23

4.2K 211 15
                                    

"Anong ibig sabihin nito?"

Yun ang mga katagang umalingawngaw sa loob ng balay ng Datu Deo. Boses iyon ni Migel.

"Hindi na magpapakasal si Deia sayo Migel. Maari ka ng umalis."

"Hindi ako aalis sa bayang ito ng hindi ka dala Deia. Ako ang magiging asawa mo. Akin ka!"

"Huli ka na Migel. Wala kang karapatang angkinin ang Asawa ko."

"Pinagpalit mo ko sa tagapatag na ito Binukot? Isa kang hangal! Binali mo ang tradisyon para sa sarili mong kasiyahan? Wala kang kwentang Binukot!"

Hindi nakapagpigil si Chard. Mabilis nyang kinuha ang kampilan sa isang kawal at tinutukan sa leeg ang lapastangan Ginoo.

"Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyan ang asawa ko Ginoo. At wag na wag kang magkakamaling gumawa ng kahit na anong hakbang na makakasakit sa kanila dahil kunting galaw mo lang babawian kita agad ng buhay ngayon din."

Tumawa si Migel ngunit bakas ang takot sa mukha nito.

"Anong alam ng tagapatag sa pakikidigma? Wala kayong karanasan sa pakikipaglaban."

"Wag mo kong subukan Migel. Hindi ako magdadalawang isip na itarak sa leeg mo ang kampilang ito. Umalis kayo ng mga kasama mo."

"Aalis ako ngunit babalik ako para maningil Dayo."

"Wag mo nang naisin Migel. Hindi ko hahayaang mangyari yun."

Umatras na ang mga kasama ni Migel. Mabilis namang kinuha ni Niko ang kampilan sa mga kamay nito. Isabg malutong na sampal naman ang narinig sa buong silid. Hindi nakahuma si Chard sa nagawa ng asawa.

"Eto ang sinasabi ko sayo! Dapat hindi mo na ginawa to!" Pabalik balik at galit na sambit ni Deia

"Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko Deia."

"Tapos?  paano kung tutuhanin ni Migel ang banta nya sa Amansina?" Nag-aalalang tanong ni Deia

"Hindi ko hahayaang mangyari yan."

Maya maya ay nakarinig nalang sila ng mga ingay ng sasakyan sa labas.

"They're here."

"Hoy Richard Faulkerson Jr., alam mo bang halos habulin ako ng baril ng asawa ko kaninang tumawag ka? Patulog na pamangkin mo ayun nagising!"

"Sorry Kuya, kailangan lang talaga eh. Who's with you?"

"Anong nangyari jan sa mukha mo?"

"Wala to kuya. Wag mo nalang pansisin."

"Na grant na ng Tito Sen yung request mo na magpabantay ng Military sa border ng Amansina. Katakot takot na explanation pa pinagdaanan ko kay Tito Sen. Jusmiyo."

"Thanks Kuya Ry."

"Kuya Ryan!" Mabilis na niyakap ni Niko ang binata.

"Nick! Ang ganda pala talaga dito sa inyo. Mabuti ako tinawagan nitong si Chard. Na process ko agad kay Tito Sen yung kailangan nya. Tito even said na if you need additional help he's willing to send more."

"Kuya Ry, i want you to meet my Family. Ang aking Ama at Ina, sina Datu Deo at Dama Mayana. Ang aking mga kapatid sina Bai Anna, Dayan, at ang aking bunsong kapatid si De-an. At ang kapatid kong dating Binukot si Deia."

Yumuko para gumalang si Ryan sa mga kaharap.

"Kinagagalak ko pong makilala kayo. Ako si Ryan, pinsan nitong si Chard. Pinadala po ako ng Tiyo namin para mag-abot ng tulong seguridad para sa inyo. Isang karangalan po ang makaharap kayo."

New World With Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon