Tatlong araw na kaming magkakasama ng mga kapatid ko. Kasalukuyan kaming naghahanda dahil may pupuntahan daw kami. Eh ni hindi pa sumisikat ang araw. Ewan ko ba dito sa asawa ko. Ang daming alam!
"Saan ba kasi tayo pupunta? Pina paayos mo ko ng gamit tapos di ko naman alam kung anong dapat kong dalhin."
Lumapit naman sya at niyakap ako.
"Mahal ko, wag mo ng alalahanin yun. Dalhin mo lang yung essentials. Tapos ako na bahala sa iba." Chard
"Alam mo Dayo, kung hawak ko lang yung arnis ko, baka napukol ko na yun sa ulo mo. Ang dami mong alam na di ko maarok."
"At andami mo ring alam na salita na di ko maintindihan. Pwede taglish nalang, Mahal? Marunong ka naman diba?" Chard
"Marunong naman. Sige na sige na, mag-aayos pa ako ng gamit."
"Kunin ko muna si Mateo sa kanila... Namiss ko eh." Chard
"Baka nakakalimutan mo ako ang tita ni Mateo."
"Oh edi Tito nya ako, diba nga mag-asawa na tayo?" Chard
"Oo na. Ikaw na."
Paglabas ni Chard ng kwarto ay pinagpatuloy ko na yung pagliligpit ko ng gamit. Ilang sandali pa ay lumabas na ko at pinakuha nalang yung gamit namin sa kwarto. Doon ko naman sila nakita sa garden. Karga karga narin ni Chard si Mateo na tawa ng tawa dahil sa pagkikiliti nya dito.
Lumapit nalang ako kay Ate Anna na tahimik at nangingiti nalang din sa nakikita.
"Oh, anjan ka na pala. Ikaw nalang hinihintay namin. Nga gamit mo?" Ate Ana
"Nasa sasakyan na po." Sagot ko kay Ate pero nakapako parin ang tingin ko kina Cgard at Mateo
"Ang ganda at saya nila tingnan no?" Ate ana
"Oo nga po eh. Ang sarap siguro ng pakiramdam kapag nakita mong ganyang kasaya ang pamilya mo no?"
"Oo naman, lalo na kapag asawa at anak mo makita mong masaya at magkasama, lahat ng pagod at hirap na nararamdaman mo mawawala. Gusto mo na bang magka anak? Handa ka na ba?" Ana
"Ate naman."
"Deia, darating din ang araw na itatanong mo yan sa sarili mo, pangungunahan ko lang. Ngayon ba eh handa ka ng magka supling? Kasi ako sa nakikita ko ang asawa mo handang handa na, nananabik na nga." Ate
"Di ko po alam Ate eh."
"Wag mo nalang munang pwersahin ang sarili mo, darating ka din jan, ang isipin mo muna ngayon ang masaya nyong pagsasama, ang panginoong Bathala na ang bahala kung kailan nya ibibigay ang basbas sa inyo at kung kailan nya ibibigay ang supling na kukumpleto sa pamilya nyo." Ate
Napangiti nalang ako. Tama si Ate, darating din ang para samin, darating din ang panahong magiging handa ako para sa pamilyang pinapangarap ko.
"Oh, lapitan na natin sila ng maka alis na tayo." Ate
"Sige po."
Nilapitan naman namin sila.
"Alis na tayo?" Ate
BINABASA MO ANG
New World With Him [COMPLETED]
FanfictionSi Deia, ang binukot na naikasal sa isang binatang dayo na nagngangalang Chard. Paano makakayanan ng isang dalaga ang mabuhay sa bagong mundong nababasa lamang nya at napakalayo ng pinagkaiba sa mundong kinalakihan nya? At paano ihaharap ni Chard sa...