G R A C I E
Feeling ko matutuyuan ako ng dugo sa mga katangahang pinaggagagawa ni Alex kanina. Mabuti nalang at dumating si Czarina at heto, nairaos naming ang dinner preparation. Medyo fail nga lang yung kanin dahil sa walanghiyang si Alex pero it's the thought that counts!
It's 8pm on my watch and the boys should be here by now. As of now, only Me, Alex, Czarina and Diane is present.
Pero sabi naman ni Andie on the way na sila ni Si. Bigla ko nanaman tuloy naalala si Andrea,
I hope mabigyan siya ng chance ngayong gabing ito na masabi kay Simon ang kundisyon niya.
Ayoko namang lumaki ang pamangkin kong walang daddy.
"Alex nasan na ba sila Javier??" pangungulit ko kay Alex at nagulat nalang ako nang lingunin niya akong salubong ang kilay niya.
"Malay ko! Bat ako tinatanong nyo!" mataray niyang sagot.
"problema nun?" I mouthed. Kibit balikat lang na umiling si Diane saakin.
Hindi ko nalang siya pinansin at denial ang number ni Ramon.
"pambihira! Kung sino pa ang may bahay siya pa ang huling darating!" Czarina
"ang sabihin mo, kapal ng mukha ng IBANG TAO JAN! wala yung may ari, pero nakikiluto!"pagpaparinig ni Diane pero diko nalang sila pinansin. Hindi pa kasi nila alam ang status naming. Hmp. Magugulat kayo mamaya sa revelation namin!
"Hello??" OMG that voice!
"Ramon" kalmado kong sabi. Ayoko namang magmukhang head-over-heels sakaniya no!
"baby?" OMG! Bakit ba ang sweet sweet niyang sumagot!
"Nasan na kayo?"
"Papunta na kami ni Javi. May dinaanan pa kasi kami!"
"orayt. Come home na. I miss you na!" pabulong kong sabi dahil baka marinig ako ng mga echuserang frog na nasa tabi ko.
"I love you"
Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko.
Kelangan na ba akong masanay sa mga casual I love yous nya? Feeling ko masyado na akong na-sspoil sa mga pag-a-I love you Nya. Baka hanap hanapin ko to!
"Hoy pangiti ngiti ka jan mukha kang tanga!!" sulpot ng ever-panira moment na si Czarina.
Napalingon ako sakanila, the three of them were judging me real hard. Ang sarap ding gawing cymbals ng pagmumukha ng mga 'to eh, mga panira moment!
