G R A C I E
Pagpasok palang namin ng gate rinig ko na yung malakas na music mula sa loob ng gym.
Feeling ko napapasayaw ako eh!
Malayo palang natatanaw ko na sila Alex, Diane at
"Oh my God si Czarina ba yon??"
I saw someone riding that bicycle pero nakatalikod siya, pero hindi ako pwedeng magkamali, si Czarina yun! Hips palang Czarina na eh!
"oo nga no??" sagot ni Andrea kaya nagmadali kaming pumasok.
Nadaanan namin sila Alex at Diane na busyng busy sa pag-iistretching na hindi ata kami napansin.
Nilapitan namin agad si Czarina,
Her eyes grew wide when she saw us.
"Girls!!!" napatayo siya saka tumakbo at yumakap saamin ni Andrea.
"anong nangyari sayo??"
"Bat bigla kang nawala??"
"You're getting married?? totoo ba yun??"
"girls, hinay hinay lang naman! Madadaan natin yan sa maayos na usapan!!" pagbibiro niya.
Whatever! I just missed her so bad!
Nagsasalita pa siya pero niyakap ko nanaman siya.
"Akala namin kinidnap ka na ni Julio!" Sabi ni Andrea.
"Julio is a good guy" she said. Napabitaw ako sa pagkakayakap ko sakaniya.