18

3.1K 171 8
                                    

Pagdating ng Bai sa kanyang balay ay patakbo syang pumasok sa kanyang silid at nagkulong.

Labis itong ikinabahala ng kanyang aya.

Tahimik na umiiyak ang Bai, mag-isang dinaramdam ang sakit sa kanyang puso. Walang mapagsabihan ng kanyang pinagdadaanan.

"Bai, ako po'y nababahala. May nangyari po bang hindi maganda kanina sa Balon?"

Umiiyak lang ang Bai. Nakasalampak sa sahig at yakap yakap ang mga tuhod.

"Mahal na Bai, maari po ba akong pumasok?"

Bakas sa boses ng butihing aya ang pag-aalala.

"Si Ate Anna... Si Dayan... Gusto kong makausap ang aking kapatid..."

"Kayo po ba'y umiiyak Bai? May masakit po ba sa inyo?"

"Sina Ate, Lupe kailangan ko ang aking mga Ate. . ." Ngayo'y dinig na sa tahimik na balay ang iyak ng naghihinagpis na Bai.

"Tatawagin ko po sila. Aking Bai, sa lalong madaling panahon po."

Mabilis na tumakbo si Lupe papunta sa balay ni Bai Anna. Malaking pasasalamat nynag pati si Dayan ay nadatnan nya doon.

"Anong problema at ika'y mukhang nag-aalala Lupe? May nangyari bang masama sa kapatid ko?" 

Natatarantang tanong ni Anna sa aya ng kapatid.

"Paumanhin ngunit hindi ko rin po alam Bai. Pagdating po namin mula sa pagsasalok ay balisa na po sya at patakbo lamang po syang pumasok sa kanyang silid at nagkulong."

"Balisa at Nagkulong?" Nag-aalalang sambit naman ni Dayan. Alam nilang hindi nagkukulong ng ganoon ang kapatid nila.

"Opo Bai, noong una'y tahimik lang po sya ngunit dahil sa pag-aalala ko di'y nagtanong na po ako at doon ko na po syang narinig na umiyak Bai. At nagsusumamo po syang sunduin ko kayo. Natatakot po ako para sa aking alaga Bai."

Halos umiyak narin ang aya sa harap ng mga kapatid ni Deia.

Humarap nalang si Anna sa asawa na tumangu lamang. Patakbong tinahak nila ang balay ni Deia at mabilis na tinahak ang silid ng bunsong kapatid.

"Deia! Mahabanging Poon!"

Naitakip ng nakakatandang kapatid ang kamay sa kanyang mukha sa pagka bigla. Hindi sila makapaniwala sa kanilang nakita.

Mabilis na niyakap ni Anna ang kapatid.

"Lupe, maari nyo ba muna kaming iwan? Kung maari'y umalis muna kayong lahat at magbantay sa malayo. Gusto naming kausapin ang kapatid namin."

Utos ni Dayan kay Lupe.

"Masusunod Bai."

Ng maramdamang malayo na ang mga tagapangalaga ay niyakap nila ang kapatid.

Nakaupo lang sa sulok ang Bai at naka titig lamang sa mga paa. Nahabag ang loob ng mga kapatid. Hindi pa ito nakakabihis mula sa pagsasalok. Basa pa ang patadyong nitong gamit at nasa bewang pa ang kampilan. Magulo na ang mga buhok nito at bakas sa mukha ang mga natuyong daloy ng luha. Ngunit ang kanilang labis na ikinabahala ay ang pananahimik nito at ang lungkot sa kanyang mga mata.

New World With Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon