16

3K 165 15
                                    

Payapa akong nakatulog ng dalawang gabi. Walang kahit anong balita tungkol sa hunghang na Migel na yun.

Nasa silid ko ako ngayon, walang ginagawa kundi tumunganga sa bubung ng aking balay.

"Mahal na Bai, maari po ba akong pumasok?"

"Maari Lupe. May problema ba?"

Tanong ko kay Lupe ngunit nasa taas parin ang aking tingin.

"Nasa balon na po ang mga sisidlan mahal na Bai, ipapahanda ko na po ba ang iyong duyan?"

Napaupo ako ng wala sa oras. Nakaligtaan kong magsasalok pala ako ngayon.

"Paumanhin Lupe, ako'y nakalimot!"

Napangiti lamang ang aking aya.

"Wala po kayong dapat na ipagpaumanhin Bai, ako'y nag palala lamang."

"Maari mo ba munang papuntahan ang Sagradong balon at ipasuri?"

"Akin na pong nagawa mahal na Bai, wala pong tao doon ngayon."

Tumayo na ko at naghanda.

"Ihanda mo nalang ang aking asul na patadyong Lupe pagkatapos ay maari mo na akong hintayin sa labas."

"Masusunod po."

Kinuha ni Lupe ang aking patadyong at nilapag sa aking higaan.

Marahan kong hinaplos ang aking patadyong at naisip ko ang gabing aksidente kaming magtagpo ng Puting Dayo sa Sagradong Balon. Hindi ko ipagkakaila sa sarili kong may kunting puwang na nagsasabing sana'y akin syang masilayan muli.

Mabilis naman akong nagbihis at isinukbit ang aking kampilan bago lumabas sa aking silid. Bago kami lumabas ng bahay ay nilagay na ni Lupe ang aking talokbong.

Tahimik din ang paglalakbay namin ng aking grupo. Pagpasok ko palang sa bukana ng Sagradong Balon ay nakaramdam ulit ako ng kakaiba. Bumilis ang tibok ng aking puso ngunit hindi dahil sa kaba kundi sa kasiyahan. Nandoon sa kanyang pinagtataguan ang Puting Dayo. Tahimik na naghihintay sa aking pagdating.....




Hapon na at wala akong magawa dahil tulog si Samir. I was on my way to the tree where i consider as my new hang-out place when i saw Lupe. Deia's aya.

"May problema.  Lupe?"

"Wala po Ginoo, May pupuntahan lamang po Ginoo."

"Mukha ka kasing nagmamadali."

"Papunta po ako sa balay ng Apo Sarang. Kukuha po kami ng karagdagang sisidlan pagka't  kailangan na namang magsalok ng Bai sa Sagradong Balon mamayang gabi."

Na excite ako sa narinig. Mukhang makikita ko na naman ang Bai.

"Kailangan nyo ba ng tulong? Wala akong magawa ngayon."

"Naku! Baka ika'y mahirapan lang Ginoo."

"Kaunting gawain lamang yung pagbubuhat Lupe, gusto ko lamang na makatulong."

"Maari po kaming pagalitan ng Ginoong Niko pag nagkataon."

"Don't worry, i can handle him este, ako ang bahala sa aking kaibigang Ginoo."

"Kayo po ang bahala Ginoo."

Sumama ako kay Lupe. At nabigla ang lahat ng nakakakita sa aking may buhat buhay na sisidlan.

Di ko napansing napadaan na pala kami sa harap ni Niko dahil sa masayang pakikipagkwentuhan ko sa aking nga kasama.

"Hoy Faulkerson ano yan?"

"Jar?"

"Alam ko pero bakit ka nagbubuhat jan?"

"Hoy, wag ka magalit sa kanila. Ako yung nag insist. Tulog si Samir eh, wala naman akong magawa kaya when i saw Lupe, i asked her if i can help. So, eto."

"Ibigay mo na yan sa kanila. Samahan mo kong gisingin si Samir ng makagala tayo doon sa kakahuyan. Mas madami kang punong maakyat doon."

"Hatid ko lang to."

"Kami na pong bahala diyan Ginoo. Marami pong salamat sa tulong."

Binaba ko naman sa lupa ang sisidlang dala ko ng nagpaalam na kina Lupe at sumunod na kay Niko.

"Alam mo minsan ang KJ mo."

"Ako pa talaga ang KJ? Ano na pumasok jan sa utak mo yun ang pinanggagawa mo?"

"Wala lang. Naging good citizen lang at tumulong. May masama ba doon?"

"Malaki talaga problema mo kapag walang ginagawa no? Ba't di ka tumalon doon sa taas ng punong tambayan mo?"

"Bat ang harsh mo?"

"Lika ka na nga."

Sumulyap muna ako sa bahay ng Bai bago umalis. Buong happn kaming naggala sa kakahuyan ng Amansina. Kaya pagdating ng gabi ay bulagta na naman si Sam.

Sinagawa ko na ang aking plano. Habang palakad ay  nakasalubong ko ang mga bantay ni Bai papuntang Balon.

"Ginoo, magandang gabi po."

"Magandang gabi din po sa inyo. Saan po kayo galing?"

"Pumunta lang po sa Sagradong Balon para magmanman Ginoo, para narin po sa kaligtasan ng Bai."

"Ganoon ba? Sige po, ako'y magpapahangin lamang dito."

"Sige po  Ginoo, kami po'y hahayo na."

Pag alis ng mga bantay ay madalian akong pumunta sa Sagradong Balon at tahimik na naghintay sa Baing Binukot...

New World With Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon