Tahimik akong nagsasanay sa paggamit ng arnis ng may naramdaman akong dumating. Maaring mga kapatid ko ang dumating dahil diretsong umakyat ang mga ito sa hagdan at nagdadabog.
May dalawa kasing palapag ang aking balay. Ang sa ibaba ay tanggapan ng mga bisita, kainan at altar. Sa ikalawang palapag ay ang aking silid aralan, sanayan at silid. Tanging pamilya ko lang at nga tagasilbi ang nakakaakyat sa ikalawang palapag ng aking balay.
Nagtago ako sa likod ng pulang kurtinang satin at hinintay na lumapit si Dayan. Malayo pa lamang syang langhap ko na ang amoy ng kanyang pabango. Alam kong ang kapatid ko yaon. Ngunit napangiti ako ng makita kong nakasunod si De-an.
"Bai,."
Napa ngiti ako.
"Hindi ako tumatanggap ng panauhin ngayon, ako'y nagsasanay Dayan."
Nagtinginan ang dalawa.
"Maari ba kitang makausap kahit sandali lang?"
"Ako'y nagsasanay sa paggamit ng arnis, Dayan at ayokong sayangin ang oras. Alam mo yan."
"Anong nais mong ituran Bai?"
Hinagis ko sa kanilang paanan ang isang arnis na nahablot ko sa gilid tapos ay lumabas na at hinarap sila.
"Maari naman siguro tayong mag-usap habang ako'y nagsasanay diba?"
Nakita kong nabahiran ng pag-aalangan ang mukha ni Dayan.
"Bai, alam mong matagal narin akong hindi nakapagsanay. Taon na ang bibilangin mula ng humawak ako ng arnis."
Kinuha ni De-an ang arnis at nakangising tumingin sa akin.
"Ngunit ako Bai, ako'y nananabik na patamaan ka ng arnis na aking hawak."
"Hindi ko alam na may pananabik karin palang nararamdaman sa paghawak ng arnis Ginoo. Sana nga'y matupad ang iyong pakay."
"Deia, ako'y kinakabahan sa inyo ni De-an. Maari bang maupo nalang tayo't magkwentuhan?"
"Maari kang magkwento habang kami'y naglalaban Dayan."
"Handa ka na ba Ate Deia? Kahit ika'y babae di kita uurungan."
"Hindi umuurong sa laban ang isang Ginoo De-an ngunit handang mamatay ng isang Bai para sa bayan. Iyan ang iyong pagkatandaan."
Binalingan ko ng tingin si Dayan.
"Umpisahan mo ng magkwento Dayan."
"Paano ako magki kwento kung nagpapatayan kayo sa harap ko, Bai?"
Napatawa ako sa aking kapatid.
"Kung gusto mo'y tumalikod ka o di kaya'y sa baba ka para kami'y di mo makita."
"Hindi ako aalis dito Deia."
"Pwes simulan mo na."
Sabay ng pag-umpisang magkwento ni Dayan ay ang pagsalpukan naman ng arnis namin ni bunso.
"May dumating kaninang panauhin ang Datu."
Sinagal ko muna ang atake ni De-an at nagtanong ka Dayan.
"Taga saan sila ay ano ang kanilang pakay?"
Umayake naman ako at nasalag ito ni De-an. Gumagaling na nga ang kapatid ko. Umatake ako ulit at syang umiwas. Sa papag na kawayan napunta ang aking atake.
BINABASA MO ANG
New World With Him [COMPLETED]
FanfictionSi Deia, ang binukot na naikasal sa isang binatang dayo na nagngangalang Chard. Paano makakayanan ng isang dalaga ang mabuhay sa bagong mundong nababasa lamang nya at napakalayo ng pinagkaiba sa mundong kinalakihan nya? At paano ihaharap ni Chard sa...