Pagdating namin sa bahay ay tahimik naman. Walang kahit anong kakaiba.
"Hmmm, antok ka na?" Chard
"Konti. Tsaka kahit nakaupo lang kakapagod din magbyahe eh."
"Hayaan mo na yang mga gamit. Sina Yaya na ang bahala jan." Chard
"Ikaw di ka ba pagod?"
"I love driving. Stress reliever ko yan kaya walang problema." Chard
"Ganoon ba?"
Then bigla nya akong nyakap paharap sa kanya.
"Ready for my surprise? Handa ko na ba yung tissue???" Chard
"Wala pa nga eh. Paano ka naman nakakasigurong maiiyak ako sa tuwa sa sorpresa mo?"
"Tingnan natin." Chard
At magkahawak kamay kaming naglakad papasok ng bahay. Pagbukas ko nya ng pinto ay sinalubong kami ni Yaya Fe.
"Oh kamusta byahe? Pagod na ija?" Yaya Fe
"Ok lang ako Yaya. Kayo po kamusta dito?"
"Mabuti din ija. Wag mo kaming alalahanin. Oh sya nasa garden ang sorpresa ng asawa mo. Puntahan mo na." Yaya Fe
Hinila ko naman papuntang garden si Chard. Di ko pa man lubos mahagilap ng tingin ang hardin ay nakarinig na ako ng mga boses.
"May bisita ka ba mahal?"
"Go and look for yourself." Chard
Then mabilis akong pumunta sa garden at ang unang nakita ko ay ang likod ng batang tawa ng tawa.
"Mateo????"
Pagtingin ko sa paligid ay sya namang pagkakita ko sa mga kapatid ko. Di ko alam ang magiging reaksyon ko, napatutop nalang ako ng aking mukha at di ko na napigilang maluha dahil sa saya.
"Ate! Kuya John! Kuya Niko! Dayan! De-an!" Isa isa ko sa mga pangalan nila.
Mabilis naman akong sinugod ng yakap ng nga kapatid ko.
"Sobra akong nanabik na makita kayo!" Umiiyak kong sabi.
"Kami din. Namiss ka namin." Ate Niki
"Kamusta ka dito? Di ka ba nahihirapan? Di ka namahay o di kaya nanibago?" Kuya John
"Maayos po ako dito. Di ko ako pinabayaan ni Chard. Inaalagaan nya po ako."
"Mabuti naman. Di ako sanay na makita kang nakaganyan! Nakapampatag! Pero ang ganda mo. Andami mo ng pinagbago." Kuya Niko
"Marami din po silang tinuro sakin. Si Chard po, si Yaya Fe, mga pinsan ni Chard. Tinulungan po nila ako. Marami din akong nakilala, mga tao sa opisina nyo, pamilya ni Chard, mga tao dito sa village. Mababait po sila sakin."
"Mabuti naman. Masaya akong makitang masaya ka dito. Kitang kita ko sa mga mata mo ang lubos na kasiyahan. Kitang kita kong nag-eenjoy ka dito." Dayan
"Ate sobrang namiss kita!" De-an
Niyakap ko naman ang bunsong kapatid ko at hinalikan sa pisnge.
"Ako din. Namiss din kita. Di mo lang alam na palagi ko kayong inaalala at sinasabi ko lagi kay Chard na nami miss ko na kayo. Lalo na sina Ama at Ina. Tapos si Lupe. Lahat kayo. Miss ko." Then umiyak na naman ako
"Tama na yan. Tahan na , andito na kami o. Wag ka ng umiyak mamaya mapagalitan pa kami ng asawa mo." Kuya Niko
Then bigla ko nalang naalala si Chard na ngayon ay karga karga na si Mateo dahil nakalimutan na ng nga magulang. Patakbo akong niyakap sya at hinalikan sa kanyang labi. Wala na akong pakialam kung nakatingin man ang mga kapatid ko. Sobrang saya ko at lahat ng yun ay dahil sa kanya.
BINABASA MO ANG
New World With Him [COMPLETED]
FanficSi Deia, ang binukot na naikasal sa isang binatang dayo na nagngangalang Chard. Paano makakayanan ng isang dalaga ang mabuhay sa bagong mundong nababasa lamang nya at napakalayo ng pinagkaiba sa mundong kinalakihan nya? At paano ihaharap ni Chard sa...