26

5K 221 24
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas. Halos araw araw nga na kasama ko sina Ate Pia at Ate Ruby. Sila yung naging instant tutor ko. Natutu narin ako na magsalita ng english dahil naghire ng tutor sina Ate para sakin. Naging komportable narin ako sa bagong buhay na meron ako ngayon.

Sobrang lapit narin ng loob ko kay Yaya Fe. Sya na yung tumayong magulang ko habang andito ako sa Manila. Sya yung nagtuturo sakin sa mga di ko pa alam sa bahay. Sa kanya din ako nagpapaturo sa mga gawaing bahay gaya ng pagluto. Tinutulungan ko tin sya sa paglilinis.

Isa lang ata ang hindi nagbago. Yung pakikitungo ko kay Chard. Nagkikibuan din naman kami pero hindi yung talagang usap. Nagtatanong sya, sasagutin ko nlang tapos wala na. Busy narin sya sa mga trabaho nya tapos ako busy din sa pagtuklas ng mga bagay bagay sa paligid. Pero gabi gabi, di sya pumapalya sa pagbisita sa kwarto ko, kakausapin ako kahit tulog at hahalikan ako bago lumabas.

"Dei! Are you ok?" Pia

"Ay po?"

"Natutulala ka na naman jan. Ano ba yung iniisip mo?" Ruby

"Wala ate. Kinakabisa ko lang ulit yung mga tinuro nyo."

"Good. Lalabas kami, gusto mo sumama? Lunch tayo sa labas." Pia

"Oo nga. I'm sure ready ka na. Tsaka it's been weeks since lumabas ka ng bahay." Ruby

"Ok lang po. Sanay naman ako ng palaging nasa bahay lang eh. Buong dalawampung taon kaya akong Binukot."

"Alam namin yun but hello? Deia, kamahalan, di ka na po Binukot. Andito ka na sa ciudad oh. And you should enjoy here once in a while." Pia

"Wag ka mag-alala. Kaming bahala sayo. Di ka namin pababayaan. Tsaka ayaw ko pang tapusin ni Chard buhay ko kapag may nangyaring masama sayo noh? Sige na sama ka na." Ruby

"Lunch lang tapos, shopping tayo, may iniwang credit card yung asawa mo. Di naman siguro makakabawas sa yaman nya yung shopping natin diba? Sige na Dei please!!" Pia

"S-sige po bihis lang ako."

"Yes! At last makakalabas ka narin." Ruby

Di pa din kasi ako lumalabas. Kahit sa garden ng bahay. Di rin ako nagpapa init sa araw. At ito ang unang pagkakataong lalabas ako.

Pag akyat ko sa kwarto ay pumili lang ako ng isang asul na bestida at sapatos na puti. Tinilintas ko nalang yung buhok ko pagkatapos. Isa pa pala, marunong na akong gumamit ng cellphone. Tinuruan ako ni Ate Pia para daw kapag may problema, matatanong ko sa kanila. Binigyan narin ako ni Chard ng number nina Kuya pero di ko matawagan wala kasing signal sa Amansina.

Pagbaba ko ay naghihintay na ang dalawa sakin.

"Alam mo Dei minsan naiisip ko talaga kung tutuong mula ka sa bundok. Alam mo bang ang galing mo mag-ayos at magpairing ng damit?" Ate Ruby

"Salamat po."

"That dress suits you well. Bagay na bagay. Actually madami pang color nyan, papadala ko nalang dito. Ok?" Pia

"Salamat Ate."

Then lumabas mula sa kusina si Yaya Felly.

"Oh, may lakad ata kayo. Saan punta nyo? Baka hanapin kasi ni Chard si Deia sakin mamaya." Yaya Felly

"Sabihin mo nalang po na kasama namin kumain sa labas. Sige po Yaya, alis na po kami." Pia

New World With Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon