7

3.2K 177 8
                                    

Nasa taas ako ng puno ngayon. Tahimik at maingat na nakikinig sa usapan ng dalawa. Di ko naman intensyong mag eavesdrop sa usapan ng iba pero nag eavesdrop narin ako.

"Lupe ilang linggo din akong hindi nakalabas. Ilang linggo ko ding hindi nakita ang napakagandang tanawing ito. Kunting panahon lang ang hinihingi ko Lupe, gusto ko lang ulit tunghayan ang larawang ginuhit ni Bathala gamit ang kanyang mga kamay. Kunting panahon lang Lupe."

Narinig kong napabuntong hininga ang kasama nya. Pero nakatingin lang din ang Bai sa tanawing kani kanina lang ay tinatanaw ko din.

Her maid bark commands to her other servants. Napangiti ako, talagang di nila kayang tiisin ang kanilang Bai.

"Maraming salamat Lupe."

Nakayukong ngumiti lang  si Lupe. Ilang saglit lang ay dumating naman yung mga may dala ang mga gamit na Pinakuha ni Lupe. Mabilis naman nilang inayos ito at bumaba na ang Bai sa papag.

"Hindi nyo na ako kailangan payongan pa Lupe. Nalililiman ng punong ito ang akong inuupuan. Kung maari'y gusto ko munang Ikaw lang ang lumapit sa akin."

"Masusunod Aming Bai. Narinig nyo ang Bai."

Nasa likoran banda lang at nakayuko ang aya nya habang kita naman sa mata ng Bai. From where i am now, I can see how she loves looking at her sorroundings.

"Di ba'y masyadong payapa Lupe?"

"Opo mahal na Bai."

"Alam mo bang hiniling ko noon sa aking Baba na gawan ng bintana ang aking balay? Alam kong imposible ngunit aking sinubukan."

Tama nga si Niko, wala nga talagang bintana doon.

"Alam ko po Bai."

"Ngunit sa huli'y nabigo parin akong mapapayag sya. Isa sa mga dahilan kung bakit ako lubhang nagagalak kapag ako'y lumalabas ay ito. Ang tanawin ng bundok ng Cordillera. Maaring isang kababawan lamang sa iba ngunit para sa kagaya ko'y langit na sa pakiramdam ang matunghayan ito, ang madampian ng lamig ng simoy ng hangin kahit manlang ang aking mga mata ay nakakabigay na ng walang hanggang kasiyahan sa akin. Sa buong buhay ko, ilang beses pa lamang ba akong nakalabas ng aking balay Lupe? Maaari pa nga sigurong mabilang sa aking mga paa at kamay. Alam kong ito na ang nakatadhana sakin mula pa lamang ng ako'y isinilang, ngunit minsa'y nalulungkot din ako. Wala akong kalayaang gawin ang gusto ko, wala akong kalayaan puntahan ang mga lugar na nais ko. Ngunit iniisip ko rin, napakapalad ko Lupe. Ipinanganak bilang dugong bughaw, pinalaki sa buhay na hindi natatamasa ng marami, binigyan ng karunungang hindi naibigay sa karamihan, binigyan ng mga tagasunod at tagapangalagang palaging nandyan para sa akin, at binigyan ng pamilyang mapagmahal. Maraming dahilan para maging malungkot ako Lupe ngunit mas marami akong dahilan para maging masaya."

Nakaramdam ako ng awa sa kanya but i saw the courage in her.

Doon ako lubos na humanga. Everything outside her house is deprived on her but she remained positive and happy.

Eh ako? I almost have everything. I can go everywhere, i see everything, i have my own freedom, i have my family pero nalulungkot pa ko.

Patuloy ko lang syang tiningnan. She's talking with some kids in the community. She even laughed upon hearing the kids talk. She has a lovely voice. Ang lamig sa tenga. Ansarap pakinggan. 

Then i heard her giving orders to Lupe.
Narinig ko ring aalis na sila. Nagpaalam na sya sa mga bata pero bago sya umalis ay nagsalita sya.

"Sanay nasiyahan ka sa iyong nakita at narinig, Dayo."

New World With Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon