G R A C I E
It's past 9 at kanina pa ako nakatitig sa cellphone ko waiting for it to ring,
Namimiss ko na talaga siya!
Ewan ko sayo Gracie. Parang tanga kasi eh! Ano ba kasing kinagalit mo? Dahil lang magkakasama sila ni Irene sa Ilocos?? Wala ka bang tiwala sa sarili mo??
Kanina pa kami nagkakaron ng push-and-pull relationship ng cellphone ko.
Pupulutin ko tapos bibitawan ko ulit and the cycle goes on.
Gusto ko na kasing makipag-bati na sakaniya pero hindi ko alam kung pano ko sisimulan.
Ang nonsense naman kasi ng pinag-awayan namin no!
Tapos naguguilty pa ako na hindi ako nakipagkita sakaniya bago siya umalis kahit ilang beses siyang nagmakaawa saakin.
Pag ako kinalimutan ni Ramon at pinagpalit kay Irene wala akong ibang sisisihin kundi ang sarili ko!!!
Ahhh! Bahala na
I grabbed my phone at dinial ang number niya!
Bahala na! Naniniwala ako sa impromptu skills ko.
Basta isa lang ang gusto kong mangyari ngayon,
ang marinig ang boses niya dahil miss na miss ko na talaga si---
"Hello???" biglang nag-init ang ulo ko nang ibang boses ang marinig ko.
"who's this??" mabilis kong sagot.
"Irene..... Ramon is actually taking a bath right now so tawag ka nalang ul---"
"Why are you with Ramon??"
"what??"
"ano bang mahirap sagutin sa tanong ko? Why are you with Ramon??"
"cos basically we are partners here and----"
"have you seen my belt??"
Mas lalong nag-init ang ulo ko nang marinig ang boses ng kinginang Ramon na biglang nagsalita.
"hey, somebody wants to talk to you" biglang sabi ng higad na si Irene kaya mabilis kong binato ang cellphone ko. Halos kita ko pa ang pagkahiwa hiwalay ng katawan at battery nito.
SINASABI KO NA NGA BA!
MGA HAYOP!!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/78843303-288-k408576.jpg)