Nakayuko ako habang dahan dahan na naglalakad palapit sa mesa niya. Iisang bagay nalang talaga ang tumatakbo sa utak ko ngayon. Dapat talaga umuwi nako kanina. Wala nang pag asa to! Sa tingin nyo ba tatanggapin ako nito sa trabaho matapos ko siyang tarayan, sigawan at murahin kanina? Shet talaga! Me and my foul mouth!!!! (╥_╥)"come nearer. wag kang matakot, di kita kakainin" sabi niya pero hindi ko malaman kung seryoso ang mukha niya o ano dahil hindi ko siya matingnan ng direcho.
Pero siguro naman hindi ako namukhaan nito diba? Sabagay, I can deny everything, wala siyang ebidensya. Isa pa, kasalanan naman talaga nya yun eh! nag-sorry nga siya, labas naman sa ilong! Anong klaseng sorry yun?
"sit down" utos niya kaya ginawa ko naman. umupo ako sa harapan niya.
I can hear the sound of the paper being flipped.
"Can you tell me something about yourself?" nagsimula na siya. Pero base sa pananalita nya mukhang hindi naman niya ako namukhaan. Thank God.
Dahan dahan kong inangat ang mukha ko but to my surprise, nagtama ang mata naming dalawa, agad akong umiwas ng tingin. Shit lang! Guilty talaga ako!
"I'm....." naman Grace ano bang problema mo bat ba nauutal ka jan!!!
"I'm... Grace Romualdez. I am a... a graduate of Bachelor of Science in Business Administration major in.... Marketing" pagpapakilala ko habang ang tingin ko ay nakapukol lamang sa may bandang kuwelyo niya dahil nahihiya akong tingnan siya ng direcho.
Nagkaron ng saglit na katahimikan. Muli kong inangat ang ulo ko para tingnan ang reaksyon niya. tahimik siyang nakatitig sakin na waring naghihintay pa ng susunod kong sasabihin
"would that be all??" hindi kuntentong tugon niya.
Tumango nalang ako. Sabay nun ang pag iling nya na para bang hindi talaga siya natutuwa.
"Why should I hire you"
"Uhm.... I am very hardworking and---"
hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang bigla akong nakarinig ng munting tawa galing sakanya "why do applicants love to use that phrase to market themselves. Miss Remualdez everyone can claim that they are hardworking. I need a specific reason of choosing you!"
It hit me. Big time!
"I was about to tell you but you cut me off" hindi ko na napigilan ang sarili ko. nakakairita talaga siya. Namumuro na siya sakin! Konti nalang BIBINGGO NA TO!
"Tell me your strengths" baling niya
"pwede bang sagutin ko muna yung una mong tanong?"
"I don't like the way you speak miss Romualdez"
Whatever! Kung ikaw din lang magiging boss ko wag nalang no!
Iisang bagay nalang ang nasa isip ko ngayon. I no longer care kung makuha ako dito o hindi, basta hindi ko hahayaang makapuntos sakin tong lalaking mayabang na to!
"I am a team player. I easily adjust with any situation. I am good with dealing with people"
"are you sure?" namemersonal na to ah! Nakakakinis na talaga! kung may basong may lamang tubig lang sa harapan ko ngayon malamang naisaboy ko na sakanya!
"of course!" madiin kong sagot.
"okay let me give you a situation. There's this certain VIP customer who accidentally spilled his coffee into your uniform. What will you do?"
![](https://img.wattpad.com/cover/78843303-288-k408576.jpg)