64

3K 149 60
                                    



Napakamisteryoso ng buhay, napaka misteryoso ng pag-ibig.

Parang kami ni Chard. Sino ang mag-aakalang ang isang binatang tulad nya ay tutungo sa isang napaka layong bayan na minsan ng napag-iiwanan ng sibilisasyon at sa huli ay babalik ng patag na may kasama ng asawa?

Sino ang mag aakalang ang isang Baing hindi naaarawan at nakakalabas upang makisalamuha sa kanyang mga kababayan ay makikilala ang isang Dayo na siyang magiging dahilan upang mabali ang tradisyong kanyang pinaniniwalaan, lisanin nya ang bayang kanyang kinalakhan at pumunta ng patag?

Madami kaming pinagdaang dalawa. Nagkita, nahulog sa isa't isa, hinarangan ang namumuong pag-ibig ng tradisyong parte na ng buhay nila, muntik ng makasal sa iba, pinaglaban ang pag-ibig kahit ayaw ng isa, tumirang magkasama sa bagong mundo labis ang pinagkaiba sa kinalakhan, hindi nagpansinan hanggang sa tadhana at panahon na mismo ang nagtakda na hilumin at limutin na ang sakit ng nakaraan at harapin na nag buhay ng may saya at magkasama.

Pero akala ko ok na, masaya na. Nagkaintindihan na, napuno na ng pag-ibig ang puso ng bawat isa, hanggang sa dumating pa ang  dalawang anghel na mas lalo pang nagpadagdag ng saya, kulay at pag-ibig sa mga buhay namin.

Akala ko ok na lahat, akala ko wala ng hahadlang pa sa aming saya. Pero eto ako ngayon, nakatulala at nakatunghay sa kabaong ng aking asawa. Hindi makausap ng iba, hindi makakain sa sobrang sakit na dulot ng pagkawala nya. Tumitingin sa pamilya at kaibigan naming isa isang naglalagay ng puting bulaklak sa taas ng kabaong...nya.

Doon na muling nagsipag unahang tumulo ang aking mga luha. Ang sakit...  Ang sakit isipin na ang kaisa isang taong mahal mo at nagmahal sayo ng buo ay wala na, di ka na mayayakap, di  na mahahalikan. Yung lalaking ipagluluto ka at dadalahan ng agahan sa umaga, magpapaalala sayong importante ka, mag-aalaga sayo, at araw araw na magsasabi sayong ikaw nag mundo nya. Wala na, wala na sya...

"Anak..." Dad

Iniabot sa akin ni Dad ang isang tangkay ng puting rosas.

"Dad di ko kaya... Dad ayoko..." Iyak ko kay Daddy

"Anak please..." Dad

"Daddy hindi ko kaya, hindi ko kayang wala sya. Hindi ko kayang wala yung asawa ko,... yung ama ng mga anak ko. Dad, ayoko Dad. Dad ayoko... Dad, si Chard.... dad ayokong iwan nya ako, ayokong iwan nya kami. Dad di ko kakayanin. Kailangan sya ng nga anak namin. Kailangan ko sya Dad. Kailangan ko si Chard..."

Naramdaman ko nalang yung pagyakap sakin ni Daddy.

"Dad ang sakit... Dad. . . Dad ang sakit sakit... Ayoko ko narin Dad. ... Ayoko na nito.... Please pigilan nyo tong sakit Dad... Hindi ko na kaya...."

"Anak, hindi ko alam kung paano ko mapapagaan ang pakiramdam mo. Hindi ko alam kung paano ko aalisin yung, sakit jan sa puso mo, pero anak kailangan mong kayanin to, kayanin mo para sa mga anak mo." Umiiyak naring sabi sakin ni Dad

"Dad paano ko haharapin yung bukas na wala ang asawa ko. Paano ko sasabihin sa mga anak? Paano kami ng mga anak ko ngayong wala na sya? Dad, Paano ako mabubuhay gayong sya yung buhay ko?"

"Anak ko... Lahat nasasaktan na. Alam kong kung masakit sa amin to, doble ang sakit ng nararamdaman mo pero anak, tandaan mo nanjan pa si Uno at Dahlia, Dei kailangan ka rin nila. Kailangan nila ang mommy nila. Anak, kailangan mong maging matatag para sa mga anak mo. Hindi ka namin pababayaan. Hindi ka namin hahayaang mag-isa. Mahal na mahal namin kayo."

"Chard... Mahal ko..." Iyak ko nalang habang yakap ko si Daddy.

Inalalayan ako ni Dad hanggang sa tabi ng kabaong nya. Mabigat at halo di ko kayang ihakbang ang mga paa ko palapit sa kanya. Halos madurog narin ang tangkay ng bulaklak na hawak ko ngayon.

"D-da-dad, g-gu-gusto ko makita ang asawa ko. Gusto ko siya makita ka-kahit huli na. Dad, buksan nyo to. Dad gusto ko makita ang asawa ko."

Pumikit ako habang naririnig na binubuksan nila ang kabaong ng asawa ko. Kahit isang beses ay di ako yumingin o dumungaw manlang dahil hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita ang asawa kong wala ng buhay sa loob noon.

Huminga ako ng malalalim bago ko buksan ang aking mga mata, napakagat narin ako sa labi kong nanginginig na sa pagpigil ko ng aking hahulgul. Peeo ng dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko ata nakita ko ang nakapikit kong asawa ay di ko na nakayanang pigilan pa.

"Mahal.... Chard naman eh.... Mahal bakit naman ganoon, bakit ang bilis naman Chard... Bakit ganoon ka kabilis mawala sakin... Mahal hindi ako handa.... Mahal ang saya na natin eh. Ok yung pamilya mo, ok ang pamilya ko, may Dahlia at Uno na tayo. Diba madami pa tayong plano? Uuwi pa tayo ng Amansina diba? Diba gusto mo pang makita si Apo Sarang, gusto mo pa ulit makaakyat sa mg apuno doon? Diba gusto mo pang madala ang mga anak natin doon? Ang dami pa nating gustong gawin ng magkasama diba?  pero bakit ganito? .... Chard bakit ganito?.... Bakit mo kami iniwan Chard? Bakit mo kami iniwan Dayo... Ang sakit sakit Dayo....  di ko na kaya.... Ang sakit sakit eh..."

Di ko na napigilan ang sarili kong yakapin ang kabaong nya, at doon umiyak ng umiyak....

"Mahal........ Chard........"

"Anak tama na... Kailangan na nilang ibaba si Chard." Dad

"Hindi..... Hindi.... Ayoko Dad... AYOKO!!!! CHARD!!!!" Siagaw ko habng niallayo ako ni Dad sa kabaong ng asawa ko.

"Anak oras na." Dad

"HINDI!!!!! AYOKO!!!!! CHARD AYOKO!!!!! MAHAL!!!!!" Iayk ko sabay pagpupumiglas ko sa hawak nina Dad at ngayon pati na si Kuya Niko

"Deia, tama, ... Please na..." Sabay yapos ni Kuya sakin.

Wala na akong magawa kundi umiyak nalang at tawagin ang pangalan ng taong pinakamamahal ko habang tinutunghayan itong binababa na.

"Chard.... Mahal...."

"Anak tama na..." Daddy

Umiling iling nalang ako habng umiyak hanggang sa di ko na makita ang akabaong ng asawa ko...

"CHARD!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

-Z💛

New World With Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon