A N D R E A
"Nasan si Grace?"
"I'm not sure where she is but I'm sure she's in good hands"
Sana naman this time mainlove na si Grace kay kuya Mads.
Actually, noon pa talaga crush na crush ni kuya Adam si Grace. Nakita kasi niya ito dati noong nagbakasyon siya sa Pinas. Na-love at first sight ata yung pinsan ko. Since then lagi na niyang kinakamusta sakin si Grace pero ayaw naman niyang ilakad ko siya that time dahil busy pa daw siya sa studies. Pero ngayon, pwede na!
"nandito na pala sila eh" I said nang makita ko sa di kalayuan si Havi. Sa sobrang tangkad niya, malayo palang siya natatanaw ko na.
"Where's my Gracey??" tanong ko nang mapansing hindi nila ito kasama.
"Nagbibihis ata" sagot ni Havi.
"Whee's kuya Mads??" muling tanong ko.
"Nasa labas. Sinundo si Ramon"
I immediately dialed Gracey's number pero cannot be reached kaya pinuntahan ko na siya sa kwarto and to my surprise, nakahilata siya sa kama.
Nakatulog ang baliw!
Agad ko siyang dinambahan.
"araaaaaay~" reklamo niya.
"sa dinami rami ng oras na naisipan mong matulog bakit ngayon pa? The party's about to start!"
"Kayo nalang tinatamad ako ehh!!" sabi niya saka sinubsob ang ulo sa higaan at tinakpan ang ulo ng unan na pilit ko namang inaalis.
"ang kj mo talaga! Halika na!"
"naman ehh~ wala talaga ako sa mood Andeng, kayo nalang"
"Grace naman ehh... malapit na nga akong umalis ganyan ka pa!" pag-iinarte ko.
No choice siya. Dahan dahan siyang bumangon. Kita ko sa mukha niya ang pagkabagot. Halatang halata rin sa galaw niyang wala siya sa mood. But I hosted this party for her and kuya Adam. hindi pwedeng wala siya sa sarili niyang party.
."Dali! galaw galaw! Magbihis ka na!"
"edi lumabas ka na, paano ako makakapagbihis kung nandito ka? Ano to papanoorin mokong naghuhubad??" reklamo niya
"Is that a bad thing? There's nothign wrong with that" laking gulat ko nang bigla niya akong hilain at kaladkarin palabas ng kwarto.
"susunod ako promise. Alis na! Chupii!" pagtataboy niya sakin. May isang salita naman yan eh, Sigurado naman akong susunod siya. *wink*
