A N D R E A
"Pwede ba Si mamaya na nga yan!" inis kong inagaw yung cellphone niya. Hindi na siya umapela pa.
Nakakainis eh, kanina pa ako takatak ng takatak dito pero hindi niya ako pinapansin dahil masyado siyang naka-focus sa nilalaro niyang Pokemon!
"babe, bigyan mo muna sila ng time"
"bigyan ng time? Pag natuloy yung kasal ni Czarina, wala nang time! Paano naman si Diane!" Pagmamaktol ko saka dumerecho sa balcony.
Sinundan niya ako saka niyakap mula sa likuran.
"bakit ba ikaw ang nai-stress sakanila??" maya maya, bumaba yung kamay niya sa tiyan ko.
"...pati tuloy si baby nai-stress" Para akong nakuryente.
Ewan ko ba, kinikilig ako sa tuwing ginagawa niya 'to. Lalo na yung paghawak sa baby bump ko although hindi pa naman gaanong halata.
"Naiinis lang kasi ako kay Diane eh, napaka-martyr! 'to namang si Czarina, may pagkagaga! Alam na nga niya yung sitwasyon tinuloy parin! Nakakainis eh!!"
Mas humigpit ang yakap niya sakin.
"may mga bagay kasi na sila lang ang nakaka-alam. Mas mabuti pang wag ka nalang sumali kasi buhay naman nila yun" he said at pakiramdam ko umakyat ang dugo sa ulo ko.
Kumalas ako sa pagkakayakap niya.
"So sinasabi mong wag na akong makisali!?" inis kong sumbat sakaniya.
"that's not what I meant" pagmamang-maangan niya.
He tried to hug me but I refused.
I took a step back.
Natigilan siya.
He looked at me intently.
"You know me Simon, ayokong may naaargrabiyado sa mga kaibigan ko!" I said.