20

3.7K 196 17
                                    

Pagsarado ng pinto ng kanyang silid ay umagos na naman ang mga luhang kanina nya pa gustong hayaang dumaloy mula sa kanyang mga mata.

Parang hinihiwa ang puso nya sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Puting Dayo. Parang mga palasong bumabaon sa puso nya ang bawat katagang binibitawan ng binata. Bumabaon at patuloy na kumikirot.

Ngunit pinili nyang manahimik. Pinili nyang huwag ng kumibo. Para sa kanyan ito ang nararapat.

Nararapat nga ba? Ito nga ba ang nakatakda para sa kanila? Ito nga ba ng dapat na maging kahantungan ng nararamdaman nila para sa isa't isa?

Maaring madaming tanong ang nasa isip ng Baing Binukot. Mula sa pagkakahiga ay dahan dahan syang umupo at hinayaan nalang ang sakit na kanyang dinaramdam. Mabilis nyang dinampot ang arnis na nakatabi. Dito nya gustong ibuhos ang sakit ng kanyang nararamdaman.

Pagkahawak palang nya ng arnis ay mabilis nyang ikinumpas ito sa hangin. Hampas dito, hampas doon, ikot at atake dito, atake doon hanggang sa hindi nya na napigilan ang sarili at na i hampas nya ang nga arnis kung saan saan at sa kanya mga kumpas nayon ay kasabay ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Mula sa unang palapag ng balay dinig na dinig nina Anna at Dayan ang mga kalabog at iyak ng kanilang kapatid.

"Hindi ba natin sya pipigilan Ate?" Nag-aalalang tanong si Dayan

"Hayaan muna nating maglabas sya ng kanyang sama ng loob Dayan. Pero hindi ibig sabihin noon ay iiwan natin sya. Dito lang tayo, at kapag kalmado na sya ay doon tayo pumasok. Hindi ko gustong pigilan sya at makita nyang kinaaawaan natin sya."

"Pero Ate."

"At isa mahal ko pa ang buhay ko Dayan. Alam mo kung paano makipaglaban si Deia kay Ama at hindi ko hahayaang mawalan ng ina ang anak ko."

"Oo nga pala."

Naging seryoso naman ulit ang mukha ng nakakatandang kapatid.

"Malakas si Deia, hindi mo man makita ngayon pero nagpapakatatag sya Dayan. Mahirap kontrolin ang damdamin at emosyon ngunit nakaya nya. Nakaya nyang isakripisyo ang kasiyahan nya kahit ang kapalit nito ay hinagpis at kalungkutan."

Napabuntong huninga ang magkapatid.

"Naawa din ako kay Chard. Ang hirap naman kasi nito eh. They are not free to do the things they want to do."

Hindi na maiwasan ni Dayan ang magsalita ng lenguaheng ingles.

"Dayan, huminahon ka. Hindi makakatulong kay Deia na makikita nya tayong kinakaawaan sya. Kailangan nating maging matatag para sa kanya Dayan. Satin sya kumukuha ng lakas ngayon."

Kumalma naman si Dayan dahil sa sinabi ng kapatid. Maya maya pa ay natahimik na sa silid ng Bai. Tanging mga mumunti at mahinang hikbi nalang ang maririnig. Nagkatinginan lang ang magkapatid. Hanggang sa narinig nilang tinawag ni Deia ang kanyang aya.

"Lupe? Maari ka bang pumasok sa aking silid?"

Mabilis pa sa ipo-ipong pumasok ang tapat na tagasilbi. Nabigla pa ang aya ng makitang sabog sabog ang buong silid. Maraminh kalat at basag na porselana at mga punit punit na saring tela.

"Maari nyo bang iligpit ito Lupe? Nais kong paggising ko ah wala na ang aking kalat. Paumanhin ko kung dinagdagan ko pa ang inyong trabaho. Sanay mapatawad nyo ako."

Nahabag ang tagasilbi, maaring may masakit itong dinaramdam dahil may malasakit parin ito sa kanyang mga tagasilbi.

"Uunahin ko nalang po ang inyong higaan ng makapagpahinga kayo Bai."

"Salamat Lupe."

Inayus muna ng tagasilbi ang tulugan ng Bai at hinayaang muna itong mahimbing bago pinapasok ang iba pang tagasilbi upang makapaglinis. Pumasok narin si Anna at Dayan at niyakap nag kanilang kapatid sa pagtulog nito.






New World With Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon