ALEX
It's been a week since the last time Javi and I had a talk.
Hanggang ngayon hindi parin siya nagtetext or nagca-call sakin,
Almost isang linggo narin akong nag-eexpect na lilitaw siya sa harapan ko like he always do, pero wala talaga.
Siguro nga wala na talaga.
Lumabas ako ng office building hoping to see him waiting for me.
Pero wala.
Nakakamiss rin pala.
Pumara ako ng taxi.
Pupunta ako ngayon sa meeting place namin ng mga girls.
Napag-usapan kasing magkikita kita kami ngayon.
As usual, ako nanaman ang nauna sa meeting place. Kahit kelan talaga!
Umupo ako sa usual spot kung saan kami madalas umuupo saka ko sila hinintay.
Nilapag agad ng waiter yung pineapple juice sa harapan ko. Kilala na niya ako eh.
I saw Gracie. Pababa siya ng taxi.
I waved at her nang magtama ang mga mata naming dalawa.
Nagmadali siyang pumasok saka bumeso saakin.
"kanina ka pa?"
"Hindi naman" and she sat infront of me, maya maya, nilapag narin sa harapan niya ang isang baso ng pineapple juice.
"Himala, hindi mo kasama si Ramon?" I asked. Medyo hindi ko kasi sila nakaka-usap nitong mga nakaraang araw. Medyo naging busy kasi kami sa work, may tinatapos kaming project plus may hinahabol kaming papers para sa bidding.
"hindi mo ba alam?"
"wala na kayo!?" gulat kong tanong
"gaga! Bitter lang!? Nasa Ilocos na siya. Doon na siya magwowork" she said.
"LDR problems?" nangingiting sabi ko.
"makapagsabi ka eh kayo LDR din naman ah?" bwelta niya
![](https://img.wattpad.com/cover/78843303-288-k408576.jpg)