66

4.1K 203 18
                                    

Someone's POV

Napuno ang puso ni Deia ng saya Pero mas namangha sya sa mga nakikita nya noong tinatahak nya yung daan papunta sa mahiwagang balon para sa ritwal ng paglilinis. May paaralan paaralan na at clinic para sa kanyang nga kababayan.

"Project ni Chard lahat ng to. Malaki ang naging tulong nya sa lahat ng mga taga Amansina. Ngayon may dalawang palitang teachers at doctors dito na nagpapalit every 2 weeks. May mga sundalo ring nagbabantay kaya safe na safe ang lahat." Ana

"Eh si Apo Sarang po? Kamusta na sya?" Deia

"Ayun masayang masaya. Nagtutulungan sila ng mga doctor dito, for alternative medicine. Tsaka malakas parin, kaya pa ngang magpatumba ng isang kalabaw si Apo." Niko

"Kuya naman eh." Deia

"Sina Ama at Ina po?" Chard

"Nasasabik ng makita ang mga apo. Pasensya na pero hindi kayo ang hinihintay nila kundi ang Bai at Ginoo." John

Ng malapit na sila sa sagradong lugar ay napansin nila yung kubo na sarado na at may mga tagasilbi ng naghihintay.

"Lupe!" Sabay yakap ni Deia sa tapat na kanyang tagasilbi.

"Bai! Hanggang langit po ang aking kasiyahan na ikaw aking pong masilayan muli. Ako po'y labis na nag-aalala sa inyo. Salamat sa mahabaging Bathala at kayo'y nakabalik ng maayos." Iyak na sambit ni Lupe sa kanyang Bai

"Wag ja ng mag-alala Lupe, maayos ang aking buhay sa patag. Salamat sa pag-aalala at panalangin." Pagyakap no Deia sa tagasilbi

"Pagpasensyahan nyo na po ang inyong aya Bai, akoy labis lang na nasiyahan sa inyong pagbabalik." Lupe

"Lupe, may ipapakilala ako sa iyo. Lupe si Chard, asawa ko. Masaya na kami ngayon at wala ka ng dapat ipag-alala pa sa aming sitwasyon at eto naman ang aming mga anak, sina Bai Dahlia at Ginoong Uno." Deia

Mas lalong napaluha ang aya ng makita ang mga anak nina Deia at Chard.

"Di po ako makapaniwala mahal na Bai, alam mo bang ganito ka palang kaliit noon ng ika'y una kong matamdan at maalagaan? Ngayon, mga anak mo na ang aking nasisilayan." Iyak ni Lupe.

"Alam ko at labis kong pinapasalamatan ang lahat ng aruga at pagmamahal mo sa akin Lupe. Sana habang andito kami ay ganoon din ang pag-aalagang igaqad mo sa aking mga anak." Deia

"Di mo na kailangang hilingin yan aking Bai. Iyo'y aking kusang ibibigay sayong nga supling ." Lupe

"Salamat Lupe." Deia

"Kayo po muna'y magbihis na, hinihintay po kayo ni Apo Sarang sa mahiwagang balon." Lupe

Nagsipag bihis na ang lahat. Tuwang tuwa naman sina Riza at April sa kanilang patadyong.

"Wow, this looks so great Ate! Ang ganda nito!" Riza

"This color looks good in me too. Kaya siguro noon eh magaling ka ng magpares pares ng damit eh dahil din dito. Ang gaganda talaga!" April

"Opo, pero si Lupe po talaga ang naghahanda ng lahat ng kailangan ko. Mula paggising ko hanggang sa pagtulog. Tuturo ko mamaya ang naging tahanan ko sa loob ng dalawampung taon." Deia

New World With Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon