8

3K 168 7
                                    

"Bai, ito po ang inyong aya. Ako po'y pagpasensyahan sa pag estorbo ng inyong pamamahinga."

Minulat ko ang aking mata at nag-inat. Anong oras na kaya? Natagalan ata ang aking pagkaka idlip.

"Pumasok ka Lupe."

Pumasok si Lupe at hindi sya nag-iisa kasama nya ang aking mga kapatid na sina Ate Anna at Dayan kasama din ang pamangkin kong si Mateo.

"Naistorbo ba namin ang iyong tulog Bai?" Ang kapatid kong si Anna ang nagsalita.

"Wag nyo akong tingnan, kakagising ko lang at ang aking mukha'y di ka aya-aya."

Nagsitawa lang ang aking nga kapatid.

"Kailan ka ba hindi naging maganda Deia? Dayan, hawakan mo muna si Mateo at ako ang mag-aayos sa buhok ng ating kapatid."

Mabilis namang kinuha ni Dayan si Mateo.

"Lupe, maari mo bang maabot sa akin ang mga husay ng Bai Deia?" Taning ni Ate kay Lupe

"Isang karangalang paglingkuran kayo Bai Anna."

Mabilis namang kinuha ni Lupe ang aking mga husay o adorno sa buhok at ibinigay sa aking nakakatandang kapatid.

"Salamat Lupe."

Sinuklay at inayos ni Ate Anna ang aking buhik at sa huli ay inadornohan ng gintong husay.

"Kapatid nga kita, pareho tayong maganda."

"Bat kayo lang? Ako'y kapatid nyo din Ate." Reklamo naman ni Dayan.

"Lahat ng anak ng Datu ay maganda, walang duda yan Dayan. Tama ba ako Lupe?" Baling ni Ate sa aking aya

"Pagpaumanhin nyo po ngunit para sa amin si Bai Deia ang pinakamaganda Bai." Mabilis na sagot ni Lupe na ikinatawa naming magkakapatid

"Tunay na tapat kang tagasunod ng aking kapatid Lupe ngunit ika'y tama. Si Deia ang pinakamaganda sa amin."

Nagtawanan kami ulit. Nabaling ang tingin ko sa aking pamangkin.

"Ilang buwan din kita nais makita, sana'y ganoon ka din pamangkin kong sinta. Alam mo bang puso ko'y lubos na nangulila, mga magulang mo saki'y nilayo ka. Sana sa iyong paglaki ako'y di makalimutan, dahil siguradong puso ng Baing itong masasaktan. Ngayon na ba pamangkin ko'y maari ko ng hagkan?"

Ipinasa sakin ni Ate Dayan si Mateo.

"Ako ba'y iyo pang kilala?
Pangalan ko'y Bai Deia.
Mga ngiti mo'y di ko nakakalimutan,
alam kong ngayon aking masisilayan."

Marahan kong kiniliti ang bata at ako'y lubhang nabigla. Ngiti nya lang noon sa aki'y nagpapangiti pero ngayong halakhak na nya ang aking naririnig puso ko'y parang lumilipad na sa langit.

"Tumatawa na sya Ate!"

"Oo Deia, noong huling kita mo'y ngumingiti palang sya."

"Ambilis mong lumaki Mateo. Baka sa susunod na balik mo'y naglalakad ka na!"

Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Alam kong buwan na naman ang bibilangin bago sila makabalik ulit. At maaaring sa panahong iyon ay di na talaga ako makilala ng pamangkin ko.

"Bai, pangako kong dadalaw kami sa iyo lagi kapatid ko. Ipinapangako ko sa ngalan ni Bathala."

Napangiti ako sa tinuran nya.

"Hanggang kailan kayo dito magbabakasyon Ate?"

"Babalik na sa patag si John sa susunod na linggo pero kami ni Mateo ay magtatagal pa ng isang buwan. Hindi pwedeng wala kami sa iyong kaarawan Bai. Maaring sumabay kami sa pagbalik ni Niko sa patag."

New World With Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon