Happy 1st Anniversary Aldub and Aldub Nation!
I've been hesitant to publish this but..... Basta! Ganoin!
-Z
Madilim ang paligid, huni ng nga insekto sa gabi, malamig na dampi hangin sa kanyang katawan at agos ng tubig sa kanyang mapuputing talampakan, dagdagan pa ng kasiyahan at kagalakang kanyang nararamdaman, yan ang sumalubong sa Baing Binukot ng ito'y pumasok sa bukana ng Sagradong Balon.
"Maari na kayong humayo at magpahinga sa kubo Lupe."
"Masusunod po aking Bai."
Sinunud ng kanyang mga tapat na tagasilbi at tagapagtanggol ang Bai.
Marahan itong lumakad at lumapit sa balon, nagbigay ng galang at nag-usal ng panalangin. Pinagsantabi muna nya ang Dayo at ginawa ang kanyang pakay. Ng matapos nyang mapunan ang lahat ng sisidlan ay napatigil sya. Pagkatapos ay bumaling sa pinagtataguan ng naturang Puting Dayo.
"Nilalagay mo ang iyong sarili sa kapahamakan Dayo. Ikaw ba'y nahihibang na? Anong iyong pakay dito?"
Lumabas mula sa likod ng malaking bato ang Dayo at nakangiting hinarap ang Bai.
"Hindi ko alam na matalas ang iyong pakiramdam Bai."
"Hindi mo sinagot ang aking katanungan Dayo."
Mahina ngunit paasik na tanong ng dalaga. Napangiti lamang ang dayo.
"Ikaw aking Bai, alam kong bawal o hindi maari ngunit nais ko uling masilayan ang iyong ganda. Hindi po ako nagbabalak ng kahit anong masamang gawain. Ang nais ko lang ay kahit sa malayo'y masilayan at mabantayan kita. Natatakot din po ako sa banta sa inyong buhay."
"Dayo...."
Yun lang ang nasambit ng Binukot. Hindi nya na gamay ang pagtibok ng kanyang puso, mabilis, mabilis na mabilis na kanyang ikinatakot ng husto.
"Hindi mo kailangang mangamba para sa akin Dayo..."
"Chard po Bai, kung maaari'y Chard ang itawag mo sa akin."
Nagsasamong sagot ng Dayo.
"Hindi, Dayo. Dayo ang itatawag ko sa iyo. Hindi mo kailangang mangamba para sa aking kaligtasan Dayo. Kaya ko ang aking sarili at nariyan naman ang aking mga tagapagtanggol. Sila'y labis na marunong at magaling sa pakikipaglaban."
Natigilan ang Dayo at napatingin sa Bai, tama ang Bai, wala syang alam sa pakikidigma ngunit may alam sya sa martial arts na kanyang pinag-aralan mula pa ng sya'y paslit pa. Maari nyang magamit ito upang ipagtanggol ang Bai.
"Maaring wala akong karanasan sa digmaan ngunit pinapangako kong hinding hindi kita pababayaan Bai. Mula ng makita kita ay maiba ang takbo ng mundo ko."
Nagtaka ang Bai. Maari kayang pareho sila ng nararamdaman ng Puting Dayo?
"Anong ibig mong sabihin Dayo?"
"Mahirap intindihin dahil bago rin ito para sa akin Bai. Mula ng una kitang makita sa agahan, kahit hindi ko man makita ang iyong mukha at di pa kita kilala ay iba na ang naramdaman ko para sa iyo Bai. Nadagdagan pa ito ng marinig ko ang iyong mga sinabi kay Lupe noong nasa papag ka, alam mo bang noong oras na iyon ay pinipigilan ko ang aking sariling yakapin ka? Nadama ko ang labis na kalungkutang iyong nadarama ngunit nadama ko din ang kasiyahan ng iyong puso. nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin ito sayo ng magkaharap kami ng Migel na iyon. Ng sinabi nyang ika'y aangkinin nya ay gusto ko syang puntahan ay suntukin. Wala syang karapatang sabihing pagmamay-ari ka nya Deia-"
BINABASA MO ANG
New World With Him [COMPLETED]
FanfictionSi Deia, ang binukot na naikasal sa isang binatang dayo na nagngangalang Chard. Paano makakayanan ng isang dalaga ang mabuhay sa bagong mundong nababasa lamang nya at napakalayo ng pinagkaiba sa mundong kinalakihan nya? At paano ihaharap ni Chard sa...