Pumasok kami sa Mang inasal. Mabuti na lang halos walang customer dito sa branch na to. First time niya dito kaya ako na ang umorder pero siya pa din yung nag insist na magbayad. Hindi na ko kumontra kasi mukhang kakain ng tao yung cashier eh.
Umupo kami sa may dulong table ng food chain habang nag aantay ng order.
Dumating na yung order namin at kinawayan ko si kuyang crew na may dalang lagayan ng kanin. Lumapit siya samin.
"Rice po ma'am?" Nakangiti niyang sabi. Mabuti pa to marunong ngumiti samantalang yung cashier nakasimangot.
"Opo kuya. Padalawang scoop po." Nakangiti kong sagot sa kanya. Nakatingin siya sakin na at nagbigay ng sigurado-ka-mam-dalawang-scoop look. Nag aalinlangan pa siya pero nilagyan din niya. Oh! Dont cha worry kuya kulang pa yang 3 rice na nasa plato ko.
Aalis na sana si kuya ng bigla ulit akong humirit sa kanya.
"Siya din po. Dalawang scoop." Sabay tingin kay Ram.
Nilagyan din yung plate niya ng dalawang scoop ng kanin. Nakatingin siya sa plato niya na hindi makapaniwala sa nakikita niya sa plato. Halos kasi kanin na yung nakalagay sa buong plato niya. Pati din naman sakin.
Tumingin siya sakin na umiiling iling habang nakangiti.
Sa maniwala kayo o sa hindi naubos niya as in literal. Kawawa yung manok. Literal na buto na lang naiwan. Naka apat siyang kanin ako lima. Haha gutom eh. ^_^
Niyaya niya ako sa isang coffee shop. Gusto daw kasi niya bumaba yung kinain niya.
Habang nag-aantay kami ng order. Napansin kong malalim iniisip ni Ram.
"Deep thoughts Ram"
Tumingin siya sakin at ngumiti sabay buntung hininga.
"Hey what is it? You okay Ram?" Nag aalala na ko sa kanya. Kanina kasi masaya pa siya eh o kanina pa talaga siya ganyan hindi ko lang napansin.
Dumating na yung order namin. Nagpasalamat siya sa crew bago umalis then tumingin siya sakin.
I can sense danger! Joke! I know may gusto siyang sabihin pero sana wag yung nasa isip ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang nag aantay ng sagot.
"Ela.. Can I.. rent you?" Oh no! Not again Ram! Not again!
Nakatingin lang din siya sakin na parang sinusukat kong ano ang isasagot ko sa kanya.
"Ram kasi..." Gustuhin ko man Ram pero..
"Please Ela.. Pakinggan mo muna yung proposal ko" sabi niya habang nakatingin pa din sakin. Actually nakatitig na siya sakin.
"Nagbago na ako Ram. I am no longer for rent" Nagbago na talaga ako. Ayoko na ng ganoon. Ako lang din kasi ang nahihirapan.
"Ela please." I saw pain in his eyes.
Paano ako tatanggi sa taong tumulong sakin para makapagtapos ako ng high school.
"Valid reason Ram" give me a valid reason Ram para pumayag ako.
"My.." huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy.
"My fiancee just left me." Ayun lang Ram? Rerentahan mo ko para lang sa babaeng iniwan ka? Deym!
"Talk to her Ram" ayoko. Ayoko. Ayoko.
Pero ang sumunod na sinabi ni Ram ang nagpatigil sa desisyon ko.
"...for my best friend." Tumingin ako sa kanya. He's crying! Oh God! Don't cry ! Babae lang yan Ram.
"Hindi nila alam na alam ko. She's my life Ela. I want her back. I know my best friend hindi siya seseryosohin nun." Palihim na pinunasan niya yung luha niya.
"I'll think of it Ram." Sabay ngiti sakanya. Promise pag-iisipan kong maigi Ram. Ayoko na bigla na lang may sasabunot sakin palabas ng mall dahil sa mang aagaw ako.
Nakakita ako ng bagyo sa mata ni Ram este pag-asa! Pinagpatuloy namin ang pag-inom ng kape at naghanda na pauwi.
Gusto pa sana niya ako ihatid pero sinabi kong ayaw ko. Nagpupumilit siya kaya pinagbantaan ko na na kung ipipilit pa niya NO RENTAL! Kaya ayun behave na siya.
Kinuha niya yung pinamili ko at nagpunta kami sa sakayan ng taxi. Nag exchange kami ng phone number. Sabi ko sa kanya itetext ko na lang kung ano desisyon ko at saka na lang namin pag uusapan kung ano yung magiging offer niya.
Bago ako pumasok sa taxi tinawag muna niya ako kaya napahinto ako
"Nice to see you again" nakangiti niyang sabi sakin.
Ngumiti ako sa kanya at nagpaalam na. Sinabi ko na sa driver kung saan niya ako ihahatid saka kami umalis
Habang nasa biyahe. Nakareceive ako ng dalawang magkasunod na text.
From: Ram
Nice to see you again Ela. Take Care.
Namiss kita. :)