27. ColaKiss

4.7K 103 12
                                        



C Z A R I N A


Ramdam ko parin yung init ng palad sa magkabilang pisngi ko dala ng pagkakasampal saakin ni mommy. Pakiramdam ko aabutin pa to ng bente-kuwatro oras bago maalis.

Ang kinaiinis ko, bakit kailangan pang makita ni Sandro ang pangyayaring 'yon.


At bakit ko nga ba kasama si Sandro ngayon!??



The last thing remembered was, nagkakasayahan kami kanina nila Gracie sa bahay nila Ramon tapos nagising nalang ako matapos akong sampalin sa mukha at mas kinagulat ko nang makita si Sandro sa tabi ko.


Ang gulo!


Ano bang nangyari!


"So you're awake now" Nagulat ako at napa-ayos ng upo nang marinig ang boses ni Sandro. Minulat ko ang mga mata ko. We're still inside his car. Nakatigil kami isang lugar na hindi ko alam kung saan.


"paanong---"


"Next time, don't go around drinking past your limits!" litanya nya.


Did I do something wrong?


"hindi naman ako umin---" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang bigla niya akong pitikin sa noo. *pouts*


"alam mo ba kung anong hirap ang dinanas ko sa kamay mo??" wow, he's speaking tagalog pero I can still hear his conyo tone.


"pwede ba, I'm a healthy drinker kaya! Hindi ako madaling malas----"



"Alam mo ba noong unang panahon, yung mga alien, nakatira sila sa isaaaaaaaang malaking capsule"



"ang mga aliens.... malilit yang mga yan!!!!! parang ikaaaaaw"



May kung anong mga eksenang biglang nagfa-flashback sa utak ko. Nanaginip ata ako. Ewan.



"alam mo ba kung anong kinakain ng mga alien??? lata. kumakain sila ng lata ng sardinas" 



I slapped my own face.

Bigla nalang talagang may mga naiimagine akong eksena.


Bakit naman ako magsasalita ng tungkol sa mga alien? Ang weird!



Nang mabalik ako sa sarili, gulat akong napalingon kay Sandro na noon ay nakatingin saakin na hindi ko mawari kung anong iniisip.

The CEO's SonWhere stories live. Discover now