54

4.1K 193 8
                                    

Deia's POV

Tatlong araw na ako dito sa ospital. Dalawang gabi naring walang matinong tulog pero ok lang. Makarga at mahagkan ko lang ang mga anak ko ay nawawala na ang antok at pagod ko. Di lang naman ako pero pati narin si Chard. Kung ako walang matinong tulog, ang asawa ko naman wala ng tulog tulog, ni ayaw nga mawala sa paningin ang mga anak nya lalo na noong sa kwarto ko na ang mga bata. Napaka hands on nya sa pag-aalaga di lang sa mga bata pati narin sakin.

"Mahal, lapag mo muna si Baby Uno, kain ka muna, nagprepare si Yaya Fe ng tinolang manok na may malunggay tapos may nilagang malunggay din jan. Maganda daw yan sa mga nagpapa breastfeeding." Chard

"Sige, saglit lang lapag ko lang si Baby Uno. Sweet dreams anak. Love you!"

Dahan dahan kong nilapag ang bata sa crib at umupo na sa tabi ng asawa ko. Pinaghain na nya ako ng pagkain at pinaglagay sa mangkok.

"Alam mo Mahal, pwede na akong umuwi. Ok narin naman pakiramdam ko, ok na ang mga bata, at ------" at bigla nya akong sinubuan ng pagkain. May pagka bastos! din tong asawa ko minsan eh.

"Tumigil.... Hanggang walang clearance nina Doc, di ka pa pwedeng lumabas ng ospital." Chard

"Eh kasi naman Mahal ka------" tigil ko ulit dahil sinubuan na naman ako ulit ng pagkain.

"Kahit sabihin mo pang kaya mo di pa pwede.... Hintayin nalang natin ang go signal nina Ate April." Chard

Eh paano naman kasi nabo bored na ko dito sa ospital. Kaya ko naman na at malakas na ko. Ang mga bata ok narin naman. Si Chard lang talaga ang ayaw eh. Baka nga sinabihan pa nito si Ate April na ipa delay muna ang labas ko dito sa ospital.

"Mahal naman kasi na------" napatigil ako ng hinalikan na nya ako. Ikaw kaya halikan ng asawa mo di ka titigil sa pagsasalita? Pero talagang bastos! to minsan eh di ako pinapatapos!

"Ok ka na? Di ka pa lalabas. Period. Tapos ang usapan. Kapag nagpilit ka pa di lang yan gagawin ko sayo." Chard

Eh di na ko umimik natakot na ko. Tumayo naman sya at pinagkuha ako ng nilagang malunggay na nagsisilbing juice ko.

Bigla namang naiyak ang isa sa kambal, tatayo na sana ako para kunin ang bata ng pigilan nya ako.

"Finish your food, ako na bahala."

Edi finish my food. Kita ko namang dahan dahan nyang kinarga si Dahlia at hinalikan sa noo. Tiningnan pa nya si Uno bago bumalik sakin.

"Anong kailangan ng Bai ni Daddy? Bakit iyak ang mahal kong Bai?" Napangiti ako sa sinambit ni Chard.

"Bai talaga? Wala naman tayo sa Amansina diba?" Tanong ko sa kanya

"Eh kasi diba Bai means Princess? Dahlia is a Princess, she's our Princess. Besides gusto ko ding ipakilala sa kanila ni Uno yung pinanggalingan mo. Yung kulturang kinagisnan mo. Gusto ko kahit dito sila sa siudad lumaki, nasa isip at puso parin nila ang Amansina. Kasi parte ng pagkatao at pamilya natin yun." Sagot ni Chard sa tanong ko habang pinapatulog ulit ang anak namin.

Nakatingin lang ako sa asawa ko. Alam kong mahal nya ako pero yung di matawarang pagmamahal nya sa kung ano ako at kung saan ako nanggaling ay mas nagpatatag at nagpalalim ng pagmamahal ko sa kanya. Di ko inakalang sasabihin nga yun sakin at lalo na sa mga anak namin.

"Oh, kapag ako natunaw jan sa tingin mo mawawalan ka ng poging asawa. Sige ka." Biro nya

"Sige, magbuhat ka ng sarili mong bangko Mahal." Sagot ko naman sa kanya.

"Bakit di ba totoong pogi ako?" Chard

"Aba! fishing for complements Dayo?"

"Yan tayo eh. Sa pagsama sama mo kina Ate pati yan natututunan mo eh." Chard

"Eh sino ba nagsabi na sumama ako kina Ate para matuto ako?"

"Ako!" Chard

"Oh bat sakin mo sinisisi? Ikaw diba?"

"Ah..... Hay... Oo na. Wala na akong sinabi." Pagsuko nya.

Nilapag ko muna ang pagkain ko sa lamesa at lumapit sa kanila ni Dahlia. Niyakap ko sila at hinalikan ang anak ko.

"Salamat."

Napangiti naman sya pero nakakunot ang noo na parang naguguluhan sakin.

"Para saan naman?" Tanong ni Chard. Sinandal ko muna yung ulo ko sa balikat nya habang yakap ko parin sila.

"Alam ko paulit ulit na ako pero Salamat kasi anjan ka para sakin, para sa mga anak natin. Salamat kasi di ka nagsasawang iparamdam samin ang pagmamahal at suporta mo. Salamat kasi kung di ka dumating sa buhay ko di ako nagiging ganito ka saya ngayon."

Gumalaw naman sya at ipinasa ng maingat sakin si Dahlia tapos ay umikot sya sa likod ko bago kami niyakap ng anak namin.

"Alam mo namang lahat gagawin ko para sayo at ngayon, lahat gagawin ko para na sa inyo ng mga anak natin. Mahal, sa inyong tatlo na ng mga anak natin umiikot ang mundo ko, kayo na ang buhay ko, kaya hindi mo kailangang magpasalamat. Bilang asawa mo, at ama nila, responsibilidad ko tong lahat. Ang ibigay ang mga pangangailangan nyo, alagaan kayo at iparamdam sa inyo ang buong pusong pagmamahal ko. Mahal na mahal na mahal ko kayong tatlo at di ako kumpleto kung wala kayo. Ok? I love you." Chard then kissed me before i can answer him.

"I love you too, Mahal." Sagot ko nalang sa kanya pagkatapos

"I love you Bai Dahlia." Chard said sabay halik kay Dahlia

"I love you anak." Sabi ko sabay halik sa tulog na si Dahlia ng bigla namang umiyak si Baby Uno.

"Mahal si Uno."

Mabilis pero maingat naman nyang kinuha si Uno sa crib at lumapit samin ni Dahlia.

"Di daw pwede na wala ding i love you si Ginoong Uno, mahal. I love you Anak." Chard kissed our son

"I love you, Uno kong Ginoo." Sabay halik ko din sa anak namin.

Nagkatinginan nalang kami ni Chard at napangiti sa isa't isa. Ngayon ko naisip nag sinabi ni Apo noon. Tama nga sya. Madami kaming pinagdaanang pagsubok pero heto kami masaya sa piling ng isa't isa at ngayon ay may mga anak ng kasama.




Pasensya na po hanggang dito nalanv talaga ang kaya ng utak ko ngayon.

Wala talagang maisip eh. Sana po ok na to sa inyo. Hay....

Saba po nag enjoy kayo kahit papano.

-Z💛

New World With Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon