47

6.6K 230 12
                                    

"Add pineapples and kulo kulo lang ok na." I was cooking lunch with Yaya Fe in the kitchen.

"Alam mo Dei, nagtataka ako eh." Yaya Fr

"Po?" Bigla akong kinabahan. Napansin na kaya nina Yaya?

"Nagtataka lang kasi ako, eh ngayon ka lang ata di nakasama sa asawa mo sa opisina." Yaya Fe

Napahinga naman ako ng maluwag.

"Eh namiss ko din po kayong makasama dito sa bahay. Tsaka para malutuan ko po si Chard, dito din kasi daw po kakain ng lunch. Maaga daw matatapos yung trabaho nya."

"Mabuti naman at makakapagpahinga yung batang yun. Oh sya aakyat muna ako."usal ni Yaya

Ilang sandali pagkatapos umalis ni Yaya at nagko concentrate ako sa paghahalo ng niluluto ko ng:

"ATE DEI!!!"

Napatili ako ng wala sa oras dahil sa kaba. Humahangos namang pinuntahan ako ni Yaya Fe.

"Deia? Anak bat ka napasigaw Anong nangyari?" Yaya Fe

"Hehe, pasensya na Yaya, ako ata yung may kasalanan."

"Susmaryosep ka talagang bata ka Riza. Paano kung nasaktan yang si Deia edi patay ka sa Kuya mo? Pati ako patay sa Kuya mo. Dei, ayos ka lang ba" Yaya Fe

Di parin ako makapagsalita sa sobrang kaba. Napahawak tuloy ako sa tiyan ko at napabulong ng isang maikling dasal. Then hingang malalim bago ako tumingin ulit kay Yaya at Riza.

"Ate, are you ok? Sorry po. Sorry talaga..." Riza said na parang iiyak na

"I'm ok pero wag mo ng uulitin yon ah? Magkakasakit ako sa puso sayo eh."

"Sorry na talaga Ate. Patay ako kay Kuya nito eh." Riza

"Wag nalang po nating sabihin kay Chard. Sandali, paano ka napunta dito? Sino kasama mo?"

"I'm with Kuya Ramon, yung driver sa Laguna po. Pinapasundo kayo ni Lola." Riza

"Sundo? Papunta saan?"

"Hindi ka ba sinabihan ni Kuya? Hay naku..." Riza

Then bigla namang pumasok si Chard sa kusina at humalik sa sakin. Napatingin lang ako kay Riza.

"Ang aga mo Mahal."

"Namiss kita eh. Iba talaga kapag wala ka sa office, wala akong makausap na matino maliban sa dalawang asungot na dumating kanina." Chard said sabay yakap mula sa likod ko. At dahil na sa kitchen counter ay di makita ng dalawa na nilalaro na ni Chard ang puson ko. Caressing it na parang nagsasabing 'Hello Baby. Daddy's home!'

"Nagluto akong adobo at sinigang para sa tanghalian. Paburito mo diba?"

Kumunot naman ang noo nya at bumulong.

"Akala ko ba ayaw mo sa amoy ng bawang? Bakit nay adobo?" Chard

"Ok na, di na masakit sa ilong. Di narin ako naduduwal sa amoy ng bawang." Pabulong ko ring sagot

"Hmmm, mukhang di ka na pinapahirapan ni Baby ngayon ah, no morning sickness din?" Chard

"Nope. Nagising ako ok lahat. Till now."

New World With Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon