Epilogue

7K 142 56
                                    



G R A C I E


Nakaramdam ako ng konting kirot sa tiyan ko kaya napabangon ako.

Tiningala ko ang wall clock. 3:34 na.

Kinapa ko ang tabi ko at wala parin sa tabi ko ang walanghiyang si Ramon!



Kung di ako nagkakamali iniwan ko sila sa salas ni Javier kagabi na nag-iinuman, wag mo sabihing hanggang ngayon nagiinuman parin ang mga ungas!



Dahan dahan akong bumangon. Ang bigat ng tiyan ko.

Nasapo ko ang balakang ko at nagtungo sa pintuan.



Nasa hagdan palang ako kita ko nang nakabulagta yung dalawa sa magkabilang couch sa sobrang kalasingan.

Leche! tsinelasin ko mga pagmumukha ng mga 'to eh!



"Ramon!" sinipa ko siya ng mahina enough to wake him up. Pero di parin nagising. Tumihaya lang ang tarantado at ngimisi na parang lasing na aso.


"Javier!" baling ko sa isa saka siya sinipa ng mas malakas.

Pero wala paring epekto!



Kinuha ko ang cellphone ko para sana tawagan si Alexa nang may maisip akong mas magandang ideya para gisingin ang katawang lup ng mga lasenggong 'to!



Lumayo ako ng konti sakanila saka umupo sa huling baytang ng hagdan.

Humalukipkip ako sa hawakan ng hagdan sabay...



"aaahhhhhhh!!!!" 


"araaaaaaay!!!"



Nakita kong napabalikwas si Ramon na nahulog pa sa sahig sa sobrang kabiglaan.


"Ano yon anong nangyari anong nangyare!!!???" wala sa sarili niyang sabi. Hindi ko manlang namalayang nasa tabi ko na pala siya.

Himas himas nya ang tiyan ko


"manganganak nako Ramoooon!!!" sigaw ko.


"anoo pano ba pano ba.. tara tara saan tayo pupunta kingina!!" hindi mapakaling sigaw niya at biglang tinadyakan sa pwet si Javier dahilan para masubsub ito sa sahig.


"hoy tara na manganganak na misis ko!!!!" sigaw ni Ramon at nakita ko naman napatayo ng biglaan si javier.


"hala manganganak na?? ano pano tara paanakin na natin!!"


The CEO's SonWhere stories live. Discover now