Hapon na ng dumating kami sa village kung saan ako nakatira. Andoon na ang driver ko at si Yaya Felly, ang yaya na parang naging pangalawang magulang ko narin.
"Sa bahay ko nalang ipapaliwanag sa inyo Ya."
Nagpaalam na ko kina Kuya Jose at Kuya Wally. Next time ko nalang daw sila pakilala kay Deia. Inalalayan ko si Deia sa pagbaba at kinarga hanggang sa pagpasok ng sasakyan nakatulog na kasi sa byahe dahil siguro sa pagod, sa lahat ba naman ng nangyari sa buhay namin kanina.
Walang sino man samin ang kumikibo. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hinatid ko muna sya sa kwarto nya at hinayaang magpahinga tapos ay bumaba na ko para harapin si Yaya Felly.
"Nak? May gusto ka bang kainin?" Yaya
"Kape lang po Ya."
After niyang maghanda ng kape ay naupo kami sa garden sa labas. Kinuwento ko sa kanya ang buong storya namin ni Deia, umiiyak pa nga sya eh.
"Ano ba namang kwento yan, pang Magpakailanman naman anak." Yaya
"Kaya nga po Ya eh pero mahal ko po si Deia, kaya inuwi ko sya dito."
"Alam mo anak hindi ko alam kung magiging masaya ba ako sayo kasi at last nakita mo na ang taong mamahalin mo habangbuhay o di kaya malulungkot ako dahil mukhang masusubukan ang pasensya at pagmamahal mo jan sa asawa mo." Yaya
"Ya, kahit anong mangyati hinding hindi ko pababayaan ang asawa ko at hinding hindi ako susuko sa kanya."
Napangiti ang yaya ko and i can see na super proud sya sakin.
"Yan ang alaga ko. Pero alam mo Nak, ang ganda ng asawa mo. Sigurado ka bang sa bundok galing yan eh ang puti puti at ang ganda ng itsura." Yaya
"Oo nga po Ya. Prinsesa eh tsaka hindi pa po yan tumatapak sa lupa, kaya nga po kanina kinarga ko eh. Bato at kawayan palang natatapakan nga."
Napatayo ng bigla si Yaya. Mukha atang may naalala ng pigilan ko sya.
"Sandali at ikukuha ko sya ng malambot na tsinelas ng kapatid mo, yung iniwan nya dito noon." Yaya
"Ya, sana po kung ano man ang turing nyo sakin ganoon din po sa asawa ko ah. Magiging mahirap po to sa ating lahat dito pero sana po pagpasensyahan nyo nalang muna sya."
Yaya Felly touched my fave and said:
"Anak, di mo na kailangang hilingin sakin yan. Basta mahal ng alaga ko, mahal ko. Ako na bahalang magsabi sa iba. At sa nakita ko mabait naman si Deia, sadyang may pinagdadaanan lang kaya ganoon." Yaya
"Sige po Ya, kapag po nagising sya pakisabi nalang po na may pinuntahan lang ako saglit. Babalik po ako agad paki silip silip lang po si Deia sa kwarto."
"Akong bahala sa asawa mo Nak. Sige na ingat Chard." Yaya
Umalis na ko at dumiretso sa opisina ng mga pinsan kong sina Ate Ruby at Ate Pia. Nabigla pa nga sila dahil hinding hindi ako dumadalaw sa opisina nila, nasa clothing line business kasi sila. Both designers eh.
"Anong nakain mo at napadpad ka dito?" Ruby
"Oo nga. Bago to Chard ah." Pia
"Eh kasi Ate may favor ako sa inyo eh. Pwede po ba?"
"Depende sa favor." Pia
"I need some clothes."
"For you? Akala ko ba once a year ka lang bibili ng damit?" Ruby
"No not for me but for Deia. She needs clothes, or everything a woman needs."
Napataas ng kilay ang dalawa habang nakatingin sakin.
BINABASA MO ANG
New World With Him [COMPLETED]
FanfictionSi Deia, ang binukot na naikasal sa isang binatang dayo na nagngangalang Chard. Paano makakayanan ng isang dalaga ang mabuhay sa bagong mundong nababasa lamang nya at napakalayo ng pinagkaiba sa mundong kinalakihan nya? At paano ihaharap ni Chard sa...