11

3K 163 2
                                    

"Chard, kamusta na pakiramdam mo?"

"Nilalamig pa pero ok narin. Sinisipon narin pala."

Nakaupo ako sa sahig at nakatalokbong ng hindi ko alam kung ilang patong ng tela. Nilalamig ako ng sobra.

"Parating na si Niko. Kasama daw ang babaylan. Hindi si Apo Sarang dahil nasa balay daw ito ng Bai ngayon. May sakit din ata."

Biglang bumukas ang pintuan and here comes Niko with a babaylan. Isa sya sa mga nag-assist samin noong ritual of cleansing.

"Kamusta ang iyong pakiramdam Ginoo?" Tanong ng Babaylan sakin

"Sobra po akong nilalamig. Nananakit din po ang aking katawan at lalamunan. Sinisipon narin po." Binalot ko ulit ang sarili ko sa tela.

"Ang sabi sa akin ay nagpaulan ka daw kagabi, Ginoo."

"Hindi ko naman po sinasadyan. Nagpapahangin lang po ako ng maidlip ako sa taas ng puno. Paggising ko po ay umuulan na. Nabasa na ako ng pauwi na po."

"Ganoon ba, heto po inumin nyo. Mabisa po yan sa lagnat ay pananakit ng kayawan. Gawin nyong pamalit sa tubig na inyong iniinom para mas madali po kayong gumaling. Wag po kayong mag-alala, may pulot (honey) po yan kaya matamis."

"Salamat po."

Mabilis kong ininom  ang isang basong binigay nya. Para syang tea na may mint plus ang bango pa at matamis din. Thanks to honey.

"Kung maari po'y magpahinga po muna kayo at wag na munang bumangon."

"Masusunod po Babaylan."

"Mga Ginoo, ako'y aalis na, kailangan ko din pong puntahan si Apo Sarang sa bahay ng Bai."

"Salamay Alunsay." Paalam ni Niko sa Babaylan tapos ay bumaling na sakin.

"Salamat Nick."

"Saan ka ba galing kagabi ha? Sabi ni Sam wala ka daw kagabi pagising nya?"

"Im ok Nick."

"May Ok bang ganyan Chard?" Sabi naman ni Sam

"Di kasi ako makatulog kagabi kaya nagpahangin ulit ako sa labas. Eh napakapresko at payapa kaya ayun nakatulog ako sa taas ng puno. Doon narin ako naabutan ng ulan."

"Hay naku Chard. Talagang nagsabay pa kayo ng kapatid ko. Ayun may sakit din."

"May sakit ang Bai? Bakit?" Tanong naman ni Sam

"Nagsalok daw kasi ng tubig sa Sagradong Balon kagabi. Naabutan daw ng ulan habang pauwi na sila kaya ayun nagkasakit rin. Nakakita rin si Lupe ng kunting pamumula sa kanyang braso, nabangga daw kasi nya yung isang sisidlan dahil nalaglag daw nya yung saluk nya. Yun ang sabi ng nagbalita sa aking mga magulang kanina."

"Wala ba syang kasama doon?" Chismoso talaga tong si Samir eh

Nayuko lang ako pero kinakabahan at nag-aalala din ako sa lagay ni Deia. Binalot ko nalang yung sarili ko ulit sa tela.

"Meron pero nasa kubo. Hindi kasi maaring may makasama si Deia sa pagsalok. At dapat walang makakita sa kanya. Wala kasi syang talokbong. Tanging patadyon lang kanyang sinisuot kapag nagsasalok."

Naalala ko naman ang kanyang suot kagabi. She's wearing a violet colored patadyong made of satin na isang dangkal nalang ata ay nakalapat na sa lupa and it is neatly tied in her left shoulder. Napaka puti nya.

"Ang ganda siguro ng kapatid mong yun Nick. Seeing your other sisters, im sure."

"Oo, pero iba si Deia. Kung maganda na si Ate Anna at Dayan, ilang daang beses pang mas maganda ang bunsong kapatid kong babae." Proud na sabi ni Nick

New World With Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon