Protector
Zion"Pilay!" Malakas na tawanan ng mga tao, pinagtuturo ako't paulit-ulit na binabatuhan ng bato. "Lampa na nga, pilay pa!"
Napayuko na lamang ako, pinilit ang sariling maglakad kahit hirap gamit ang saklay pero bigla ay natumba nang tumama ang paa ko sa isang malaking bato.
"Hahahaha!" Pagtatawanan ng mga tao't sa halip na tulungan akong tumayo ay pinagpatuloy ang pambabato sa akin. "Ayan, 'yan ang dapat sayo! Pilay!"
Yung kwintas, nanginginig na sambit ko't agad na nilibot ang paningin ko. Nasaan na ang kwintas ko?
"Ito ba ang hinahanap mo?" Sabi ni Diego, ang leader ng mga bully kasabay ng pagturo niya sa kwintas 'kong nasa lapag. "Ito, kunin mo!"
Napanganga na lamang ako't halos manghina sa kinauupuan ko nang makita siyang sipain ang kwintas ko't dalhin ito sa dulong parte ng field.
"Aww," Pangangasar niya't tinapik ang balikat ko. "Kawawa ka naman."
Ok lang 'yan. Pagpapatibay ko sa sarili ko't unti-unting tumayo upang kunin ang kwintas ko. Kaya ko 'to.
"Aba't, talagang matibay ka ah." Mariing saad niya't agad na tinawag ang kaniyang mga kasamahan.
"Hindi ka sumusuko, pwes matitikman mo ang dapat para sa iyo."
Aniya't napalunok na lamang ako nang bigla akong lapitan ng mga naglalakihang lalaki.Unti-unti silang humakbang papalapit sa akin kasabay ng malakas na pagtawa ng leader nila.
"Kayo na ang bahala sa kaniya."
Napalunok ako't humakbang paatras habang patuloy silang lumalapit sa akin.
"Sumuko ka na, pilay."
Nakangising sabi ng lalaking nasa gitna't tinulak ako, dahilan para muli akong mapaupo sa lapag. "Amin na ang baon mo.""W-wala akong pera," Nanginginig na sambit ko't pinilit ang sarili 'kong tumayo. "Wala kayong mapapala sa akin--"
"Wala kaming pakialam!" Sabat ng isa't kinuwelyuhan ako. "Kailangan naming mabigay ang gusto ni boss 'kung hindi, mapapatay kami!"
"P-pasensya na," Sabi ko't nanginginig na hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa kuwelyo ng uniporme ko. "Pero, wala talaga kayong makukuha sa akin--"
"Kung ganun," Paglapit muli ng kanilang leader sabay nginisian ako. "Tapusin niyo na siya."
Nanlaki ang mga mata ko, takot na nilingon ang mga lalaking handa nang sugurin ako pero bago pa man sila tuluyang makalapit ay malakas na sumigaw ako.
"Wag!"
Napapikit ako ng mga mata, takot na bumagsak sa lapag kasabay ng malalakas na sigawan ng mga tao.
"Takbo!" Sigaw nila't nanginginig ang mga kamay na itinuro ang kapaligiran. "Nasusunog ang buong football field!"
Napakunot-noo ako, unti-unting dinilat ang mga mata't napanganga nang makitang napapaligiran kami ng apoy habang ang mga lalaking kaninang susugod sa akin ay 'tila mga walang malay na nakahiga sa lapag.
A-anong nangyayari? Nanginginig na sambit ko't nanghihinang hinawakan ang saklay ko upang makatayo. Papaano nangyari 'to?
"H-halimaw," Nanginginig na sabi ni Diego at takot na itinuro ako. "Isa 'kang halimaw!"
