"Ate Faith seryoso ka ba talaga jan!!??? Pwede switch nalang tayo? ayoko talaga kay Ramonster!"
"ikaw talaga mamaya marinig ka ni sir Ramon." pagsasaway niya sakin. "...bakit ba ayaw mo sakaniya? Mabait naman yun, pogi pa!"
"ate Faith, sang parte ng pagkatao niya nagtatago ang kabaitang sinasabi mo? eversince nameet ko yan nalimutan ko na ata kung ano ang definition ng mabait!"
"ano ka ba, siguro nagsalubong lang yung init ng ulo nyo last time kaya nagkainitan kayo. Pasasaan bat magkakasundo rin kayo ni Sir Ramon!"
"...anyway, ito" she handed me a logbook, "I want you to go over the schedules written inside. You don't have to worry, sir Ramon isn't as busy as Mr. Santos kaya hindi ka naman gaanong mahihirapan jan"
"at ito naman, this is your personal address book. Dyan mo isusulat lahat ng important contacts related to our business"
"and this one, this is a company phone, since you are his secretary, expect that you are going to be on-call 24/7 pero hindi naman madalas nangyayari yan but it's better to be ready"
Ang dami niyang mga bilin pero feeling ko wala ni isa ang pumapasok sa utak ko. until now ayaw parin magsink in sa utak ko ang mga bagay bagay na nangyayari ngayon. How did I end up being the secretary of that one person whom I hated the most???
"and now dadalhin na kita sa magiging office mo"
Sinundan ko nalang siya kahit na wala akong kaide idea kung ano nanaman ang gagawin namin.
pero teka,
Ano daw? as in now na?
Kung sa magiging office ko then that means magkikita nanaman kami ni---
Pagbukas at pagbukas ng pinto, nakasalumpak na kilay agad ni Ramon ang sumalubong sakin. Biglang naalerto ang dugo ko.
He gave me a 'what-are-you-doing-here' look pero hindi nalang ako nagreact.
"Sir, this is Grace Romualdez, starting tomorrow siya na ang magiging secretary mo"
"what!?" apela niya. Halatang hindi niya gusto ang kanyang narinig.
"...I don't want her"
"the feeling is mutual!" inis kong sagot sakaniya with matching irap dahilan para lalong magsalubong ang makakapal niyang kilay. Grabe, bastusan talaga, dapat ba talagang ipamukha saakin?
Kung may choice lang ako hindi ko naman tatanggapin tong trabahong 'to no! Nakakainis lang tlga!