Nasa balay ngayon ng Babaylan ang Datu para humingi ng gabay. Kakatapos lang ng kanilang hapunan at umuwi na ang Bai sa kanyang balay. Ang mga Dayo nama'y kasama ng kanyang tagapagmana at nagpapahangin.
"Nakarating sa akin ang nangyari kanina sa iyong balay Datu. Alam kong alam mo ang galing ng iyong anak ngunit bakit wari ko'y ika'y nagduda pa sa kanya Datu?"
Nagtatakang tanong ni Apo Sarang.
"Hindi po ako nagduda sa kanyang kakayahan Apo. Sadyang tinikis ko lang ang kanyang lakas."
Tumango lamang ang Babaylan sa tinuran ng Datu.
"Ngunit gayunpaman hindi parin ako mapakali Apo. Hindi ko hahayaang may hindi magandang mangyari sa aking Anak."
Nagpabalik balik ng lakad ang Datu habang kalmadong nakaupo lamang sa kanyang harap ang Babaylan.
"Alam ko aking Datu, matagal na kitang binalaan patungkol dito. At matagal ko naring nasabi sayo ang maaaring maging sagot sa inyong problema."
Natigil sa paglakad ang Datu at umupo na sa lapag .
"Ginawa ko naman na iyon Apo. Hinayaan kong malayo sa akin ang aking mga anak at pumunta sa patag. Lahat sila'y yumakap na sa pagbabagong inyong sinabi. Binuksan ko narin ang ating bayan sa pagbabago ngunit bakit nagkakaroon parin ng banta sa buhay ni Deia?"
"Lahat ba talaga sila aking Datu?" Sagot namang ng babaylan
Napaisip muna ang Datu bago sumagot sa babaylan.
"Alam mo ang tradisyon natin Apo. Hindi maaring pati si Deia."
"Alam ko."
"Ngunit ano, Apo?" Tanong ng nagtatakang Datu
"Maaaring hindi yun ang pagbabagong ibig sabihin ni Bathala Datu."
"Anong ibig nyong sabihin Apo?"
"Maaring ang pagbabago ay hindi dapat hanapin o puntahan Datu, dahil kusa itong darating."
"Kusang...."
Napatigil sa kanyang pagsasalita ang Datu at may naalala.
"Ang mga dayo ba ang tinutukoy nyo?"
"Maaring Oo, maaring hindi Datu. Maraming plano ang Bathala sa atin, alam kong hindi nya ipapahamak ang Bai, tadhana Datu, tadhana ang magliligtas sa ating Bai sa labis na kapahamakan."
"Ako'y lubos pang naguguluhan Apo ngunit nagtitiwala ako sa inyo at kay Bathala."
"Magtiwala ka lang Datu. Hindi gagawa ng ikakapahamak ng kanyang mga tagasunod ang ating Bathala. Kung ano man ang pagbabagong nais nya, isa lang ang masisiguro ko, may malaking parte dito ang Puting Dayo."
BINABASA MO ANG
New World With Him [COMPLETED]
FanfictionSi Deia, ang binukot na naikasal sa isang binatang dayo na nagngangalang Chard. Paano makakayanan ng isang dalaga ang mabuhay sa bagong mundong nababasa lamang nya at napakalayo ng pinagkaiba sa mundong kinalakihan nya? At paano ihaharap ni Chard sa...