G R A C I E
Nasasanay na akong natutulog nang hindi nakakausap manlang si Ramon.
Ang busy kasi niya these days,
Ngayong araw nga hindi ko siya macontact. Sabi niya he's on a business meeting with some VIPs daw kaya hindi ko na siya kinulit pa.
Nagtalukbong ako ng comforter.
Namimiss ko na talaga siya.
I cried myself to sleep.
A moment later, bglang nag-vibrate yung phone ko.
A call from Alex.
Ano nanaman bang kailangan niya ng dis oras ng gabi!
I answered it at halos mabitawan ko ang cellphone ko nang marinig ang malakas niyang pagsigaw.
"hey what happened!!!" alala kong sigaw.
(Gracie... help me!!! help meeeee!!!" she said at naputol na ang linya.
Wala sa sarili akong tumayo at tumako palabas ng bahay.
I need to go to her place!
Hindi na ako nagbihis pa. Kung anong sapatos ang nahablot ko iyon na ang sinuot ko.
"San ka pupunta? Gabi na!" rinig kong sigaw ng nanay ko pero sa kakamadali ko hindi ko na nagawa pang sagutin siya. Dire direcho akong lumabas nang biglang may humila saakin at pinasok ako sa sasakyan.
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!
Wala akong makita. Nakapiring ang mga mata ko.
Napadasal nalang talaga ako,
I felt the car moved. Hahampasin ko sana yung kumidnap sakin pero diko makita kung nasan siya. Nakatali pa yung mga kamay ko.
Huhuhuhu!
Ano na kayang nangyari kay Alex, kelangan ko siyang mapuntahan sa lalong madaling panahon!
"San mo ba ako dadalhin! Sino ka ba!!!" sigaw ko pero hindi siya nagsasalita. Nakakainis!!!
"pwede ba pakawalan moko kailangan ako ng kaibigan ko ngayon! Bukas mo nalang ako kidnapin busy ako ngayon!!!!"
Wala paring sagot!
Kingina!
Maya maya, naramdaman kong tumigil yung sasakyan. Ilang saglit pa, may kumaladkad sakin palabas ng sasakyan. I-eexecute na ata ako!
Huhuhuhu madami pa akong pangarap sa buhay!
![](https://img.wattpad.com/cover/78843303-288-k408576.jpg)