Hinihintay kong maglapat ang aking katawan sa mga bato ngunit hindi ito nangyari. Ilang sandali pa akong pumikit. Pagkamulat ko ay mukha ng Puting dayo ang aking nakita.
Parang natigil ang mundo ko. Wala akong ibang naririnig kundi ang mabilis na tibok ng aking puso.
"Anong ginagawa mo dito?" Pabulong na sabi ko sa Dayo
"Bai? Ano pong nangyari?"
Rinig kong sabi ni Lupe na may halong pag-aalala sa boses.
Magsasalita na sana ako ng takpan nya ang aking mga labi ng kanyang mga daliri.
"Shhhhhh. Wala po akong balak na masama sa inyo mahal na Bai. Nauna po akong dumating dito ngunit ng makita ko kayo'y nagtago ako dahil sa takot. Tatanggalin ko po ang aking kamay sana po'y wag kayong sumigaw, nakikiusap po ako Mahal na Bai."
Pabulong na sambit nya habang dahan dahang inaalis ang kanyang kamay. Inayos nya rin ang aking pagkakaupo. Dahil sa kanya kaya para akong nakalutang kanina. Sya ang sumalo sakin.
"Papasok na kami Bai, ako'y labis ng nag aalala." Naalarma naman ako sa sinabi ni Lupe tiningnan ko ulit ang Dayo na natatakot na sa aking tabi.
"Wag!" Sigaw ko. Nakita kong napatingin ang Dayo sa akin. Tumango lang ako sa kanya.
"Pero Bai, maari ko bang malaman kung anong nangyari sa inyo? Ako'y labis ng nag-aalala." Sambit ni Lupe
"Ako'y maayos na Lupe."
"Ngunit kayo'y narinig kong napatili."
"Nabitawan ko lang ang aking pansalok. Wag kang mag-alala. Maari nyo na akong iwan ulit. Tatawagin ko lang kayo kung ako'y tapos na."
Nakita kong umalis na sila. At aking hinarap naman ang Dayo.
"Anong ginagawa mo dito? Alam mo bang maari kang maparusahan kapag may maka alam na nandito sa Sagradong Balon habang ako'y nagsasalok?" Pabulong kong sermon sa kanya.
Nakayuko lang sya at tanging paghinga nya lang ang aking naririnig.
"Dagdagan pang ako'y iyong nahawakan. Malaking problema ang iyong sinuong Ginoo."
Ako ang kinakabahan para sa kanya. Di ko alam kung bakit pero yun ang nararamdaman ko.
"Hindi ko po sinasadyang mangyari ang lahat ng ito Bai. Sana'y mapatawad mo ako. Bukas na bukas din po'y aalis ako sa Amansina."
"Hindi ka maaaring umalis. Magtataka ang lahat lalo na ang aking kapatid. Hahayaan at itatago ko ang mga nangyari ngayon ngunit ipangako mong walang sino man ang makakaalam nito. Hindi aking buhay ang nakasalalay dito Dayo, kundi ang sayo."
Patuloy parin kami sa pakikipag usap ng bumubulong.
"Salamat aking Bai, malaking utang na loob ko po ito sa inyo. Pinapangako ko pong wala akong pagsasabihan nino man. Mananatili po itong sikreto hanggang sa huli. Ako po'y lilisan na Bai."
Nabigla ako sa kanyang sinabi kaya nahawakan ko ang kanyang kamay. Napalingon naman sya at mabilis ko namang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya.
"Ikaw ba'y nababaliw na? Isa lang ang daan pauwi at alam kong alam mo kung saan. Nasa kubong iyong dadaanan ang aking mga tagapangalaga at kawal. Maari ka nilang makita. Gusto mo ba talagang pareho tayong mapahamak Dayo?"
BINABASA MO ANG
New World With Him [COMPLETED]
FanfictionSi Deia, ang binukot na naikasal sa isang binatang dayo na nagngangalang Chard. Paano makakayanan ng isang dalaga ang mabuhay sa bagong mundong nababasa lamang nya at napakalayo ng pinagkaiba sa mundong kinalakihan nya? At paano ihaharap ni Chard sa...