kami sa drugstore para bumili ng gamot sa sakit ng ulo at doon ko din nalaman yung ibang side niya na palabiro.

Natawa na lang ako sa sinabi niyang, "siya lang naman po yung nasaktan sa kanilang dalawa"

Nung nasa Boston ako ay kumuha ako ng private detective para sa ipacheck yung background ni Ela. Meron kasi akong hinahanap noong nasa inuupahan niya kami pero hindi ko makita. Gusto kong malaman ang lahat lahat sa kanya.

Napansin ko din na sa tuwing kumakain kami ay laging ubos ang pagkain niya at pinipilit niya akong ubusin palagi yung pagkain ko. Kaya kanina sinadya ko talagang hindi kainin yung crust ng pizza at nagtagumpay naman ako na malaman yung rason niya.

Kahanga hanga. Yan ang masasabi ko sa kanya. Maswerte ang taong mamahalin niya at mamahalin siya. Sana hindi maging batayan yung pagiging bayaran niya para husgahan siya ng mga nakapaligid sa taong mamahalin niya. Sana.

Umuwi din ako kaagad dahil na din kay Carla, ang babaeng pinakamamahal ko. Hindi pa alam ng marami na engaged na kami at siguro hindi na din nila malalaman dahil nakipaghiwalay na siya sakin ng hindi pa kami nakakapag usap.

Magkakaroon ng reunion yung barkada namin nung college at kasama ang bestfriend ko at si Carla doon. Yearly ginaganap ang reunion namin at sa Palawan gaganapin yung reunion. Isa sa mga isla na pagmamay ari ng pamilya namin ang venue. Ako kasi ang nakaassign sa magiging lugar this year. At doon na magsisimula ang pagbawi ko kay Carla kasama si Ela.

I know my bestfriend. He is a jolly person and a womanizer at the same time. Alam kong hindi niya seseryosohin si Carla.

Sa barkada namin ay ilan lang silang nakakaalam ng relasyon namin ni Carla dahil ayaw niya ipaalam. Ayaw niyang sumikat ng dahil lang sa pagkakaroon ng relasyon sakin. Gusto daw niya ay pagsikapan niya. Kaya nanatiling tago ang relasyon namin.

Ang alam lang nila ay may mutual understanding kami ni Carla. Pati pagpropose ko sa kanya ay tago at lihim lang din. Kaya pati pakikipaghiwalay niya ay ganoon din.

Yung pakiramdam na gusto mong magwala pero hindi pwede kasi wala naman may alam.

Ayy! Ano ba yan! Nahahawa na ako kay Ela.

Napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Nagdesisyon na akong magpahinga dahil sa pagod sa byahe. Nakalimutan kong ibigay kay Ela yung chocolates, key chain at t-shirt na pasalubong ko sa kanya.

Di bale bukas na lang.






Rent to OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon